Chapter 59

1K 22 0
                                    

"Bess okay na ba?" tanong sakin ni Lyra habang ipinakita sakin ang suot nitong Damit

maya-maya lang ay magsisimula na ang Party kaya naghanda na kami lahat ng boys ay nasa kwarto ni David at lahat ng girls ay nasa kwarto ni ate chelsea dahil mas malaki ang kwarto nito kesa sakin

"Of course ang ganda mo na" nakangiting puri ko sa kanya saka ko sinulyapan ang mga kasama namin na busy din sa kakasuri ng sarili

"nga pala nakita ka namin ni David kanina na may kasamang lalaki, sino yun?" tanong ko sa kanya na sya namang nakapag patingin ng mga kasama namin sa kanya hotseat ata

"Oyy may kasama ka kaninang lalaki Ly? sino? gwapo ba?" tanong ni Yazzy sa kanya

"si Nico ba sinasabi nyo?" paninigurado nito samin

"Nico? cute ng name a, Discribe mo nga sya samin" excited na sabi naman ni Kyla sa kanya

"bagong kapit-bahay namin sya, nakilala ko lang sya kanina dahil bored na bored ako sa bahay at walang magawa kaya naisipan kong gumawa kaya dun ko sya nakilala"  paliwanang nito samin kaya napatango nalang kami

"ipakilala mo naman kami ha?" sabi naman ni Jessa

"Baka masuntok lang yun ni Xavier kaya wag na Jessa" sabay kaming nagtawanan lahat sa sinabi ni Honey dito

"Unfair" nakasimangot namang sabi ni Jessa kaya napailing nalang ako

"Girls be ready now the party will be started ln any minutes we need to be there na" sabi ni ate chelsea samin nagsigalaw na kaming lahat

panay suri at ayos lang ang aming ginawa hanggang sa tapos na kami at isa-isang lumabas sa kwarto ni ate chelsea

pagkababa namin ay naabotan namin ang mga lalaki na prenteng nakaupo sa sofa, tumikhim naman si sweetney kaya napatingin ang lahat sa amin sabay-sabay silang namangha samin.. nakangiti naman akong tinignan si David na seryosong nakatingin sakin habang lumalapit sa kinaroroonan ko

hinawakan nya ang dalawang kamay ko saka hinalikan ang likod nito..

"you're so beautiful" puri nito sakin kaya napangiti ako

"Gwapo mo din" sagot ko sa kanya.. ngumiti rin ito sakin at inilalayan na ako palabas ng mansyon at nagtungo sa Garden kung saan gaganapin ang party

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon