Chapter 28

1K 22 0
                                    

~JESSA POV~

"Gosh! asan na ba si Sean?" napaangat ako ng tingin ng biglang pumasok ang manager ko sa Dressing room, mukha itong problemado

"Why?" kaswal na tanong ko sa kanya habang binubuklat ang Magazine kong saan makikita ang mukha ko

"Galit na si Mrs Kang dahil hindi pa nagsisimula ang photoshoot! asan na ba kasi yang si Sean?" inis na sabi nito sakin.. hindi ako umimik dahil ayaw kong mastress hindi pwedeng mabawasan ang Ganda ko ngayon

"Miss Jessa the Photoshoot will be start in a minute" sabi ng assistant ko kaya tumango lang ako

"Nandyan na ba si Sean?" tanong ng Manager ko sa assistant ko

"Opo miss Claire" sagot naman nito bago lumabas

"Gosh! Sige Jessa mag prepare kana" sabi nito bago lumabas kaya tumayo na ako upang magbihis ng susuotin sa shoot magpho-photoshoot kami para sa bagong Labas na produkto ng mga Underwear kaya kailangan naka Bikini ako sa shoot, wala naman akong dapat ikatakot sa katawan ko dahil Maganda ang katawan ko at sexy kaya Go na Go ako sa Underwear photoshoot

"Miss Jessa start na po" tumango lang ako sa assistant ko saka isinuot ang Bathrob at Lumabas na.. busy sa mga pinaggagawa nila ang mga staff kaya hindi nila ako napansin pero ako naman ang nagulat ng makita ko si Xavier habang kausap si Sean

"Ayan na si Jessa" announce ng Photographer kaya lahat sila ay nakatingin sakin lalo na si Xavier, umiwas ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako sa mga titig nito sakin

"Okay everyone in the position" sabi naman ng Photographer kaya pumunta na kami ni Sean sa Harap ng Camera at Sabay na naghubad ng Roba

nakaboxer lang si Sean kaya kitang-kita ang mala macheteng katawan nito na siyang kumukuha ng atensyon sa mga kababaehan dito

"Sexy" bulong naman nito malapit sa tenga ko pero napangisi lang ako

"Hindi kana nasanay" sabi ko naman sa Kanya saka kami nag pose

unang pose namin ay ang nakatalikod ako kay Sean at nakayakap ito sa Likod ko habang hawak hawak niya ang bewang ko, isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib nya saka nag click ang mga Camera

Pose...

Click...

Pose...

Click...

pose...

click...

"Good shots" announce ng photographer kaya ibinigay na ng Assistant ko ang Bathrob at isinuot ito.. Muling nag tama ang paningin namin ni Xavier pero muli kong iniwas ito at nagmamadaling pumasok sa Dressing Room, isisirado ko na sana ito ng biglang pumasok si Xavier at inilock ang pinto kaya napaatras ako

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon