Chapter 26

4.6K 65 1
                                    

Chapter 26

Sa ilang araw na holidays nila Lianna ay hindi sya ganun na naglalabas. Kapag galing karenderya ay diretcho uwi at kapag inaaya syaa ni Mari na gumala ay tumatanggi ito. Pahinga. She needs it. Nakakatext nya lang si Benj, dahil busy ito may inaasikaso ang binata na hindi na rin tinanong pa ni Lianna kung ano. May tiwala sya rito kaya okay lang.

Hanggang ngayon ay hindi parin ni Lianna nasasabi sa nanay nya yung about sa binata. Yung pag uusap naman nila ng Tatay nya ay alam na ng kanyang nanay. Hindi lang talaga sya makapaniwala sa mga nalaman nya.

Nagulat si Lianna ng biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag si Benj. Paano nya naman ito sasagutin? E, nandito ang nanay at kapatid nya. Napabuntong hininga nalang sya. Bumangon sa pagkakahiga at nagpaalam na lalabas lang muna sya saglit. Buti nalang at hindi na ganung nagtanong ang nanay nya.

Nakailang missed calls din itong si Benj, nang tumawag ulit ay sinagot nya na dahil nakalayo layo naman na sya. "Hello?"

"Took so long to answer." Panimula nito sa kabilang linyan.

"Lumabas pa kasi ako ng bahay...e bakit ka napatawag?"

Narinig nito ang malalim na buntong hininga nito sa kabilang linya. "I just missed you. Let's meet."

Hindi maitago ni Lianna ang ngiti sa mga labi nya. Maski sya ay namimiss narin ang binata."Bukas magkikita na tayo sa School. "

"Yeah," may halong sarkastiko sa pananalita ni Benj. "Pero, bukas pa yun. I want now!"

Natawa lang si Lianna at napa-tsked lang sa kabilang linya si Benj. "I'm serious let's meet at the coffee shop na malapit sainyo, or you want me to fetch you, instead?"

Napailing iling lang si Lianna. "Sige na nga. Basta hanggang 5pm lang ako, ha? Magre-review pa kasi ako."

"Sure," sabay binaba na nila ang tawag. Napabuntong hininga naman si Lianna. Hindi nya pa kasi nasasabi kay Benj na Half sister nya si Janea. Ano nalang kaya ang magiging reaksyon nito?

Jeans at White V-neck ang suot ni Lianna hinayaan nya nalang din na nakabagsak ang buhok nito sinuot nya na ang sling bag sa may likod nya. Lumabas sya ng kwarto nila't nakita ang nanay at kapatid nya na naunuod ng TV.

"Saan ang punta, ate?" Tinignan nya ang kapatid nya at nanay nya na nakatingin din sakanya.Heto nanaman sya at magsisinungaling. Soon, nay sasabihin ko sainyo ang lahat. For, now step by step muna.

"Inaya ako nay ni Mari na lumabas baka po 5Pm na ako makauwi. Alam nyo naman po yun." Sabay ngiti nito ng alanganin.

"Ah, Sige sige ingat kayo. Huwag papagabi masyado."

"Sige po, alis na ako."

Pagkadating sa malapit na coffee shop sakanila ay agad nyang nakita si Benj na nakasandal sa may sasakyan nito. Nakasuot itong White Long-sleeve at isang faded jeans. Naka crossed arm ito at paside view  habang na krus ang mga braso. Bigla namang napatingin ito sa gawi ni Lianna napangiti ito nang makita ang dalaga. Napangiwi lang si Lianna at naglakad na palapit dito hinintay lang sya ni Benj na makarating sakanya. And when she finally in front of Benj,
"oh... ang bilis mo naman ata makarating. "

"Psh, papunta na talaga ako dito kanina pa." Napaawang ang bibig ni Lianna hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Nag lean ng kaunti si Benk para makatapat ang muka nito. "Close your mouth or I'll kiss you," sabay tayo na ni  Benj ng maayos.

Agad namang itinikom ni Lianna ang bibig nya. Mahirap na.

"Ah, saan nga pala tayo pupunta?" Pagiiba nito. Napangisi lang si Benj. "Oh, Buti na tanong mo yan muntik ko nang makalimutan na aalis pala tayo." Hinawakan ni Benj ang palapulsuhan nya't kasabay nun pagkurot ni Lianna sa braso nya nahaharangan ng long sleeve nya. Pasalamat ka't hindi mamumula yang kurot ko.

"Aww, wala na bang isasakit ang kurot mo--Oww!" Napangiwi si Benj nang diinan ni Lianna ang pagkakakurot dito. "So, naughty. "

"What?" Umiling lang si Benj at hinila sya na sya kabilang side para makasakay sa front seat. "Saan nga tayo pupunta?"

"Let's have a date." Napairap si Lianna nang buksan ang pinto sa may front ni Benj. "Layo ng sagot sa tanong, grabe." Pabulong nitong sabi, pero narinig ni Benj nang makasakay na ay agad na isinara ni Benj at umikot na. Nang makasakay na rin si Benj ay agad nyang ikinabit ang seatbelt ng kay Lianna.

"Sa Plaza tayo."

Hindi na umimik si Lianna. Tumango nalang sya kung iimik sya ay magpro-protesta pa.

His Undying LoveWhere stories live. Discover now