(6) Nash Pamintuan

12 2 0
                                    

Ayii's POV



Matapos ang huling klase ko ay pumunta nako sa library. Doon kasi kami magkikita ni Lee para sa partner test.

Medyo nahiya pako pagkapasok ko dahil kasalukuyan palang nag eeliminate ng candidates for officer ng library.

Pumunta ako sa mismong sulok. Yung mesang hindi makikita ng sinoman o makakakita ng sinoman dahil sa kaliwa ay isang malaking rack ng libro at sa kanan ay pader na.

"Miss? Nakita nyo po si Rosales?" Rinig kong tanong sa kabilang dulo.

"Andun sya sa dulo." Umayos ako ng upo at inilabas na ang notebook ko.

"Hai." Bati nya. Tumango lang ako

"Start na." Agad naman syang umupo sa harap ko.

"Favor." Napatingin naman ako sa kanya.

"Close tayo?" Tanong ko.

"Ha?"

"Bingi kana?" Inis na tanong ko. Sumimangot naman sya. Pakiramdam ko sa lalaking to, sensitive masyado. Ayoko ng gantong kasama.

'As if naman na magiging kasama ko sya lagi. Tss'

"Gusto ko lang sanang wag kang magsungit." Seryosong sabi nya. "Kailangan kitang makilala. At mangyayare yun kung di ka magsusungit." Bigla syang ngumiti. "Pwede ba yun Zayiin?"

Kusang tumaas ang kilay ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mokong tatawaging ganyan?" inis na sabi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo?"





Lee's POV





Lalong kumunot ang noo nya sa tanong ko.

Kailangan ko syang makilala. Para malaman ko----ni Vince pala ang kahit anumang tungkol sa kanya. Ginamitan na namin ng power of son's, pero kulang ang information na nasa record nila na naipakita ng magulang namin.

"Dahil gusto ko, bawat tao na kilala ko, iba iba ang tawag sakin." sagot nya. Pasikreto naman akong ngumisi.

'Nakatanggap din ng matinong sagot.'

"Ganun? So may tumatawag na sayo ng Zayiin?" interesadong tanong ko

"Wala."

sumandal naman ako sa kinauupuan ko.

"Edi, ako nalang!" tumataas taas pa ang kilay ko.

"Hindi!" angal nya. "El ang pagpapakilala ko sayo. Kaya El ang itawag mo sakin." ismid nya

"Eh anong tawag sayo ni Al?" tanong ko

"Ayii"

"Yung iba?"

"Zay, Yen, Lane, at El, isa kadun." tumango tango ako.

"Zayiin ang itatawag ko sayo"

"King ina!" inis na sabi nya. "Ang kulit mong tukmol ka!"

Inilabas ko lang ang dila ko sa kanya."Eh yung parent mo? anong tawag sayo?" sabi ko habang tutok sa paglabas ng gagamitin ko. "Hula ko, Darling? Baby? Honney? Bunch Bunch? Kuchi Kuchi?" natawa ako sa sinabi ko. "Ganun kasi yung tawag sakin ni mama." sabi ko sabay tingin sa kanya pero nabigla ako dahil walang emosyon syang nakatingin sakin.

"Walang tatawag sakin nyan, dahil wala akong magulang." Dun ako natigilan.

"A-ano?" di makapaniwalang sabi ko.

My StealerWhere stories live. Discover now