Chapter 27

1K 25 0
                                    

"Sana hindi nalang ako pumayag na bumalik ulit kami dito sa pilipinas" muli ay napatingin ako sa kanya

"Bakit?" tanong ko dito, Ewan ko pero talagang nacurios talaga ako

"Limang buwang nagkaroon ng Depression si Cathrina dahil sa pagkawalay kay David, ilang ulit niyang binalak ang magpa kamatay buti at nandoon lang ako sa tabi niya kaya ako ang umalalay sa kanya hanggang sa Gumaling siya pero kahit na Gumaling na siya ay walang gabi itong hindi umiiyak dahil gustong-gusto na nyang Bumalik sa Pilipinas at bumalik kay David, Gusto kong ipakita sa kanya kung sino ako sa Buhay niya kaya Araw-araw kong ibinigay ang oras ko sa kanya, nung Last Birthday nya ay sinorpresa ko siya saka ko tinanong kung ano ang wish nya at ang wish nya ay ang bumalik kami sa pilipinas, Nasaktan ako sa narinig ko dahil akala ko ay okay na kami dahil sinabi na niya sakin na Gusto nya ako pero sa wish niyang iyon ay doon ko napag tanto na magkaiba talaga ang Gusto at Mahal, Gusto niya ako pero ang Parker na iyong ang Mahal niya, Ang Mahal na Mahal niya! wala akong dahil iyong ang wish niya kaya pinilit ko ang ama niya at ama ko na payagan kaming bumalik dito sa pilipinas, Masakit man para sakin pero wala akong magagawa dahil puso niya iyon at hindi ko hawak iyon" kwento nito sakin, naramdaman ko kong gaano siya nasaktan sa ikinuwento niya! hindi ko Alam na ganun pala kahirap ang nangyari sa kanya sa panahon na kasama niya si Cathrina at hindi ko rin alam na ganun din pala nasaktan si Cathrina sa pagkawalay kay David.. kaya siguro ay wala akong karapatan na humadlang sa relasyon nila dahil ganun nila kamahal ang isa't-isa

"Sana hindi nalang natin sila nakilala no?" tanong ko sa kanya kasabay ng pagsilay ng Mapait kong ngiti habang nakatingin sa kawalan

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon