Chapter 19

1K 20 0
                                    

~STAR POV~

"Kuya naman e" pagmamaktol ko dito

"How many times do I have to tell you Star?" inis nitong tanong sakin habang kunot na kunot ang noo nito

"How many times do I have to tell you too kuya na AYAW KO" inis kong sabi dito

"Sa ayaw at sa gusto mo, wala kang magagawa" may diing sabi nito bago pumasok sa kwarto niya

Kainis! kainis! kainis! bwiset talaga!

Bakit niya ba kasi ipinagpipilitan na sumabay ako mamaya sa Lecheng Sean Jared Espina na yan kung pwede naman na gamitin ko ang kotse ko diba? nakakainis talaga!

kung sana ay payag siyang isabay ako mamaya ay hindi na ako magpupumilit na gamitin nalang ang Kotse ko kesa sa ipasabay sa Sean na yan! kainis talaga!

ayaw niya kasi na gamitin ko ang kotse ko pag gabi na, dahil delikado daw yun para sakin kaya mas gusto niyang isabay ako ni sean dahil ito lang ang pinag kakatiwalaan niya pagdating sakin pero ayaw ko sa kanya dahil inaasar lang ako nun kahit alam nitong sobrang pikon ako

"Makusot pa sa damit yang mukha mo ngayon hija, ano nangyari?" napatingin ako kay manang na siyang taga alaga namin mula bata palang kami dahil lageng nasa business tour sila ni Mommy at Daddy

"Si kuya kasi e ipapasabay na naman ako sa Sean na yun" sumbong ko dito, natawa naman ito sa sinabi ko kaya mas lalong sumimangot ako

"Mabuting bata si Sean hija" sabi nito kaya napanguso ako

"Mabuti? Lage nga akong inaasar non e" sabi ko pa dito

"Ang pang-aasar ng isang lalaki ay isa sa mga paraan para mapansin ng babaeng gusto niya" makahulogang sabi nito kaya nagulat ako

Like what? Talaga? Totoo? pero Impossible! mapang-asar lang talaga ang walanghiyang yun!

"Naku! hindi yun" tanggi ko dito kaya napailing ito habang nakangiti

"Oo sige, basta sundin mo nalang ang Kuya winter mo.. maglalaba na muna ako" sabi nito saka umalis kaya napa nguso na naman ako habang parang batang nagpapadyak ng paa dahil sa inis

"You look stupid" gulat akong napatingin sa lalaking kakapasok lang ngunit napalitan ito ng inis dahil sa makita kung sino ito

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon