Chapter 24

4.6K 87 1
                                    

Chapter 24

Maagang gumising si Lianna, halos araw araw naman, e. Pero ngayon ay iba dahil hindi sya papasok muna sa karenderya kailangan nya munang bigyang pansin itong si Benj, dahil kung hindi sya lang magsisisi sa huli. At ito narin ang rest day nya. Dahil nung lumalaban si Benj wala lang sakanya, kaya she needs to prove na hindi lang ang binata ang kayang kumulit ng kumulit. Maski sya. Kaya lang napapaisip sya baka andun ang mama ni Benj at ipagtabuyan sya, dahil nga alam na nito ang nangyari sakanila ni Benj.

Pero para naman ito kay Benj. Kaya aja lang sya!

Niluto nya lang naman ay ulam para sa umagahan. Kasi ang usapan nila ni Mari ay pupunta sila kila Benj ng 7 am. Tinatanong kasi ni Mari sa kuya nya kung anong oras kumakain sila Benj kapag umaga dahil minsan ay dun nagtulog yung Kuya ni Mari. At tuwing linggo ay sama-sama ang mga Barcelona sa Mansion ata ng kanilanh Lolo at Lola.

Dalawang putahe ang niluto ni Lianna adobong manok at sinigang na manok. Hindi naman nya mahilig sa manok. Tapos nya ito lahat lutuin naglagay lang sya sa isang malaking Tupperware at syempre nagtira ito para sa kapatid at nanay nya. Nagpaalam din sya sa nanay nya pupunta kila Benj sasamahan nya si Mari, kaya nagluto narin sya. Nagsinungaling nanaman ito. Nag ambagan din sila ni Mari para sa niluto nya ngayon.

Nang makarinig ng busina ay nagmadali na sa pag aayos si Lianna. Isang Ripped jeans at White T-Shirt ang suot nito at naka- rubber shoes. Hindi na sya nakapagsabi sa nanay nyang aalis na sya, dahil tulog pa ito. Nag paalam narin naman na sya kagabi pa buti nalang naniwala ito na sasamahan nya lang si Mari at pinaluto lang ito sakanya.

Lumabas si Lianna na may nakasakbit na sling bag at hawak hawak na paper bag na pinaglagyan nung niluto nya. "HUWAAA! excited na ako."

Napabuga ng hangin si Lianna . "Ikaw, excited ako naman ay kinakabahan."

Binuksan na ni Mari yung sa may backseat, kaya agad na pumasok si Lianna."Tara na po."

Nakarating sila sa tapat ng bahay nila Benj. Bumaba na sila at inayos ang sarili. Ngayon lang din sumagi sa isip ni Lianna kung ano ang sasabihin kung tatanungin sya kung bakit sya nagluto? At anong meron bakit pumunta sya rito? Napapikit si Lianna. Tanga ko! WAAAAH!

"Sabi ni kuya sa tapat lang daw ng bahay nila Benj yung Mansion ng Lola nila." Tumingin sila sa katapat ng bahay nila Benj. "Ito na yun."

"Mari, tara uwi na tayo." Pag aaya nito at akmang papasok na ulit sa may van kaya lang agad na hinila ni Mari ang buhok nito na naka ponytail. "Aray! Aray ha!" Reklamo nito.

Binitawan naman ni Mari yung buhok nito nang makita si Dash na naglalakad papuntang mansion. Agad na kumaway si Mari, kaya tinignan sya ni Lianna. "Nababaliw kana!"

"Sira! Dasssshhhhhhh!" Tinakpan ni Lianna yung tenga nya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan nyang baliw. Tinignan nya yung tinatawag ni Mari si Dash nga. Napahinto ito sa paglalakad at kunot noong nakatingin sa dalawa.

"Lapit tayo!" Biglang hinila ni Maricris si Lianna. Nakatingin lang si Dash sakanilang dalawa. "Anong ginagawa nyo rito?" Napairap si Mari.

"Like Duh! Pupuntahan ni Lianna si Benj may niluto nga syang ulam, e. Hehe syempre nakiluto narin ako para kay Ethan." Walang prenong sagot ni Mari. Napangisi si Dash sa sagot ni Mari, dahil may gusto pala ito Kay Ethan, ha.

"May gusto ka pala kay Ethan." Napailing sya sabay baling kay Lianna. "Good luck naman sayo Lie Anne. Andyan si Janea yung first love ni Benj." Maski si Dash ay alam din na First love ito ni Benj. Tumango si Lianna.

"So, tara." Ginaya ni Dash yung dalawa papasok sa gate at loob ng mansion ng mga Barcelona. Pag pasok mo ay may mahabang daan bago ka makapunta sa pinto papasok. Sa harap ng Mansion ay may garden at isang gazebo rito sa may right side at sa kabilang side naman ay isang malaking garage.

Nang makapasok sila sa loob ay ang lawak nito at ang mansyong ito ay gawa sa kahoy an old hardwoods.
Kumanan sila habang naglalakad sila ay may mga canvass sa bawat Dingding dito. "Malapit na tayo. Ano nga palang sasabihin nyo kung tatanungin kayo kung bakit may dala kayong ulam at dito kayo mag aagahan?"

Natawa si Mari. "Syempre sasabihin namin na makikikain po." Sabay hagalakpak nila ni Dash ng tawa. Nag echo pa tawa nila dahil nga ang tahimik.

