(8) Hello Bullies

7 1 0
                                    

Ayii's POV


Natapos na ang dalawang subject ko. Pero hindi parin ako nilulubayan ni Kenji. "Alis kana dali!" Pagtaboy ko.

"Di pwede!" Pagiinarte nya. Hindi kami magkaklase sa isa ko pang subject pero sinundo nya talaga ako. At kung minamalas ka nga naman, parehas na parehas kami ng oras ng sched, magkakaiba nga lang ng subject! Badtrip!

Binilisan ko nalang ang lakad ko papuntang canteen. Lunch na pero diko padin nakikita sa paligid si Ajii. Kaya nababalisa ako. Hindi pa pala nawawala yung gantong feeling ko!

Umupo ako sa bakanteng upuan. Tumabi agad si Kenji sakin at tumawag ng crew, "Yung lagi kong inoorder. Dalawahin mo ah!" Napakunot naman ang noo ko. Pwede pala yun?

"Saming lima lang pwede yun. Yun lang ang special treatment samin dito sa SU! Hehe." Sabay bulong nya. Tinanong ko ba? Tss.

Nang maiserve yun ay kumain na sya. "Kain na El! Libre ko yan! Promise!" Inismidan ko lang sya at sumubo narin.

"Ahmm, El, pwedeng magtanong?"

Tumango ako. "B-bakit, scholar lang kayo? I mean,, muka naman kayong mayaman!"

Natawa ako sa sinabi nya. "Mapanlinlang ang itsura Kenji." Makahulugang saad ko. Muka naman syang tangang nagulat.

Napailing nalang ako at kumain ulit. Hindi na muling nagsalita si Kenji matapos nun.

Habang kumakain ay tumatakbo ang utak ko. Inaalala ko kung nasan si Ajii. Kamusta kaya sya? Siguro busy masyado sa pagiging representative nya kaya di manlang ako nabisita. Nakaramdam naman ako ng tampo. Dati dati, ayaw nyang nawawala ako sa paningin nya. Tsk!

"Ayos ka lang El?"

"O-oo." Naiusal ko sabay subo. "May phone ka diba?" Tanong ko.

"Oo naman! Hiramin mo?" Tanong nya. Tumango naman ako. At nilabas nya ang mamahaling cellphone. Para tuloy ayokong hawakan. "Sino tatawagan mo?"

"Ako na magtatype." Suhestyon ko.

Agad naman nyang binigay kaya tinype ko yung number ni Ajii.

"Excuse lang." Paalam ko at lumabas ng canteen at pumwesto sa may gilid ng pinto.

"Who's this?" Boses ni Ajii.

"Its me." Pagpapakilala ko.

"Ayii? Napatawag ka?" Tanong nya.

"Did i disturb you?" Tanong ko muna.

"I was actually at the middle of the class, but its fine. Any problem?" Whew! Fine daw yun!

"I see. Paano pala ako uuwi?" Tanong ko.

"May susundo sayo." Kumunot naman ang noo ko.

"Who?"

"Secret."

Blag

Napanganga nalang ako. What the fvck!

"Oops. Sorry i mean it." Maarteng sabi ng babaeng hinagisan ako ng platong may spaghetti. "Oh! You're so dirty na." Then she burst a water to me. Sa parteng may spag at sa dibdib ko yun.

"Ayii? Still there? What's going on? Ano yung nalagla----"

"I-i'll call y-you later. Bye." Paalam ko. Then i hang up.

"Ano bang problema mo!" Sigaw ko sa tumatawang psycho.

"Ikaw! Malandi ka kasi!" Napakunot naman ang noo ko. "Una, si Lee, tapos si Vincent, tapos si Nasher at ngayon si Kenji? And who's your calling? Khyser? Then next you'll flirt with Darryl? Slut!"

My StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon