Chapter 4

10.5K 194 0
                                    

CHAPTER 4

Hindi alam ni Lianna  kung ano ba ang dapat nyang gawin. All she want to do right now is to scream! She didn't expect this. For 4years that their path never crossed. Oh. Matagal na pala ng krus ang landas nila. Hindi nga lang nagtatagpo.

"Huy, ano 'yang hawak mo?" Usisa ni Mari kay Lianna nakatingin parin sa papel nyang hawak.

Dahil nga isa't kalahating chismosa din ang kaibigan nito ay binasa nya rin ang nakasulat. Sabay takip ng bibig nang matapos itong basahin."Hala! Nasa kanya nga!"

If she could turn back the time that she went here just to sleep. Hindi na talaga sya tutuloy pa if she knew that this will happen. Hays! Now, lesson learned. Don't be so complacent if you don't know what can be happen next.

"Anong gagawin ko?" Napabuga sya sa hangin. Four years.. those years....Pero may kasalanan din naman sya dahil doon pa sya sa may tambayan nila Benj natulog. Todo silay pa sya sa binata noon ngayon na na kilala na sya. Para syang Ewan.

Nagtataka na tumingin sakanya ang kaibigan nya na mukang naiirita na ang muka.

"Ano ba kasi meron? At ayaw mong malaman ang pangalan mo, ha? At ito pa, ha napapansin ko lagi kana lang nagtatago kapag alam mong makakasalubong mo na sya. Nabili ko yung excuse mo nun, e na nahihiya ka. But, now? Are you making me stupid? Na hindi ko nahahalata yan? And, oh! You don't want me to know what's your real reason?" Hindi nakapag salita itong si Lianna nang sabihin iyon sakanya ng kaibigan. She don't know how to start.

Napayuko nalang ito. Hindi nya kayang sabihin ang lahat lahat sa apat na taon kaya naman na nyang silayan lang ito sa malayuan, pero bakit? Kung kailan malapit na syang maka-graduate ay dun pa sya muling nakita nito.

"Lianna" napataas sa pagkakayuko itong si Lianna. "Ano? Handa naman akong makinig, e."

Napailing ito, mayroon naring namumuong luha sa mga mata nito."Sorry, Mari hindi pa kasi ako handang sabihin, e.Hindi ko pa kayang balikan ang lahat. It's been 4 years."

Pinigilan ng dalaga ang luhang nagbabadyang bumagsak sa mga mata nito. Sa halos apat na taon na pagpapanggap. At ngayon, wala na. Nakita na sya nito.

Napatango itong si Mari. "I see. Mukang masyadong malalim yan. When you're ready I'm still here."
Napangiti itong si Lianna sa tinuran ng kaibigan.

"Tama na nga 'to! Tama na ang emote- emote. Tara na, may pasok ka pa, e."

Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Lianna habang pinupunasan ang mga luha."Omy! Late na'ko sa trabaho!"

Nakauwi na ng bahay nila si Lianna galing sa karenderya na pinagtatrabahuhan nya. Araw-araw syang pinapasahod nagiging sapat naman ito sa isang araw, para makakain silang pamilya.

"Nay," tawag nya nang makapasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi ganoon kalaki ang bahay nila may isang kwarto pag pasok mo sa loob ng kanilang bahay ay nasa left side ang kanilang kusina na nahaharangan lang ng kurtina, cr na ganun din at sala nila kapag nakapasok kana na may lamesa mga upuan at maliit na TV.

"Oh, nandyan kana pala." Lumapit ang kanyang nanay sa may lamesa nila at inilapag dun ang ang hawak nya na plato. "Heto, kakain na tayo tama ang dating mo."

Napabuntong hininga sya. Ang kanyang nanay ay may sakit at hindi na kayang magtrabaho pa, hirap sya kapag napapagod ng husto. Kaya nandito lang ito sa kanilang bahay. Hindi naman ganun na nakakapagod ang ginagawa nito dito dahil magagaan lang ang ginagawa nya. Katulad ngayon.

"Asan po si Lorenzo?" Pagtatanong nya sa kanyang ina na naghahain parin. Tumulong naman sya ng maibaba ang bag at natanggal ang suot na sapatos.

"Kasama ng tatay mo." Napatigil naman sya at napapikit nalang.
"Anak."

Nag mulat sya at tinignan ang mga nakahain ngayon sa mesa nila. Napakagat nalang ito sakanyang labi.

"Nay, hindi ba sinabi ko na 'wag kayo tatanggap ng kahit na ano dun kay tatay?!"

Lumapit ang nanay nya sakanya at hinawakan ito sa braso."Lianna naman. Sana maintindihan mo gusto lang makatulong ng tatay mo."

Natawa ng mapakla ang dalaga nang marinig ang sinabi ng kanyang nanay."Huh, makatulong."

"Bihis lang ako, nay. Ano oras po uwi ni Lorenzo?" Tanong nya at dumiretcho na sa kanilang kwarto para makapagbihis. Dalawa lang silang magkapatid ni Lorenzo.

"Mamaya pa siguro."

Rinig nyang sagot ng kanyang nanay. Hindi nalang sya umimik at inisip ang ginawa noon ng kanyang tatay. Nang gagalaiti sya sa inis kapag naaalala iyon. Mga nangyari sa halos apart na taon. Mabuti nalang din at hindi na nagsalita ang kanya nanay tungkol sa tatay nya.

Sobra sobra ang dami ng kanyang iniisip sa araw na ito at ayaw nya na munang mas lalong maguluhan, mainis dahil nakakapagod ang araw ngayon para sakanya.

Sana matapos na ang lahat ng ito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sobrang daming problema.

***

His Undying LoveWhere stories live. Discover now