"Andyan na kaya sila?" Tanong ni Lianna na hindi nakikisali sa tawanan ng dalawa. "Yup, ako nalang daw wala."

Napa-oh sila Mari masyado atang pa VIP itong si Dash. Okay, narin naman na sila ni Shaina Ewan nya lang kay Ethan. Huminto sila sa may isang pintuan mukang dito sila sama samang kumakain, ah.

"Tara," binuksan ni Dash yung pinto at nakagawa ito ng ingay, dahil gawa rin ito sa kahoy. Pumasok na si Dash ganun din ang ginawa nung dalawa. Lahat ng nakaupo sa mahabang mesa ay napatingin sakanila. Inikot ni Lianna ang paningin nya nahagip nya ng tingin si Benj may katabi itong babae na kaseng edaran lang din nila. At ito na nga ang first love ni Benj katabi nya. May kirot na naramdaman ni Lianna. Bigla kasing sumandal ang ulo nito sa balikat ni Benj.

"Oh, you didn't tell us that you have a visitors, Dash." Napatingin si Lianna sa nag-salita nasa may gitna ito na kaupo ang lolo ni Benj.

"Nah," sinenyasan ni Dash yung dalawa na sumunod sakanya."Goodmorning. Anyways, this is Lianna she's here for Benj. " Nakagat ni Lianna ang labi nya. Bakit nya yun sinabi?!! "And, Maric she's here too for Eth--"

"Para kay ate Bea po!" Biglang putol nito sa balak sabihin ni Dash. Kaya ngayon si Lianna lang nailaglag ni Dash. "I'm Mari Quiano po. Younger sister of Miko Quiano, hehe. "

"Oh? Nice to meet you, Mari and Lianna. So, have a sit sumabay na rin kayo magalmusal sa amin."  Mabait ang lolo at Lola nila Benj.

"Padagdag pa ng dalawang plato dito." Sabi ng mukang Lola nila sa isa sa kasambahay nila na nagsasalin ng tubig sa baso nito.

"Sige po."

"Upo na kayo mga hija."

"Ah, nakalimutan ko pala. May dala silang ulam."

Napangiti ang Lola ni Benj. Ang ilan naman at tahimik lang. "Ninda, pakikuha yung ulam dito para mahain nyo narin."

"Ahm. May sinigang po rito. Baka malamig na, iinit nalang po." Tumango tango ito sa sinabi ni Lianna.

"Benj, palit nalang kayo ni Dash ng upuan at para matabihan mo si Lianna." Nagulat si Lianna at napatingin sa Mama ni Benj. Kanina nya pa iniiwasan ang tingin sakanya ng mama ni Benj. Ngumiti ito sakanya kaya ganun din ang sinukli nya. Nabaling naman ang tingin ni Lianna dun sa Janea na ngayon ay nakasimangot na, dahil sa paglipat ni Benj. Tumabi si Liana sa isa sa bakanteng upuan na katabi ni Benj at sa kabilang side naman nya ay si Mari na katapat ni Ethan.

Nang nahian na ang ulam na dala nya ay nagsimula na silang kumain. At marami silang pinagkukwentuhan, kaya lang hindi alam ni Lianna kung ano ang mga iyon wala itong naiintindihan. Lalo na't katabi nya si Benj na walang imik.

"Ahm, masarap ba yung adobo?" Tanong ni Lianna. Walang mangyayari kung mananahimik lang sya.

"Yeah, ikaw nagluto?" Pagtatanong nito.

Napangiti si Lianna, dahil hindi cold ang treatment ni Benj sakanya. "Yup," masayang sagot nito.

Napatango si Benj. "Sabi ni Dash andito ka para sa akin, why?"

Napahinto muna saglit si Benj at tumingin sakanya. Nagtama ang tingin nila. Agad na umiwas si Lianna at tinuon ang tingin sa pagkain nya. "Ah, kasi parang iniiwasan mo ako nung mga nakaraang linggo. Diba napagusapan nanatin yun?"

"Ah, yun ba. Tinatry ko lang kung susuyuhin mo ako oh well you are here for me. Hindi kita pinapansin for a reason. Kung alam mo lang gusto gusto nakita lapitan nun." Then he chuckled sa kalokohan nya. Sinamaan sya ng tingin ni Lianna at tumaas ang isang sulok ng labi nya.

"Magpipinsan at magkakaibigan nga kayo."

Napailing lang si Benj."So, ibang iba kana sumuyo talagang susugod ka ng bahay at makikialmusal."

Sinipa ni Lianna sa ilalim ng lamesa yung paa ni Benj. Pero natawa lang si Benj. Kaya napatingin sakanya yung lahat. Nakalimutan ata nila na may iba pang tao rito bukod sakanila. Ngumiwi lang si Lianna. Nang nagsiilingan ang mga ito. Hindi nya malingon si Janea kung ano ang reaksyon nito ngayon.. Malaman nya lang na okay na okay pala sila ni Benj ay yung bigat ng pakiramdam nya ay nawala. Nang tumawa si Benj yung puso nya ay tumatalon sa saya dahil sakanya kung bakit may mga ngiti sa labi si Benj.

His Undying LoveWhere stories live. Discover now