Chapter 34

1K 26 0
                                    

~MICHIE POV~

"Bhe may nagtext sayo oh" tawag ko kay winter habang pinapakita sa kanya yung phone niyang may nagtext na unknown number, hindi ko narin pinakialaman dahil hindi naman ako selosa kagaya ng iba, binibigyan ko ng kalayaan si winter sa mga gusto niyang gawin as long as wala siyang gagawing nakakasakit sakin ay okay lang sakin, alam ko na maraming nagkakandarapa sa kanya lalo na at sikat ito bilang basket bolista pero ako ang girlfriend kaya kampante ako, ayaw ko yung binabawalan siya dahil ang isip ng isang lalaki ay hindi katulad ng mga iniisip nating mga babae, pag gusto nila gusto talaga nila at masakit ito sa kalooban nila binanawalan sila

Lumapet ito sakin at kinuha ang Cellphone niya, ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng Libro habang kumakain ng Chips, nandito kasi kami sa Basketball court ng village nila, pagkauwi kasi namin galing sa Hospital ay nagyaya ito sakin na samahan siyang mag basketball

"Sino to bhe?" tanong nito sakin kaya napatingin ako sa kanya

kinuha ko ang Face towel nito at pinaupo sa tabi ko upang punasan ang mga pawis nito

"Ewan ko, Bat ako tinatanong mo?" kaswal na sabi ko sa kanya habang pinunasan ng pawis niya, itinabi naman niya ang cellphone niya at nakangusong tumingin sakin

"Oh? bat nakanguso ka bhe?" takang tanong ko dito

"Gusto kitang halikan" sabi nito sakin, napangiti naman ako sa kanya saka inilevel ang mukha ko sa kanya yung malapit sa mukha nya, ngumiti naman ito dahil akala nya ay hahalikan ko siya, inilagay ko ang daliri ko sa labi nya saka kinuha ito

"Pawisan ka bhe" nakangiting sabi ko sa kanya saka nag punas ulit ng pawis niya

"andaya mo bhe" nakasimangot namang sabi nito kaya natawa nalang ako

"nga pala bhe nakita ko si Cathrina kanina sa Hospital, hindi ko siya naabotan dahil nagmamadali ito" kaswal na sabi ko sa kanya, kumunot naman ang noo nito

"Talaga? hindi namin siya kasama ni David nung pumunta kaming Hospital kanina" sabi naman nito kaya napatango nalang ako

pagkatapos kong punasan ang pawis niya at uminom na ito ng tubig tapos ay naghubad ng pang itaas na Jersey niya kaya napaiwas ako ng tingin

Loko talaga tong lalaking to! basta-basta nalang naghuhubad sa harap ko! hindi niya ba alam na ngumingiti mga abs niya sakin at nakakaakit ang katawan nito?

"Bhe bat kaba basta-bastang naghuhubad?" reklamo ko dito habang nakatalikod sa kanya

"Hindi ka pa sanay bhe?" natatawang tanong nito sakin kaya napasimangot ako kahit na nakatalikod naman ako sa kanya

"Hindi" sabi ko dito, pero niyakap nya ako mula sa likod kaya napatuwid ako ng upo

buti at nakabihis na ang lalaking to.. amoy na amoy ko naman ang pabango nito na hindi man lang nawawala kahit pawisan ito

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon