Chapter 23

1K 21 0
                                    

nagmulat ako na kulay puti ang paligid kaya inilibot ko ang paningin ko upang malaman kong nasaan ako

"Glad! Gising kana Laine" Gulat akong napatingin kay Carl saka sumagi sa isip ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay! muli na namang tumulo ang mga Luha ko

"Asan si David?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga Luha ko

"Kasama si C-cathrina" maypag-aalinlangan pang sagot nito pero ngumiti ako sa kanya para kumalma ito dahil halata talaga na hindi siya mapakali

Siguro ay hindi na niya ako kailangan dahil okay na sila ni Cathrina..

"I see, asan sila Lyra? si Ate Chelsea?" tanong ko muli dito habang tinignan siyang Nakaupo sa upoang Malapit sa pwesto ko

"Hindi pa nila alam ang nangyari sayo dahil hindi ko sila makontak, Malakas parin ang ulan kaya paniguradong nasa mansyon parin sila ng mga Perez" Tumango naman ako sa sinabi niya

"Wag mong ipaalam" seryoso ngunit malumanay na pakiusap ko dito, nagkunot naman ang noo nito sa sinabi ko

"B-bakit?" tanong pa nito na halata namang hindi sang-ayon sa pakiusap ko

"Basta sa atin lang itong nangyayari ha? Wag mong sasabihin sa kahit kanino! Mangako ka Carl" pakiusap ko dito kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango at nanahimik pero maya-maya lang ay tinanong nya ulit ako

"Laine ano ba ang nangyari? Bakit ganun ka nong maabotan kita?" napatingin ulit ako sa kanya pero muli na namang tumulo ang luha ko sa ng maalala kong paano nila ako binastos at binaboy! akala ko kataposan na talaga ng pagkababae ko yun pero buti nalang at may dumaang mga pulis sa labas ng Parke

"w-wala" mahinang sagot ko sa kanya pero kumonot ang noo nito at halatang hindi naniniwala

"Sabihin mo nga ang totoo Laine, dahil sa itsura mo kanina ay para kang ginahasa na nanlaban dahil sa mga bruises mo sa braso" sabi pa nito, umiwas ako ng tingin sa kanya dahil totoo ang sinabi niya

"so totoo nga? nakita mo ba ang mga mukha nila? Bakit kaba kasi pumunta roon saka mag-isa kalang? Anong ginawa mo dun?" sunod-sunod nitong tanong

"mga Lasinggo sila at malalaki ang katawan pero hindi ko namumukhaan dahil madilim na parte iyon pero wag kang mag-alala hinawakan lang nila ako pero hindi ako nagalaw" diretsong sabi ko habang sa kisame lang nakatingin

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon