Chapter 16

5.3K 72 0
                                    

Chapter 16

Ilang araw na rin yung nangyari noong hapunan. Tahimik nilang pinagpatuloy nun ang pagkain. Hindi na rin nagtagal si Benj at umalis narin agad. Hindi sya nito nilingon ng mga oras na'yun sa kanyang nanay nya nagpaalam.

Nang makaalis si Benj nun ay dun na nasermunan si Lianna ng kanyang nanay. Tinanong ng nanay nya kung sino ang naging boyfriend nya. Pero wala syang sinabing pangalan. Ayaw na nyang dagdagan pa ulit ang kasinungalingan nya.Lalo na at alam nyang sobra sobra na ang ginagawa nya kay Beijie.

Naging lutang sa ilang araw ang dalaga hanggang ngayon. Ang tahimik  nya rin kaya nagaalala na sakanya ang kaibigan nya.

"Huy! Ano bang nangyayari sayong babae ka, ha? Okay naman nasi Lorenzo diba." Nasa may cafeteria sila ngayon ni Mari. At heto tulala nanaman sya. Iniisip yung nangyari nung isang araw. Nanay nya ay alam nya ring nagtatampo sakanya. Dahil ni hindi nya nalamang nagka- boyfriend na ang panganay nito.

At iniisip din nito na nasaktan nanaman nya si Benj.

"Nagsinungaling ako sa harap nya mismo." Sabi nya sa kaibigan.

"Ha? Ano bang nangyari?" Nagtatakang tanong ng kanyang kaibigan. Kinwento ni Lianna ang nangyari nung nakaraang araw. Ayaw nya  maglihim sa kaibigan nya. Gusto nya ng masasabihan tungkol sakanila ng binata para narin gumaan ang pakiramdam nya. Napakabigat kasi sa loob nya kung ikikimkim nya nanaman. Dahil alam nya rin naman na andito ang kaibigan nya na handang makinig sakanya at karamay nya ay sinabi nya na rito.

Napabuntong hininga si Mari nang matapos ikwento ni Lianna ang nangyari nang imbitahan ng nanay ni Lianna si Benj para sa hapunan.

"Gaga!" Piniltik nito ang noo nya.

Tinignan lang naman sya ng masama Lianna."Bakit?"

"Anong bakit? Gaga ka! Alam mo hindi porket best friend kita ay kakampihan na kita sa kagagahan mo, ha!" Kinuha ni Mari yung tinidor at tinusok sa in-order nyang hotdog!

"Alam mo!" Kinagat nya ito."Napaka insensitive mo gaga! Hindi mo ba alam sa sinabi mong hindi naman sya yung taong tinutukoy ng kapatid mo na boyfriend mo nun ay ang sakit sakit na nun? Para bang sinabi mo narin sa kanya harap harapan na kinakahiya mo sya sa palagay ko lang naman yun. At tsyaka diba sabi mo nun walang bakas na pagaalala sa muka ni Benj nang sabihin ni Lorenzo yun?"

Huminto sa pagsasalita si Mari. Tinignan nya yung hotdog at tinagggal yung tinidor na nakatusok at tinusok ulit. Hindi nya ata balak murder-in yung hotdog.

"Oo, nakangisi lang sya."

"Ayu!" Hinampas nya yung lamesa."Ibig sabihin lang nun gaga ay gustong gusto nyang ipagsigawan na ikaw ang girlfriend nya! Lalo na sa harap ni Tita. Pero, gusto nya ikaw mismo ang magsabi. Ayaw nyang gumawa ng ikagagalit mo!" Napabuntong hininga si Lianna. Hindi nito alam kung bakit may mga ganitong ideya ang kaibigan nya. Wala naman itong lovelife. Pero tama nga siguro ang kaibigan nya.

"Ito, ha. Seryosong usapan, Lianna. Hindi mo ba naisip na diba hinahabol habol ka nya? Hindi mo ba naisip na baka mamaya ay bigla nalang mapagod sya? Magsawa?" Biglang pumasok agad sa isip ni Lianna yung sexy na babae sa Ospital nun. Paano kaya kung bigla nalang paggising ni Benj ay magbago nalang ang nararamdaman nito sakanya? Kung kailan handa na sya? Tapos huli na pala ang lahat?

"Hindi ko naisip." Yumuko ito.

"Kaya ngayon magsorry ka sakanya! Baka kung kailan tumigil na sya kakahabol. Naghahabol ba sya?" Nagkibit balikat lang si Lianna. "Basta! Kung mapagod syang kakasuyo sa matigas mong puso tapos kung kailan lumambot na ito ay dun pa sya tumigil dun pa sya napagod at dun nya panapagtanto na hindi kana nya pala MAHAL!" In-emphasize pa talaga ng kaibigan nya ang huling salita.

Natatakot si Lianna na mangyari yung sinabi ni Mari. Mahal nya si Benj mahal na mahal. Pero ang gulo gulo pa kasi talaga ng isip nya. Pero, paano nga kung magsawa na ito sakanya? Kung kailan naging maayos na ang isipi nito.

"I know lahat may tamang panahon, para masabi mo lahat Kay Benj. " Nagsalita nanaman si Mari. "Pero paano kung ang tamang panahon na nasabi mo na kay Benj ang lahat ay  yun narin ang tamang panahon para tumigil si Benj?"

Bakit parang may pinagdadaanan ito?

"Naging brokenhearted kaba? Parang naranasan mo lahat ng iyan, ah."

"Hindi 'no! Ganito kasi kapag walang love life." Tumango nalang sya. Ayaw nyang pilitin ang kaibigan na magsabi, dahil ganun din naman sya nun.

"Tara na nga! Baka malate pa tayo." Pag- aaya sakanya ni Mari. Aga pa, pero malate agad sila. Nagkibit balikat nalang ang dalaga at sumunod, Kaya lang nahagip ng mga mata nya si Ethan na may kasamang babae na nakahawak sa may braso ni Ethan. Sya yung SEXY sa Ospital!

His Undying LoveWhere stories live. Discover now