(15) Just A Safety hug!

5 1 0
                                    

Ayii's POV



Iniliko ko ang motor ko dahilan para hindi ko na makita pa ang kotse ni Lee.

Nakahinga ako ng maluwag. Bahala na. Di naman ako nangako sa kanya. Haha!


Beep Beep



(>o<)


Argh!


"Wag kanang tumakas! Hahaha!" Sigaw nya nang dumungaw sya sa bintana ng kotse nya. Napairap nalang ako kahit di nya kita dahil mega tinted yung salamin ng helmet ko. "C'mon! Dun tayo sa bahay! Kung ayaw mong kaladkarin kita."

"Alright." Pagsuko ko.

"Promise?" Napabuntong hininga ako. This guy is the real expert to irritate me! Damn.

"Yeah." Agad na pinatakbo nya ang kotse nya kaya sumunod ako. San pa nga ba ang punta namin? Edi sa bahay nila! Nakaramdam nanaman ako ng pagtaas ng balahibo sa naisip ko. Nakakahiya! Parang gusto ko nanamang tumakas!

Pumasok kami sa isang exclusive village. Hinarang ako ng guard dahil wala daw sticker yung motor ko. Nauna naman si Lee kaya hindi nya ko nakita.

Marahas kong pinindot ang busina ko dahilan para mahinto si Lee.

"Ma'am. Nakakaistorbo po kayo." Nilingon ko yung guard.

"Hindi naman ako maririnig ng lalaking naka kotse nayan kung sisigaw ako." Kalmadong sabi ko.

"Nako manong. Pasensya na. Kasama ko kasi sya." Biglang sulpot ni Lee. Wala nang nagawa yung guard kaya sumakay na muli si Lee sa kotse nya at pinaandar.

Tumigil kami sa isang loteng may pagkataas taas na pader at pinaliligiran ng magagandang halaman. Pati yung gray na gate ang laki sobra! Bumusina si Lee at agad namang bumukas ang gate. Hindi ko pa nakikita ang loob dahil pinauna ko si Lee pumasok. Aba malamang! Bahay nya to eh! Tss.

Iniliko ko na ang motor ko papasok sa malaking gate. Napanganga nalang ako nang makita ang loob.

May pagkalaki laking bahay, ay hindi pala, mansyon! Buong palibot nito ay bermuda grass. Pero ang dadaanan ng sasakyan at ng tao  mula sa gate ay patag na patag na semento na may malinis na tubig sa magkabilang gilid. Oh my god! Ang ganda dito!

Hindi ko namalayang naka park na kami sa malaking garahe nila na naglalaman ng apat na sasakyan kasama ang gamit ni Lee. Lumabas na sya kasabay ng pagbaba ko sa motor ko.

Ngumiti sya sakin. "Welcome to my home!" Bungad nya. "Tara tara! Pasok!"  Aya nya.

Ipinatong ko na yung helmet sa manibela. Agad syang lumapit sakin at hinawakan ako sa bewang kaya automatikong napalayo ako sa kanya. Nagtaka naman sya.

"Bakit?" Inosenteng tanong nya. Napairap naman ako. Di kasi ako sanay sa ganung gesture! Tss.

"Wala." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Gutom nako." Reklamo ko.

"Tara na kasi!" Sabay hatak nya sakin papasok sa mansyon nila. "Ma! Nandito nako!" Sigaw nya. Nakatago lang ako sa malapad na likod nya. Pero kita ko sa bawat gilid namin ang mga mamahaling vase at decors. Pati mga kurtina nila sumisigaw ang kamahalan.

"Hai anak!" Natuon sa harap ko ang tingin ko, na para bang walang nakaharang na malapad na likod. Iniimagine ko na ngayon palang ang itsura ng nanay nya. Boses palang napaka amo na. Malamang hindi sya kamuka ni Lee dahil base sa kwento nya sakin dati ay hindi nya ito tunay na ina.

"Kamusta? Hinanap bako?" Tanong nito.

"Opo ma. Pero ayos lang. Nga pala, may kasama ako. Block mate ko, ma." Sabay usog ni Lee kaya naging visible na sa paningin ko ang nanay nya.

My StealerWhere stories live. Discover now