Chapter 13: A Special Presentation

Start from the beginning
                                    

"Stop! I'll do that. Isa pa nakalimutan mong mag-lagay ng alcohol sa kamay mo. Mahirap na baka mahawaan ka pa niyan ng virus." Nakangising wika ni Ysabelle.

"Thanks Girl!" Kinuha ni Autumn ang wet wipes sa bag niya.

Sasampalin na sana ni Ysabelle si Czarina nang biglang may narinig sila na announcement.

"All students of Princetown Academy please proceed to the School's auditorium. Mr. Jaeger Bustamante has a special announcement to make. Thank you." 

Iniwan ni Czarina ang tatlong maldita at tumungo na sa Auditorium.

Czarina's POV

Ano na naman kaya ang gagawing kabalbalan ni Bustamante? Yung aroganteng Hangin talaga na yun. Mukha siyang ewan.

 

 
"Pst! Czar! Pstt!"

 

Hindi pa rin nililingon ni Czarina ang tumatawag sa kanya sa kadahilanang hindi niya maaninagan ang mukha ng tumatawag sa kanya hanggang sa nag-pakilala na si Shaomei.

 

"Hoy! Bruhang alipin ng Aroganteng Hangin! Si Shaomei 'to! Ang dyosa sa kagandahan mong kaibigan!"

 

Saka lang nalaman ni Czarina na si Shaomei ang tumatawag sa kanya. Kaya lumapit si Czarina at tumabi sa upuan ni Shaomei.

 

"Alam mo kung himdi pa ako nag-pakilala di mo pa ako lalapitan."

"Aba, malay ko ba. May kasabihan nga na 'Don't talk to strangers.'" Kibit balikat na tugon nito.

"Oh, ngayon? Mukha na ba akong 'STRANGER' sa buhay mo?" Sarkastikong wika ni Shaomei.

"Ito naman... joke lang. Ikaw?! Makakalimutan ko?! Aba,  kakalimutan ko muna mag-suot ng underwear at bra bago kita makalimutan. Love kita eh." Imakbayan ni Czarina si Shaomei.

"Grabe ka naman Czar, ang gross mo!" Pilit na tinatanggal ni Shaomei ang kamay ni Czarina na nakaakbay sa kanya.

"Biro lang." Nag-wink si Czarina sa kaibigan.

"Teka nga lang, itatanong ko lang sayo kung ano ang i-aanounce ng boss mo?"

"Ewan ko. Alam mo naman yun may pagkakrung-krung." Inalis ni Czarina ang pag-kakaakbay kay Shaomei saka umayos ng pag-kakaupo.

"Ang bad mo, Czar. By the way, musta na friend? Miss na kita. Balita ko naka tsup mo si Jaeger." Nag-pout ito saka ngumisi si Shaomei sa kaibigan.

"Anong tsup?"

"Hay! Nawala ka lang sa tabi ko hindi mo na alam iyong mga words na ganyan. Tsup, isa siyang verb na ang ibig sabihin ay kiss."

"Ahh."

"Anong ahh?! First kiss mo kaya yun! Baliw ka na rin ba?" Humarap na si Shaomei kay Czarina.

"Accident lang iyon. Wala yun."

Bago pa maka-sagot si Shaomei ay dumilim na sa loob ng Auditorium dahil pinatay na ang ilaw.

NP: Maybe - The Perfect Measure

Nag-simula ng kumanta si Jaeger at tumutok sa kanya ang spotlight. Nakita ng buong estudyante ng Princetown Academy ang isang lalaking gwapo na naka-casual attire at tumutugtog ng piano.

Natapos na ang kanta at tumayo na si Jaeger sa kinauupuan niya.

"May nagawan ako ng malaking kasalanan sa isang tao... at ang tao na iyon ay nandito. Sana mapatawad na niya ako. Czarina..."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now