Chapter 25

4.9K 75 0
                                    

Chapter 25

Mabilis nalang lumipas ang araw hindi nila namamalayan na malapit na mag Nobyembre. Habang papalapit na ang buwan kung kailan ga-graduate sila Lianna ay tambak na ang mga ginagawa nila. Sobrang busy na, pero kahit ganun ay nakakasabay nya pa rin sa pagkain ng lunch sila Benj.

"Eat this," napangiwi si Lianna dahil puro nalang 'eat this,' 'kailangan madami ang kain mo,' 'madami kang ginagawa, kaya kailangan marami kang lakas.'
Yun lagi ang line ni Benj sakanya kapag sinasabi nya na busog o tapos na sya kumain. Imbis na mainis sa binata ay natutuwa sya, dahil nga namiss nya ang side na 'to ng binata.

"Psh, PDA masyado." Tinignan ni Lianna si Troy na kumakain na parang walang sinabi. Kinuha nya nalang yung pagkain na ibinagay sakanya ni Benj. Na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakanya.

"Inggit ka lang, pre." Bira ni Donnie.

"Oo, nga naman Benj ang PDA nyo parang wala kami," sabay irap ni Mari nasa tambayan kasi sila. Wala si Dash ngayon, dahil sumali ito sa Band ng School kung kailan g-grduate tsyaka sumali. Ibang klase rin ang pagiisip ng isang yun.

"Andyan naman si Eth--"

"Ay! Ang sarap naman ng ulam na 'to, ha. Ano nga 'to? Giniling?" Napatingin silang lahat sa lakas ng boses ni Mari para lang hindi  matuloy yung sasabihin ni Karl.

Napailing nalang sila at si Ethan naman ay kunot noong nakatingin kay Mari.

Dumating ang uwian. Dapat ihahatid ni Benj si Lianna, kaya lang hindi muna ito nagpahatid dahil makikipag usap ito sa tatay nya ngayon. Ngayon na ang araw na malalaman nya kung bakit ito nakipaghiwalay sa nanay nya. Nalaman narin ito ni Benj, kaya ganun nalang ang gulat ng binata dahil si Lianna ay super close tatay nya. Nang makipag break si Lianna nun kay Benj yun din ang araw na sobrang daming dumating na problema nila nagkasakit ang nanay nya. Dumagdag pa ang tatay nya. Ang naging mali lang ng dalaga ay pati si Benj ay nadamay na dapat sandalan nya sa problema pero pinagtabuyan nya.

At dahil nga mahal sya ni Benj naintindihan ito ng binata. Ngayon, ay okay na sila. Pinangako ni Lianna na kapag naging okay na sila ng tatay nya ay sasabihin na nya ito sa nanay nya na si Benj ang boyfriend nya noon... Hindi parin naman nagbabalikan ang dalawa. Nagliligawan? Maybe.

Sa isang coffee shop ang tinext ng tatay nya sa malapit lapit lang naman ito. Alam narin naman ng nanay nya na magkikita sila ngayong araw ng tatay nya.

Nang makapasok sa loob ay natanaw na agad ang tatay nya sa dulong bahagi ng Coffee Shop. Napangiti sya ng mapait dahil mahahalata mong maayos na ang buhay ng tatay nya, dahil sa suot nito.

Nang makalapit sya ay agad na inangat ng tatay nya ang tingin sakanya. Tumayo agad ito sa pagkakaupo at niyakap sya. Miss nya na ang tatay nya, pero parang ang tigas ng puso nya dahil sa ginawa nya.

"Salamat at pumayag kang makapagusap tayo." Humiwalay ito sa pagkakayakap kay Lianna, at masayang tinignan si Lianna. "Maupo ka. Anong gusto mong order-in, Lianna?"

Umiling lang si Lianna. At umupo sa may katapat ng tatay nya. "Hindi po ako pumunta rito para um-order," prangkang sagot nito. Nawala ang ngiti sa mga labi ng tatay nya sabay bumuntong hininga.

"Naiintindihan ko," ngumiti itong muli pero hindi na tulad ng kanina."Kamusta nga pala kayo ni Benj? "

"Okay na kami."Napatango ang tatay nya.

"May gusto sana ako hilingin."

"Wow!" Natawa si Lianna."May gusto kang hilingin? At talagang sa akin pa? Alam mo naman galit ako sayo!"

Yumuko ang tatay nya. Gusto nya patawarin ang tatay nya, pero naiinis sya andito sya para marinig ang paliwanag galing sa tatay nya. At hindi para sa kahilinhan na gusto nito!

"Andito ako para marinig kung bakit iniwan mo kami ni Nanay? Dahil ba mayaman yang asawa mo na ngayon? At si Nanay mahirap!" Napapailing iling si Lianna dahil hindi sya makapaniwala.

"Hindi dahil mayaman si Janice kaya pinagpalit ko ang nanay mo sakanya." Mahinahong sagot nito.

"E, ano? Trip mo lang?" Sarkastikong tanong nito.

