Lie #2: Derick Lusterio

Start from the beginning
                                    

"See? Derick cant stand her cheapness kaya binilhan siya ng pagkain"


"She's poor"


"Kadiri. Ewww"

Yan yung mga naririnig ko ngayon. Doon lang ako natauhan. Gusto ko umiyak. Wala akong magawa. Kung tutuusin pwede ko naman silang patulan. Pero wala eh. Kasi alam ko naman na totoo ang sinasabi nila. Nakakainis lang na kailangan talagang ipamukha sakin.

Mabilis akong tumingala para hindi tumuloy sa pagbagsak yung mga luha ko. Pero may kumawalang isa kaya pinunasan ko yun ng palad ko.


"Damn what have I done?" he demanded. Mabilis siyang napatayo at tinabihan ako. Nakakainis siya! Hindi ko naman to hiningi sa kanya eh! Napahiya pa tuloy ako


"Aalis na lang ako" sagot ko at tumayo na. Pero hinatak niya ako pabalik sa kanya.


"Umiiyak ka ba dahil sa mga sinasabi nila? Okay then" tumayo naman siya at naglakad sa mesa ng grupo nung mga babae na nagbubulungan kanina. Nanahimik ang lahat. Pagdating niya dun kinuha niya yung isang baso na may lamang tubig. Iisipin ko pa lang kung anong gagawin niya dun ng ibuhos niya yun dun sa isa.

And everyone is in shock. Including me.


"Whoa, easy there dude" may dumating na lalaki at hinawakan sa balikat si Derick. Kilala ko siya. Si Nico Valdez. Kaklase din namin siya. Hindi ko siya nakakausap pero araw araw niya akong nginingitian. Sa pagkakaalam ko nga mag bestfriend sila. Katunayan pareho silang hindi nagsusuot ng uniform kapag nandito sa school. At walang sumisita sa kanila.


"You know what you did, Eunice" sabi niya dun sa binuhusan niya ng tubig at tumalikod na pabalik sa mesa namin.

Nakatingin pa din ang lahat sa kanya. Yung Eunice na tinawag niya umiiyak na. Sa pagkakaalam ko kaklase ni Annabeth yun. Speaking of my bestfriend, buti na lang absent siya kung di mage enjoy na naman siya kung nakita niya ang mga nangyari ngayon


"Pwede ka na ba kumain, Manilla?" tanong niya sakin. Ngayon ko lang din napansin na tinatawag niya ako sa una kong pangalan. Siya lang ang ganun sakin. Ang mga magulang ko ginagamit lang yun kapag galit na. Gusto ko siyang sitahin pero hindi ko alam bakit maganda ang pagbigkas niya sa pangalan ko at nagustuhan ko.


"Hindi mo kailangan gawin sa kanya yun" I snapped. Nakasunod pa din sa kanya si Nico na umupo na din sa pwesto ni Derick kanina. He sagged the leche flan at hindi kami tinitignan. Nasa tabi ko naman yung isa.


"They said something bad about you" mahinahong balik niya. Kinuha niya yung plato ko at siya ang naghiwa nung beef. Pagtapos nun inihain niya na ulit sa harapan ko.


"Kumain ka na. Utang na loob"


Napatid na ang pasensya ko. Hinampas ko yung mesa at nilapit ang mukha ko sa kanya "Hindi kasi ako yung klase ng tao na gagastos ng two hundred fifty pesos para lang sa beef steak!"


"Sinabi ko bang bayaran mo?"

Natahimik ako. Wala naman nga siyang sinabi pero wala din naman akong sinabi na bigyan niya ako ng pagkain. Hindi ko naman yun hiningi sa kanya!


"Kahit na nga ba! Mas gugustuhin ko pang kumain ng noodles!" ugh of all the foods na maiisip ko, noodles pa. Naalala ko na naman tuloy yung lalaki sa madilim na kwarto.

He playfully smiled "Okay. E di kakain tayo ng noodles" bago pa ako tumutol ulit naikumpas niya na yung daliri niya at lumapit ulit yung chef samin. He muttered something like stuffed noodles, whatever. Ugh ang lalaking ito!


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now