Chapter 23

4.5K 77 3
                                    

Chapter 23

Ilang linggo narin ang nakalipas nung nagpunta si Lianna sa Party ni Benj. Pagkatapos nun ay kinabukas nakasabay nya sina Darren sa Cafeteria, pero wala si Benj. She thought that they're okay? Yung panibagong memories na ang bubuuin nila. Sinasamaan nya naman ng tingin itong si Darren, dahil nga dun sa sinabi nya na pupunta nasi Benj sa US at baka dun na mag aral. At ang magaling naloko ay pinagtawanan lang sya. Kasabwat din pala yung iba pa nitong mga kaibigan. Napapailing nalang tuloy sya.

Si Benj naman ay nakikita nya, kaya lang sa malayo. Hindi nito alam kung iniiwasan ba sya nito, o ano? Pero diba ayos na sila? Bakit ngayon parang bumalik ulit sa dati na laging sa malayuan nya nalang ulit ito nakikita? Pero that time ay hindi naman alam ni Benj. Ganito pala ang pakiramdam ng iniiwasan na sya ngayon. Yung binata ang lumalapit sakanya at sya ang lumalayo. Ngayon ay gusto naman nyang mapalapit na ulit dito ay tsyaka namang lumalayo ang binata. Pero, ayos naman sila.. Ayos nga ba? Daming gumugulo sa isipan ng dalagang si Lianna. Hindi pa nga siguro sapat yung napagusapan nila kinakailangan nya na ipakita rito na gusto nya talaga na magsimula ulit ng panibago. Kailangan nyang gumawa ng moves at maiparamdam.

At mukang tinetest sya nito. Dahil sa ilang linggo na ganito ang nangyayari sakanila. Ni minsan ay hindi sinubukan ni Lianna lapitan ito, dahil nahihiya sya. At nasanay na si Benj ang lumalapit sakanya at nangungulit. Mahirap talaga masanay sa alam mong pwedeng pwede magbago.

Pero ngayon! She need to do something.

"Lianna, nga pala." Nasa isang coffee shop sila ni Mari dahil may ginagawa silang isang group project ngayon sabado. "Oh?"

"Sinabi sa akin ni Shaina na bumalik narin yung first love noon ni Benj. "
Natameme si Lianna sa narinig. Jindi nito alam kung ano dapat ang ireact.

"Ha?"

"Yung first love ni Benj noon. Bumalik na daw nung Birthday pa ni Benj."

Iniling ni Lianna  ang ulo nya. Alam nyang may first love ang binata, dahil open ito sakanya noong sila pa kaya alam nya. Tsyaka, ang bata pa nila noon kaya hindi naman naging dahilan yun para magselos si Lianna nang ikwento iyun ng binata sakanta noon. Dahil nga elementary days pa yun. Pero parang iba na ngayon, dahil malalaki na sila. Kung noong birthday pa ni Benj sya dumating ay ibigsabihin pwedeng dun tumutuloy itong first love ni Benj sa bahay nila.

Hindi umimik si Lianna. Wala syang karapatang magreklamo o magisip ng kung ano ano."Hindi ka manlang nagseselos?"

"Nagseselos," walang ano'y sagot ni Lianna. Nakagat nya labi nya. "Ah."

"So, balak mo? Okay pa kayo nung birthday nya, ah? Ano yun, pinalayo mo nanaman ba sya?" Ngumuso si Lianna. Kapag ganun bang hindi sila nagpapansinan ay pinalayo nanaman nya?

"Hindi ko sya pinalayo 'no! Sabi ko magumpisa kami ng bago." Depensa nya.

"Magumpisa ng bagong layuan?" Binato naman ni Lianna si Mari ng crumpled paper.

"Oopsss. Baka makita ka ng Manager dito at palabasin ka katulad nung nangyari kay Benj sa room nila."  Humalakhak si Mari at napairap nalang si Lianna.

"Pero, seryoso na. Dumating na ang first love nya. Sabi nga nila. First love never die. Tama ba?" Napataas ang labi ni Lianna. "Bahala ka. Mamaya maisipan ni Benj na hindi ka pala ang gusto nya naku! Tignan mo ngayon? Okay kayo nung birthday nya tapos ganito na? Siguro nung umalis ka nun dun palang nya nakita yung si Ms. First love nya. "

Natahimik si Lianna sa sinabi ni Mari. "Kung ganun. Aagawin ko sya. Ako naman ang lalaban."

Napailing lang si Mari. "Tanong: Ipaglalaban ka pa rin kaya? Kasi nung sya lumalaban he knew that you still love. Pero paano kung ikaw nalang ngayon ang nagmamahal? Like duh," sabay flips ng hair nito.

"Psh. Well, hindi naman agad mawawala pagmamahal nya sa akin ngayong araw, e. Bukas let's start the battle." Sabay crossed arm nito.

"Woah! Woah! Good luck!"

"Tapusin na natin 'to! Para makauwi na ako pupunta ako sakanila bukas. Well, ipagluluto ko sya." Tumawa si Mari.

"Mukang pakapalan na ng muka bukas, ah! HAHAHA. Basta sama mo ako bukas, ha? Hehe, sisilay ako kay Ethan." Tumango lang sakanya si Lianna. At pinagpatuloy na nila ang ginagawa nila.

His Undying LoveWhere stories live. Discover now