Chapter 10

7.7K 136 2
                                    

Chapter 10

Tulad nga nang sabi nung Ate ni Benj ay sumunod ito kay Lianna. Sinabi naman ni Lianna kung ano ang nangyari, kaya agad silang bumyahe pabalik sa Bonifacio . Yung mga gamit ni Lianna ay dadalhin nalang daw ni Mari pabalik bukas.

"Lianna, saang Hospital ba?" Tanong ng binata. Nilingon naman ito ni Lianna na diretchong nakatingin lang sa may daan.

"Hindi ko alam. Pumunta muna tayo sa bahay ipagtatanong ko." Nag aalalang sagot ng dalaga.Tumango si Beijie sakanya, "pakibilisan Benj."

Kinakagat kagat na nito ang labi nya. At hindi mapakali sa inuupuan patingin tingin sa labas."Please, calm down. Wala ka bang phone para matawagan man lang ang Mama mo?"

"Wala," maikling sagot nito. Sayang lang sa pera yun. Nilingon sya saglit ni Benj at binalik agad ang tingin sa daan.

"For Emergency purpose, Lianna."

"Pakibilisan nalang." Hindi na umimik si Benj, dahil kakaayos lang nila tapos magkakaroon ulit ng away. Kaya sya na ang nag adjust. Alam naman nito na mahal nya ang nanay at kapatid nito, kaya ganon."Sino daw kasama ng Mama mo dun? "

Pero talagang hindi nya mapigilang mag tanong. "Hindi ko pa alam.Wala syang sinabi."

"E, yung papa mo malay mo andun na? So stop worr--"

"Pwede bang manahimik ka nalang?!!" Naihinto nito ang sasakyan dahil sa pagsigaw sakanya ni Lianna. Nakita nya sa mga mata ng dalaga ang galit, hinanakit! "Kung wala kang magandang sasabihin. Shut up!"

He sighed. "Sorry," naiintindihan nya ito. Masyado na syang madaming tanong. Pinagpatuloy nya na ulit ang pagd-drive nya. Nang makarating sa bahay nila Lianna ay agad nagtanong ang dalaga sa mga kapitbahay nya kung saang Ospital dinala ang kapatid nya nang malaman ay agad silang pumunta dun. Sumunod si Benj sakanya. Nasasaktan ang binata, dahil alam nitong mas pipiliin nya muna ang ikakasaya ng pamilya nya kesa sa sarili nito. Sya ang nasasaktan. Nagsasakripisyo sa lahat. At hindi alam ng binata kung ano ang nangyari sa dalaga kung bakit sya pinagtabuyan nito noon. Dahil ayaw ipaalam sakanya ng dalaga. Dahil hindi pa ito hand. Ganun na siguro kapag sobrang sakit ng pinagadaanan. Napakahirap alalahanin ulit. Sobrang sakit.

Kaya ngayon ay naghihintay lang ang binata kung kailan handa n ang dalaga para sa lahat lahat. Apat na taon na rin nung naghiwalay sila. Senior High sila noon at parehas silang 18 years old noon. Dalawang taon naging sila. Naging going strong naman ang dalawa. Kaya lang noong nagbakasyon si Benj sa America tumawag sakanya si Lianna gamit ang phone na ibinigay nya rito. Nakikipaghiwalay na si Lianna nung tawagan sya nito.

Hindi alam ni Benj kung ano dapat maramdaman nya nun.. Madaming katanungan sa isip nitp. Bakit? Okay naman sila bago ito pumuntang America. Mahal na mahal ni Benj si Lianna. Ayaw nyang maniwala rito, dahil sa tawag lang naman ito nakipag break. Umuwi sya. Umuwi si Beijie pinuntahan si Lianna. Para syang pinapatay nang makita ang taong mahal nya na makitang masaya sa ibang lalaki. Pinipiga ang puso nya. Ito lang ang nag iisang babae na minahal nya ng sobra. Hindi nito inalintana ang lalaking kasama ni Lianna. Lumapit sya nag makaawa. Isang Benj Barcelona lumuhod sa harap ng isang Lianna Pangilinan habang umiiyak. Hindi  ito alam ng mga pinsan at kaibigan nya. Hindi pa kasi nila ito nakikita o nakikilala. Ayaw ni Lianna. Kay Dash at sa Ate nya palang ito napapakilala.

Pinagtabuyan ito ni Lianna sinabihan ng masasakit na salita. Hindi pinansin ito ni Benj mahal nya, e. Hanggang sa tinalikuran sya ng taong mahal nya. Pero humarap ulit si Lianna akala nya babalik sya dahil mahal parin sya nito. Kaya lang bumalik ito, dahil lahat ng binigay nya dito ay ibinalik ni Lianna. Lalo na ang kwintas na pinasadya nya pang lagyan ng pangalan nilang dalawa. Lahat ng iyon ay naranasan nya sa iisang babae lang. Ang umiyak.. lumuhod.. magmakaawa. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip nyang maghigante. Itinuon nya ang pansin nya sa mga babaeng nagkakandarapa sakanya. After all He's Benj Barcelona.

"Kamusta daw ang kapatid mo?" Tanong nito.Mabilis nyang pinahid ang luha sa Mata nya.Buti nalang hindi ito nakita ni Lianna.

"Okay na. Nagpapahinga andun si Nanay sa loob."

Tumango ito."Good to hear that."

"Sorry kanina." Napabuntong hininga si Benj.

"Okay lang..Sanay naman ako." Naguilty si Lianna dahil sa mga pinagsasabi nya."Sorry. Alam kong marami na akong atraso sayo."

Ngumiti si Benj. "Lianna. May gusto lang ang tanungin. I hope you can asnwer this question."

Hindi man sangayon ang dalaga ay. tumango ito. "Yung lalaki na nakita ko nung time na naghiwalay tayo. Naging kayo ba? I know him dahil nang makita yun. Ginawa ko lahat para kilalalin lang 'yun. Who's he in yout life that time? "

Ngumiwi si Lianna. Naalala nanaman nya ang panahong iyun. Sobrang sakit nang makita mo ang taong mahal na magmamakaawa na balikan ito. Huminga sya ng mamalim. "Si Dex.. Just a friend. Ginamit ko lang sya para tigilan mo na agad ako."

Bumukas ang mga bibig ng binata dahil sa gulat. Naghahanap ng mga salita.

"Ganun nalang ang gusto mo na layuan kita?" Hindi ito makapaniwala sa nalaman.

Tumango ito. "Sorry. Gusto ko bumawi sa lahat lahat ng nagawa ko. Just give me a time."

Ngumiti ang binata sakanya ."Maging masaya ka lang. Bawing bawi na sa lahat ng sakit."

His Undying LoveWhere stories live. Discover now