Chapter 41

1K 27 0
                                    

ang bilis lumipas ng panahon at hito na kami sumasakay lahat sa Van na gagamitin namin papuntang resort ni Carl para sa bakasyon, lahat ay sobrang Excited

"Nasan na si Manuel?" tanong ni Sweetney.. Oo nga pala si Manuel nalang ang hinihintay namin

"On his way" sagot naman ni Miguel bago isinalpak ang Headset sa tenga nya

"Are you comfortable with your seat?" napatingin ako sa katabi ko na si David na seryosong nakatingin sakin

sobrang gwapo nito sa suot nyang simpleng plain na white T-shirt at Black na shorts saka Black and white na sapatos, sobrang simple lang nito pero nahahalataan paring Gold dahil makikita parin ang pagka mayaman sa kanya lalo na at nag uumapaw ang kagwapohan nito na siyang pinagtitilian at pinapangarap ng mga babaeng naghahabol sa kanya

"Hey" napabalik ako sa huwesyo ng bigla syang nag finger snap

"A-ahh Oo" nauutal pang sagot ko bago ako humarap sa harap katabi ko si David, ako ang nakaupo malapit sa Bintana nasa Right side ko siya at bakante ang katabi niya

"Andito na si Manuel at may kasama" sabi naman ni Sean na nasa labas parin ng sasakyan saka ito tumingin samin ni David at sa tingin palang nito ay alam ko na kung sino

"Sorry natagalan may nagpupumilit kasing sumama" hinging paumanhin agad ni Manuel saka pumasok sa Van at umupo katabi ni sweetney kaya itong Upoan na katabi ni David nalang ang vacant

sumulpot naman bigla si Cathrina at diretsang tumabi kay David kaya lahat sila ay napatingin samin, hindi ko nalang pinansin at tumingin nalang sa labas ng Bintana, pumasok na rin sa Passengers seat si Sean kaya umandar na ang sasakyan

Carl ~ Star and Sean

ate Chelsea ~ Thunder ~ Winter ~ Michie

Yazzy~ Timothy ~ Suzzy ~ Miguel

Kyla~ Justine ~ Jessa ~ Xavier

Ako ~ David ~ Cathrina

Kuya Andy~ Honey~ Sweetney~ Manuel

"Hi Baby" bati ni Cathrina kay David, tumango lang sa kanya si David.. pumulupot ito sa braso ni David na para bang takot na maagawan, Hindi ako umimik dahil wala naman akong karapatan umimik kasi Girlfriend nya si Cathrina

"Patugtug ka ng Kanta dyan Carl ang tahimik naman" ani naman si Honey mula likuran namin

"Hindi ko pa napaayos ang Stereo nito Honey e" sagot naman ni Carl na nasa daan parin nakatingin

"Ganun ba? Ilang oras ang byahe?" tanong ulit ni Honey

"Apat na oras" sagot naman nito

"Mag kwento kayo dyan para hindi boring" sabi naman ni Sean

"Manood nalang tayo ng Korean Movie dala ko ang Laptop ko" sabi ko sa kanila.. naghiyawan naman sila, kinuha ko ang Laptop ko at naghanap ng movie

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon