Chapter 20

4.9K 82 1
                                    

Chapter 20

"Bakit naman tayo umalis?" Pagmamaktol ni Lianna, dahil hawak ni Benj ang kamay nya. Oh, intertwined ang mga daliri nilang dalawa. Gusto higpitan ni Lianna ang pagkakapit dito, kaya lang nahihiya sya. Ewan nya. Kinikilig sya at nararamdaman nyang umiinit ang pisngi nya.

"Gusto mo masaksihan kung paano ipahiya ni Dash si Shaina ?" Nalukot ang muka ni Lianna. Wala kasi sa muka ng binatang si Dash ang magpahiya ng babae. Nakakadisappoint. Dahil si Dash na nga ang hinahabol, pero nagawa nya pa yun sa dalagang si Shaina Sa marami pa talang tao.

Huminto sila sa may tapat ng building nila Lianna. Hinarap sya ni Benj gamit ang free hand nya ay hinawakan nito ang baba ng dalaga at inangat paharap sakanya.

Rinig nya ang pagbuntong hininga ni Benj bago nagsalita. "I have to tell you this." Kinabahan naman si Lianna, dahil yung muka ni Benj ay parang may problema?

"A-Ano?"

"I can't wait you, anymore." Napaawang ang bibig ni  Lianna. Hindi nya alam kung paano o ano? Ang dapat nyang ireact. Ito naba yung kinatatakutan nya? Na baka dumating ang araw na mapagod si Benj sakanya? At sya naman ang maghabaol dito? Siguro karma narin nya ito.

"Huh?" Ayan nalamang ang nabigkas ng dalaga.

"I can't wait you, anymore. So, please tell me the whole story why you broke up with me? Diba sinabi mo kapag okay na ang kapatid mo sasabihin mo na ang lahat? But! What the fucking shit! Lianna, sinabi mong hindi ako yung boyfriend mo! Did you knew how much it hurts? When the person you love the   most saying those words in front of you?"

"Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Pero may narealize ako. Nagiging miserable na pala talaga ako and it's because of you."

Nasasaktan sya sa mga sinasabi sakanya ng binata ngayon. Parang libo- libong karayom ang ngayong tumutusok sa puso nya.

Yumuko lang si Lianna. Siguro nga ay marami pa syang hindi alam sa pag- ibig lalo na sa ganitong bagay. Kailangan nya munang hanapin ang sarili nya para sa pagkakataon na sya naman ang maghahabol sa binata ay hindi na ganito katanga. Dahil nababalewala lang nya ang pinapakitang  efforts sakanya ni Benj. Hindi na sya makakahanap ng ganitong lalaki. Mahal nya si Benj, yes. Pero dahil marami pa syang kailangang gawin. Lalo nasa pamilya nya ay hindi nya pa maibigay ng buong buo ulit ang puso nya. Dahil sobrang sakit na ng dinulot nya sa binata.

"Sorry, Benj. At sa tingin ko kailangan ko muna ng space. Yes, Mahal kita." Tinignan nya si Benj. Nakatingin lang ito sakanya no reaction. "Pero kasi hindi ko pa talaga mahanap ang sarili ko. Kaya lahat ng efforts mo ay nababalewala ko. Sorry."

Huminga sya ng malalim."Pwede muna bang katulad ulit ng dati? Yung hindi tayo nagkikita."

"Bakit ganun pa? Damn! You know how I'm in love with you!" Tinuro sya ng binata.

"Yes, I know."

"But, what if I get tired?" Ngumiti si Lianna sakanya.

"Then, It' s my turn. Ako naman ang susuyo sayo."

"No, not like that. Tired of loving you." Napangiti si Benj ng may bahid sakit at lungkot. Maski si Lianna.

"I-I will make you fall in love with me again."

"Hoping."

Sabay na silang umiba ng daan.Daan kung saan ang umpisa ng pagbabago ng lahat.

His Undying LoveWhere stories live. Discover now