Chapter 7

8.6K 161 0
                                    

Chapter 7

Mabilis lang ang naging byhae nila Lianna papuntang San Miguel. Hindi na halos makangiti ito ng maayos. Naiilang na nga ito sa kapatid ni Benj tapos dadagdag pa ito. Great!

Hinawakan ni Mari ang braso ni Lianna, bago ito bumaba ng sasakyan."Lianna, You okay?"

Ngumiti ng alanganin itong si Lianna, okay ba sya? Hindi nya alam."Okay lang."

"Hays. Sana pag uwi natin masabi mo na sa akin. Naguguluhan nadin ako sa inyo, e ni ate Bea." Napabuntong hininga ito."Pero, shocks makakasama natin ang Barcelona cousins."

Napailing nalang itong si Lianna, dahil tumalon talon pa talaga ito.Crazy, baliw kay Ethan Barcelona.

Sumunod naman na sila sa paglalakad ng ilan. Pababa ang daan at lubaklubak na mga bato. Napapapikit nalang itong si Lianna, dahil sa lakas ng hangin kahit mainit.'Yung tunog ng hampas ng alon ng dagat sa mga bato.

I'm starting to love this place.

"Ayun ang tuktok ng San Miguel. " Turo ni Mang Maryo. Hinatid na muna nya ang mga ito dito at may kakausapin, para kung gusto ng mga ito umakyat ay may mag aasikaso. Tumingala naman silang lahat at tinignan ang itinuro ni Maryo.

"May kakilala ako dito na nakakaakyat na dyan, kaya kung gusto nyo umakyat ay kausapin nyo lang. Delikado kasi, e baka hindi nyo kaya Ryan sa may San Miguel. Tapos ayun yung light house. Bukas yan pwede kayo pumasok. "

"Sige, po."

"Osya, kakausapin ko lang. Maiwan ko na kayo."

Natulala naman sila sa tutok ng San Miguel. Nakakatakot ito akyatin lalo na't puro bato talaga babagsakan mo. Sumilong naman sila sa may kubo kubo.

Napatingin naman si Lianna dun sa hagdan pababa. Tinignan nya 'yung tinatawag na Parola may hagdan ito pataas, paikot ang hagdan na iyon.

"Punta tayo dun?" Aya ni Lianna sa kaibigan. Nilingon naman sya nito at masayang tumango. Nagpaalam muna sila sa mga kasama nila para puntahan iyong Parola. Pumayag naman ang mga ito, dahil ginagawa nila 'yong tent wala kasi silang pagsisilungan sira sira ang mga kubo kubo dito.

"May tent pala silang dala?" Takhang tanong ni Lianna habang naglalakad sila papuntang Parola malapit lang naman ito, e.

"Yeah, ready talaga sila 'yun pa si Kuya." Natatawang sagot ni Mari. Tumango tango naman itong si Lianna.

"Parang ikaw lang. Like brother like sister." Lianna chuckled. Nang makarating sila ay hindi nakalock ito, kaya malaya silang nakapasok.

Nang makarating sa pinakataas ay hingal na hingal sila para bang sobrang taas nito, e kapag nasa may baba ka nito akala mo medyo mababa lang 'to.

"Wow!" Lianna exclaimed. In-open ni Lianna ang braso nya at dinama ang hampas ng hangin sa taas ganun din ang ginawa ni Mari.

"Picture tayo," tumango si Lianna kaya agad namang inilabas ni Mari ang phone nya. Ang saya saya nila habang nagse-selfie ng makita nila mula sa iba iba na may mga lalaki ng paparating. Napakagat ng labi si Lianna, dahil sa sobrang kaba ng makita nya ang binata na nasa unahan habang naglalakad.

"Ang dami nilang magpipinsan, e. Lahat ba iyan ay pinsan nya, Lianna?" Napakunot ang noo ni Lianna nang tanungin sya ng kaibigan."Oh, anong tingin 'yan. May nalalaman na ako, e gusto ko nalang na sa iyo manggaling."

Napabuntong hininga ito." Hindi lahat pinsan nya. Lima lang sila diba alam muna dapat yan? Kasi may gusto ka dun sa Ethan?"

"Hehe. Oo nga pala." Inirapan sya ni Lianna. Uto uto ka kahit kailan Lianna.

"Tara na dun!" Masayang aya ni Mari. Umawang labi ni Lianna huwag nyang sabihin na may kalokohan iniisip ito.

"Dito nalang muna ako, please."

"No!"

Umiling ito. "Ayoko, dito nalang  muna ako. Kinakabahan ako."

"Kinakabahan bakit?" Tanong nito.

"Akala ko ba alam muna?"

"May alam lang. Tara na."

"Nahihiya ako. Mamaya na please." Pagpupumilit nito.

"Sige, iwan na kita dito. Bahala ka may nagpapakita daw dito.". Bigla namang tumakbo itong si Mari pababa. Alam nitong takot ang kaibigan. Kinabahan naman si Lianna, dahil kung bababa syang mag isa mamaya-
Waaaah!

Tumakbo narin ito pababa. BAHALA na mamaya!

***

His Undying LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat