Chapter 18

1K 21 0
                                    

~LYRA POV~

"Oh bat naka busangot yang mukha mo?" napatingin ako sa kapatid kong naka pameywang habang nakataas ang mga kilay nito na para bang nagtatanong ang mga ito

"Si Blue kasi kanina ko pa tinatawagan pero ayaw paring sumagot" nakasimangot kong sabi..

kanina ko pa talaga ito tinatawagan pero kahit ni isang tawag ko man lang ay hindi niya sinagot

Bwiset! Anong problema mo blue? Bakit ka naging ganito? ano na naman ba to?

"Baka busy lang wag kang OA hindi pa kayo kasal pero para mo na syang sinasakal" maarteng sabi ng ate kaya napairap ako

"Ano ba ang ipinunta mo dito sa kwarto ko?" inis kong tanong sa kanya

"Just wanna invite to come with me, I wanted to buy a new Dress for the Party tonight" sabi nito sakin, napaisip naman ako! Oo nga no? ngayon nga pala ang anniversary party ng mag asawang Perez mmm

"Sure! hintayin mo lang ako sa baba bihis lang ako" sabi ko dito saka tumayo na sa malalambot na kama ko

"Make it faster" sabi pa nito bago lumabas

actually close naman talaga kami ng ate ko minsan lang ay umiiral na naman ang pagka sarcastic naming dalawa kaya minsan ay nagbabangayan kami pero kahit masungit yang ate ko ay inaamin kong mahal ko yan e, Mahal din ako nyan kaso minsan talaga ay para kaming ewan

pagkatapos kong maligo ay agad na nagbihis at nag ayos ng sarili bago bumaba

"Saan kayo pupunta?" tanong agad ni mommy samin na kakalabas lang ng kusina

Tumayo naman si ate habang pinaikot-ikot ang key holder nito sa index finger niya

"Mall mom" maarteng sabi naman ng ate, pasensya na kayo pero maarte talaga magsalita yan

"Okay be careful babies" paalala nito samin, Tumango lang kami saka humalik sa pisnge niya

"Let's go Ly" anyaya nito sakin kaya sumunod na ako dito

"Scarlet, take care of your sister okay?" pahabol pa ni mommy, napairap naman ang maarte kong ate

"She's not a kid anymore mom but then Of course I will" maarteng sabi naman ni bago kami lumabas ng Bahay

Sumakay agad kami sa sasakyan niya saka niya ito pinaandar.

naisip kong tawagan ulit si Blue kaya kinuha ko yung phone ko saka ito idenial, akala ko ay hindi na naman nito sasagotin kaya nakaramdam na naman ako ng inis ngunit agad ring nawala dahil sumagot ito

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon