Chapter 6: Hungry Demon

Start from the beginning
                                    

Napapikit ako at napasapo ako sa noo ko. Hindi ko talaga alam ang nangyayari saakin, Wala ako sa tamang pag iisip. "O-of course i know that. it's just..." I sigh. "I'm sorry, I'm just trying to help you."

Napatawa nalang siya na parang hindi siya makapaniwala. Iniling iling niya ang ulo niya at hindi na ako muling pinansin. Napaisip ko, He's Hungry and I'm here, I'm an Elementalist...but he didn't even try to kill me nor drink my blood.

Nagsimula akong lumapit sakanya. At medyo malapit na umupo sa tabi niya. Hindi naman niya ako pinansin. "Thank you about earlier. You cured me." Sabi ko.

"You know i can kill you right now." He said.

"I know." I said. "Maybe the rumors about you is not true at all." I added.

"What rumors? Being a Mean? A killer, a cold and Heartless Demon? Nah it's true."

I bit my lip. "Then maybe you still have a Good side." Sabi ko.

Tumingin siya saakin, At ito nanaman ang puso ko. "Really? How can you fvcking say that?"

Hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya. "Because... You can kill me right now, but you didn't. You're a Demon and the rumors said Demons likes Elementalists Blood. You're Hungry right now and you know that you can kill me in just a snap but you didn't. Wh—"

Hindi ko na alam ang nangyari basta ang alam ko nalang ay ang likod ko ay nakadandal na sa pader. Sobrang lakas ng pagkakatulak saakin dito kaya sobrang sakit ng ng likod ko. Napatingin ako sa mga mata ni Zane, Galit itong nakatingin saakin, Nakasakal din ang kamay niya sa Leeg ko, at Kita kong nakalabas na ang mga pangil niya, At sa oras na ito gusto ko nalang tumakbo at magtago sa Kwarto.

"You really want me to kill you huh?" Mariing sabi nito at hinigpitan pa ang pagkakasal saakin. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa mga mata niyang nag uusok sa galit, I don't know what to do or what to say! Unti unti akong nakahinga nang dahan dahan niyang tanggalin ang kamay niyang nasa leeg ko. Nagulangtang ako nang bigla niyang haplusin pisngi ko pababa sa leeg ko, At hindi ko na alam ang nangyari basta ang alam ko nalang ay iniinom na niya ang dugo ko mula sa leeg ko. Ang sakit nang pangil niya, At kita ko ang sabik niya. Hinayaan ko lang siya uminom ng dugo ko, Hindi niya ito tinigilan, Medyo nanghihina na rin ako pero ayokong manlaban, I just let him... Hindi ako nag iisip. Hindi ko iniisip na mamamatay ako, na papatayin niya ako.

Ilang minuto na siyang umiinom sa dugo ko, Lalong pa siyang nagiging sabik, Hindi ko alam basta't ramdam ko ang mahigpit niyang hawak sa braso ko, Nakakaramdam na nga rin ako ng sakit dahil parang tumutulis ang mga kuko niya.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumalsik ng kusa. I didn't do anything! Matalim siyang tumingin saakin, May mga dugo pa sa gilid ng labi niya, Napansin ko rin na parang lumalaki ang dalawang sungay niya at ang mga mata niya ang nagiging itim at pula ang gitna.

"Run or i will kill you." Hindi ko alam pero sa pagsasalita niya ay parang pinipigilan niya ang sarili niya na makalapit saakin. "RUN!" Malakas na sigaw nito kaya agad akong tumakbo pabalik sa Kwarto, At agad na sinira ang pinto at nilock iyon. Hingal na hingal akong napasandal sa Pinto, Napahawak ako sa Leeg ko, Nahawakan ko doon ang dugo ko at ramdam ko din ang hapdi sa leeg ko. Hinawakan ang noo ko, Nahihilo ako, Nanghihina. Bago pa ako matabi kela Aubree ay natumba na ako at linamon na ng kadiliman ang paningin ko.


Kamilla Pov

"Nakahiga siya malapit sa Pinto. Paano nangyari yun? At sa nakikita niyo namumutla siya, Kanina parin namin siya ginigising pero hindi siya nagigising." Natatarantang sabi ng babaeng Elementalist, I think her name is Taylor. Hinawakan ko ang pulsuhan ni Rose, Buhay pa naman siya.

Kakagising palang namin ay bumungad saamin ang nakakainis na babae na nangangalang Aubree! Agad niya kaming pinapunta sa Kwarto nila, At andito kaming lahat except sa mga Demons.

"Baka naman makulit talaga siya matulog?" Pang huhula ni Vlad. I rolled my eyes on him.

"No... Look at this." Tinignan namin lahat at itinuro ni Aubree. And it's a bite, may natuyo pang dugo doon. Mabilis akong napatingin sa mga Bampira.

"Ohh hindi kami natutulog pero kagabi ay magkakasama kaming naglalaro sa kwarto, Kaya wala kaming kinalaman diyan." Mabilis na sabi ni Vlad habang nakataas ang dalawang kamay.

"It's true." Sabi naman ni Denise.

"Imposimbleng demonyo ang gumawa nito dahil siguradong hindi na makakarating ng buhay si Princess Qetsiyah dito sa kwarto." Sabi ni Sariel.

"My vampire friends said they didn't. I trust them." Mataray kong sabi sakanila. They know our rules, Isa pa. Me and Vladimir are their Leader. They respect us, So... I know.

"Heal her, Sariel. Buhay naman siya, At pagkagising niya doon niyo nalang tanungin kung ano ang nagyari sakanya." Sabi ni Sephyr. "Susunod lang ako sa mga kasamahan ko dahil tutulong ako na ayusin ang mga armas." Dagdag nito at lumabas na ng kwarto. Gosh! Mabuti at malaki ang pinto. Hindi ko maintindihan kung paano sila naging komportable sa katangian nila.

Tumayo na ako. "Buhay naman siya huwag kayo mag alala." Sabi ko at lumabas na rin ng kwarto, Naramdaman ko namang sumunod din ang iba saakin. Nakasalubong namin ang mga demonyo, At biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko ang lalaking nakangisi habang nakatingin saakin.

"Jerk." Madiin at nanggigil kong sabi. He killed my friend with no reason! For fvck sake! Sinong matutuwa doon. Hintayin mo lang makakaganti din ako.

Nagkibit balikat siya at nilagpasan ako. Napatingin kami kay Denise nang marinig naming nagsalita siya.

"Fvck."

"What is it?" Tanong ng kakambal nito na si Daniel. May kakayahan kasi si Denise na makakita ng nangyari kapag iniisip niya kung ano ang nangyari tapos bigla niyang nakita ang may kagagawan nito. Well for example, I killed Zane and iniisip niya na kung sino ang pumatay dito tapos nakita niya ako, She will know.

"He is the one who bite Rose." Saad nito na nagpataas ng isang kilay ko.

"Are you serious?"

"Yes."

Napatawa ako. "He just bite her? Anong nakita niya sa prinsesa na 'yon at hindi niya tinuluyan?" Napailing iling ako. The demon we know is Heartless, Hindi lang ito basta bastang iinom ng dugo, Papatayin niya ito dahil ito ang nagpapasaya sakanya. Kapag nakikita niyang may pinapatay o tinotorture niya makikita mo sa mga mata nito ang kasiyahan.

Napangisi ako. Is that demon is interested to this so called elementalist princess?

***

Guardians of the Stones: The Four KingdomsWhere stories live. Discover now