(21) Game 1 (Women)

4 0 0
                                    

Ayii's POV





Kinapa kapa ko yung katabi ko but my surprise, there's nothing on it. Napabangon ako at nakitang, wala nga doon ang kambal ko. Napakamot ako sa ulo ko. "Asan nanaman yon?"

Napagdesisyonan ko nang bumangon. Nag inat inat pako at saka kakamot kamot sa likod habang papasok sa banyo.

Habang nagaayos doon ay nakarinig ako ng yabag sa labas pero hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Matapos kong magbihis ng knee length short at maluwag na t-shirt ay lumabas nako pero laking gulat ko nang makitang, ang ayos na ng kwarto. Woah? Pano nangyare yon?

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lee.

Tinuro ko yung kama. "Ikaw nag ayos?" Di makapaniwalang tanong ko.

Tumawa naman sya. "Every morning, slaves responsibility is to take all room be presentable." Paliwanag nya.

"Oh? Kelan ka naging katulong?" Seryosong tanong ko. Wala lang. Gusto ko lang mag tanga tangahan. XD

Sumimangot naman sya. "Hindi ako nag ayos nyan! Yung katulong at hindi ako katulong. There's no way I'm gonna do others responsibility." Saka sya padabog na umalis ng kwarto.

Wow. Maka salita naman sya parang kinasusuklaman nya yung gawain ng mga katulong. Kung matanggalan kaya sya ng yaya? Baka mamatay sya ng dilat ang mata! Tsk. Mayayaman talaga.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas nako ng kwarto. Pero kulang nalang ay kuliglig dahil tiwangwang ang buong second floor. Luminga linga pako pero wala talaga akong makita. Napaatras tuloy ako. Nasa ibang bahay nga pala ako!

Pumunta ako sa kwarto ni Fatima at kakatok na sana pero may nagsalita. "Wala sila dyan hija." Napalingon ako sa babaeng naka black dress at flats. Nakakasilaw sa kinang ang mga alahas nya mula sa tenga hanggang pulsuhan.

"Uh.. hello po." Magalang na bati ko. She must be Vincent's mother.

"Hello. Anyway, nasa garden silang lahat. I'll call a slave to escort you." Sabi nya. Napaka hinhin nya gumalaw at bawat kumpas ng kamay nya ay nakaka distract dahil napaka elegante.

"Thank you po Misis Vasquez." Nakangiting sabi ko.

Pak

Napailag ako ng hahampasin nya ako, dahilan para sa hangin lang iyon tumama. Akala ko sa galit yon pero.. "Haha! Nakakatanda. Tita nalang." Napangiwi nalamang ako. Ganun ba ang mayayaman? Nang hahampas pag natutuwa? My god!

"Ah. Hehehe. Sige po." Umalis na sya at nagantay lamang ako ng ilang segundo. Maya maya pa'y may dumating na ang isang katulong.

Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong yabag papunta sakin. "El." Nilingon ko ito at nakita ko si Kenji. "Ate, ako na bahala sa kanya. Salamat." Kausap nya sa katulong. Yumuko ito samin saka magalang na umalis. "Tara sabay na tayo."

Tumango ako sa kanya kaya nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ay nararamdaman kong hindi sya mapakale​. Malamang na may gusto syang sabihin.

Huminto ako sa paglakad at dahil hindi sya mapakale nakalayo pa sya sakin konti bago nya narealize na huminto pala ako. "Bakit ka huminto?" Tanong nya habang naglalakad papunta sakin.

Kasalukuyan kaming nandito sa pool area. Kung saan, wala na ang kalat kalat na bote at balat ng mga pagkain. Malinis na ulit. Binaling ko yung tingin sakanya. "Anong sasabihin mo?"

"Huh?"

"Sabihin mo na habang may gana akong makinig." Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Gusto ko lang alamin kung ano nangyare kagabi. Ikaw lang kasi yung naalala kong matino. Nahihiya naman akong magtanong kay Fatima. Baka sabihin, napaka wasted ko. Di pa nga ako umaamin, mabasted nako."

My StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon