Chapter 3

12.2K 231 0
                                    

CHAPTER 3

"Gosh! Akala ko hindi na ako makakaalis dun, ah!" Hinihingal na sabi ni Lianna nang makatakbo ito sa tambayan nila Benj.

"Pahamak kasi itong ID ko na 'to, e." Sabay  hawak nya sa may ID lace nya... napahinto ito sa paglalakad nang makita na wala na 'yung ID nya at ang tangin natira nalang ay ang Lace nya.

"Oemge! Nahulog ata ang ID koo!" Hindi nito alam kung ano ang kanyang gagawin. Nakita ba ito ni Benj? Pinagdarasal nya na sana ay  huwag nito makita, pero mukang malabo nang mangyari iyon.

Ahhh! Bad day!

Halos mangiyak ngiyak itong nagtungo sa susunod nyang klase. Hindi din ito papapasukin ng guard kinabukasan kapag wala iyong ID nya.

Sana lang hindi nya 'yon nakita

"Lianna," tawag sakanya ng kaibigan nyang si Mari, pero parang wala itong narinig dahil iniisip nya 'yung ID nya.

"Hoy!" Hinila na nito ang bag ni Lianna na tuloy tuloy ang lakad kanina.

"Bakit?"

Nag pamaywang naman itong si Mari."Kanina pa po kita tinatawag!" Napapikit itong si Lianna

"Bakit kasi hindi mo ako pinuntahan doon sa may tambayan?! 'Yan tuloy naabutan ako ni Benj at nung pinsan nya! Ang masaklap mukang naiwan ko dun ang ID ko." Tuloy tuloy nitong buwelta sa kaibigan nya. Napa peace sign naman itong si Mari sakanyan na lalong kinahighblood ni Lianna.

"E, kasi naman nakita ko kasi si Dash na papunta na doon. Huhu kaya yun hindi nakita napuntahan." Palusot nito kahit ang totoo ay nanood lang naman sya ng practice game ni Ethan Barcelona ang isa rin sa pinsan ni Benj."Pero, teka! Kung sakaling naiwan yun doon. Lagot ka! Alam nya na name mo."

"Kakalbuhin kita, Mari!" Sigaw nya tumakbo naman si Mari sabay habol nya dito.

Nakarating naman ang dalawa sa paghahabulan sa kanilang next subject. Hinga na hingal ang dalawa, dahil kung saan saan umikot itong si Mari pero ang bagsak ay sakanilang room parin.

"Mari, anong gagawin ko?" Napabuntong hininga itong si Mari, dahil maski sya hindi nya alam ang gagawin.

"Wala namang mawawala diba kung malaman nya pangalan mo?" Napakat labi ito sa sinabi ng kaibigan nya.Huminga ng malalim at nag isip.
"Matagal mo na kay sya pinapangarap. Malay mo ito na ang simula."

Napabuntong hininga ito"pero...kasi" Hindi nito kaya ituloy ang sasabihin nya.

"Pero kasi?" Nakakunot noong tanong ni Mari.

"Wala," hindi pa ito handa para i-open up sa kaibigan nya ang lahat lahat. Kung bakit ayaw nyang malaman ang pangalan at lalo na ang muka nya. Sakatunayan kapag nakikita na nito na magko-cross ang landas nila lalo na sa paglalakad ay agad na iiwas itong si Lianna, pero palihim paring sinusundan ang binata at pinagmamasdan.

"May hindi ka sa akin sinasabi, babae ha." Pinagkrus nito ang braso nya sa may dibdib nya. At tinitigan ng husto ang kaibigan mula ulo hanggang paa."Huwag mong sabihin kaya ayaw mo ay dahil. "

Napataas ang kilay ni Lianna."Dahil?"

"Naku! Lianna 'wag mo ako madahil-dahil dyan!" Napangiwi ito sa kaibigan nyang sinampal ang noo.

"Aba, ikaw kaya ang nag dahil-dahil dyan. Nagtatanong lang ako."

Sinamaan ni Mari ito ng tingin. "Lianna! Pwede ba? 'Wag ako. Omygosh, hindi ako makapaniwala na magagawa at ililihim mo pa talaga. Shocks!"

"Hoy! Ano ba pinagsasabi mo dyan?" Umupo si Mari at inaya nya namang umupo din itong si Lianna.

"Alam ko namang nahihiya ka sa kagagahan mo!" Lumapit ito dito at tinapat ang bibig sa may tenga ni Lianna at bumulong.

"What the!" Naitulak ni Lianna si Mari. Tumingin naman sa paligid kung andyan na ba iba nilang mga kaklase."Grabe! Ganyan ba tingin mo sa akin?" One night stand? Seriously!

"Aba! Malay ko ba. You know ang tagal mo na syang gusto at pinagpapantasyahan." Napangiwi sya sa sinabi ng Kaibigan nya.

"Pero hindi sa ganong klaseng iniisip mo. Duh! Itulad mo ako sayo na kung magpantasya sa Ethan mo ay grabehan." Nadidiring aniya ni Lianna.

"Libre kasi mangarap, kaya grab it!" Napatakip itong si Lianna ng tenga nya.

"Yuck! Yuck! Kadiri ka Mari.Waaaah!" Natawa naman itong si Maricris.

"Gaga! Ano kadiri sa sinabi ko? Grabe, ha."

Natigilan lang sila sa pag aasaran nang nagsidatingan ang mga kaklase nila at ang prof.

Natapos ang mga subjects nila ngayong araw, kaya nagaya si Lianna na silipin lang saglit yung tambayan nagbabakasakaling andun ang ID nya.

"Ano oras na ba?" Inilabas ni Mari ang phone nya at tinignan kung anong oras na.

"5:30"

"Dalian natin may pasok pa ako sa canteen! " Nagmadali naman silang dalawa papuntang tambayan. Pagdating nila ay walang tao, kaya malaya silang nakapunta kung saang bench ang hinigaan nya kanina.Walang ID silang nakita, pero may papel sa bench maayos ang tupi nito..

At dahil dakilang chismosa rin sya ay kinuha nya at binasa. Holos mawindang naman sya nang mabasa ang sulat.

Hi, Lianna Pangilian from tourism student. I'm Benj Barcelona from bsba

Nasakanyan talaga ang ID koooooo!!!

His Undying LoveWhere stories live. Discover now