"Ayusin mo ang pananalita mo Lianna. Tatay mo parin ako." Tumataas na ang tono ng pananalita nito.

"Halos apat na taon na akong walang tatay, para sabihin ko sayo." Hindi mapigilan ni Lianna na sagot sagutin ang tatay nya, dahil sa apat na taon ay naipon lahat ng galit nya dito.

"Bata ka! Gusto mo malaman talaga. Sige, si Janice ang mahal ko bago dumating si Leilany ang nanay mo ay matagal ng kami ni Janice." Kumunot ang noo ni Lianna sa narinig. "Kaya lang ayaw sa akin ng magulang nito dahil mahirap ako. At ang nanay mo ay isa sa inaanak ng Lola mo at ipinakilala ako rito. Dahil nga ayaw sa akin ng magulang ni Janice ay pinadala nya ito sa Germany."

"Pero makalipas ang taon ay bumalik sila. Nagtanan kami ni Janice pero dahil kay Leilany na pinagkatiwalaan ko at nag iisang nakakaalam kung saan kami pupunta ay nagsumbong." May bahid ng inis sa muka ng tatay nya. Hindi mag sink-in sa utak nya ang mga sinasabi nito, kaya tahimik lang sya na nakikinig. "Sabi ni Leilany hindi naman daw sya magsusumbong kung nasaan kami kung hindi sya buntis. At ikaw yun. At ako ang ama. Nakakatawa lang, dahil sa pangungulila ko kay Janice may nangyari sa amin. Ilang buwan lang din ang pagitan buntis si Janice. "

Natulala si Lianna."Nang malaman ito ng magulang nya ay ipinakasal ito sa iba, pero namatay ito dahil nagkaroon ng sakit kaya nagkabalikan kami ni Janice after 18 years. Sapat naman na siguro na pinanagutan ko ang nanay mong si Leilany diba na nasundan ni Lorenzo. Sapat naman na siguro  sa labing walong yun ay ako naman. Yung kasayahan ko naman."

Naiiyak nasi Lianna sa  narinig. "M-Minahal mo ba si Nanay?" Umiiyak na tanong nito. Sa bawat banggit ng tatay nya na 'nanay mo' kumikirot ang puso nya.

"Minahal, oo dahil sainyo ni Lorenzo." Napahikbi si Lianna sa narinig nya. Kaya pala tanggap na ng nanay nya agad dahil alam nitong wala talagang nararamdaman dito ang tatay nya. Ni minsan wala syang naririnig na nag- aaway ang magulang nya kaya ganun nalang na hindi nya matanggap ang nangyari at ganun nalang ang galit nya sa tatay nya.

"May kapatid pa akong isa?" Pinunasan ni Lianna ang luha nya.

"Oo. Pupunta sya ngayon. "

"Hindi ko sya nakasama nung lumaki sya nung mag 18 sya, pero ikaw nakasama kita. Nangungulila sya sa tatay." Tumango tango si Lianna, parang sinasabi ng tatay nya na maswerte sila.

"Dad!" Napatingin sya sa tumawag sa tatay nya at humalik sa pisngi. Hindi makapag salita si Lianna. Nasa harap nya ang isang magandang babae. Babaeng naging first love ni Benj. Tadhana nga naman! Mapaglaro.

"Hey, sister. Oh! Benj's ex girlfriend." Umupo ito sa tabi ng tatay nila. Tinagilid lang ni Lianna ang ulo nya. Kinabahan sya bigla.

"May hiling ako sayo anak, para narin dito sa kapatid mo. Layuan mo nasi Benj, tutal na kaya mo naman ng wala sya diba?" Nakagat ni Lianna labi nya sa sinabi ng tatay nya.

"Yeah. Hindi naman kayo bagay." Sabat naman ng half- sister nya.

Para sa anak nya anak nila ng taong mahal nya gagawin nya lahat. "Well, hindi mangyayari ang hiling nyong yan! Kung yan lang ang dahilan kung bakit mo ako gusto makausap pwes! Sa araw na 'to! Hinding hindi mo na ako makakausap! Wala na akong tatay at dyan kana sa anak mong desperada na naghahabol kay Benj na ako naman ang mahal!"

Hindi nagpatalo si Lianna, dahil nangako sya kay Benj na hindi nya na ito pagtatabuyan. Lumabas sya ng coffee shop habang umiiyak. Yung tatay nyang legal at boto sakanila ni Beijie noon, ngayon ay gusto sila paghiwalayin, dahil sa Janea na yun. Kung tutuusin anak na sa labas yun, e dahil mas naunang nabuntis ang nanay nya kesa sa Janice na yun kahit mahal pa nila ang isat isa. Hindi naman sila kasal nun m
kaya anak yun sa labas para sa dalaga.

I will hold you tight, Benj. Pero kung ikaw na magsasabi na bitiwan at luwagan ko na ang pagkakakapit sayo. I will let you go.

His Undying LoveWhere stories live. Discover now