Snippet

6.3K 171 86
                                    




Brianna Marielle Villasis-Scott



"MOMMY, I'm turning 7 soon, Mommy. You told me when it's my 7th birthday I will meet my Papa. Am I going to see him on my birthday?" Tanong ni Ethan. Biglang nakaramdam ng kaba at takot si Brielle.

Inosenteng nakatitig lamang sa kanya ang magpipitong taong batang lalaki. Kahit saang anggulo tingnan kamukhang-kamukha nito ang ama. Pigil ang luhang ngumiti si Brielle sa anak. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa bata. Ayaw niya munang ipaalam sa anak niya na matagal nang wala ang ama nito, dahil maging siya man ay hindi pa rin matanggap na maaga itong nawala sa kanila kasama ng isa pa nilang anak.

"Baby, ano ba ang sabi ni Mommy?" Lumuhod siya sa harap nito at pilit na ngumiti. "Di ba sabi sa 'yo ni Mommy, pag dating ng tamang panahon ay makikita mo na rin si Daddy di ba?" Tumango man ang anak sa kanya ay kita niyang hindi pa rin ito nakakampante.

"I know, Mommy. But you said, we are going back home to the Philippines when I turn 7." Pagpipilit ni Ethan. "I want to go home." Nakasimangot itong humalukipkip.

"Hi, Bri. What happen?" Tanong ni Alvin. Siya si Alvin Montemayor, ang bestfriend slash assistant slash messenger slash big brother ni Brielle.

"He wants something for his birthday na hindi ko pwedeng ibigay sa kanya dahil hindi ko na maibibigay sa kanya yun." Tumango lang ito. Parang alam na nito ang nangyayari.

"Is he asking for him?" Makahulugang tanong nito sa kanya. "Alam mo kung nasaan siya di ba? Bakit hindi ninyo dalawin?" Tumango lang siya sabay yuko. Hindi niya kaya.

"Yeah. I don't know." Matapat niyang pag-amin sa kaibigan.

"Brie, you don't or you won't?" Simpleng sagot nito. "Bring him home. It's time." Dugtong pa nito.



--------------------



Timothy Siegfried Scott



"DADDY! Daddy!" Sigaw ng isang matinis na boses. Maingay man at masakit sa tenga ay ikinatutuwa iyon palagi Siege. Sinalubong niya ang magpipitong taon na batang babae na humahangos pababa ng hagdan.

"Be careful, sweetheart, okay. You may hurt yourself. You know daddy don't want you getting hurt." Sabi niyang puno ng pag-aalala. Bumungisngis lang ito sa kanya.

"Daddy, I want to go home." Deklara nitong nagpamulat ng hindi lang ng kanyang mata kundi pati na ng kanyang isipan. Uuwi. Going home. Gaano na ba katagal yun.

"Baby, why can't we just stay her in California?" Saad niya. Pilit ang ngiting ibinigay sa anak.

"Daddy, I want to see my mommy." Sumimangot na may kasama pang pagpadyak ng paa at nakanguso na halos naiiyak na sabi nito. Nakaramdam ng pagkataranta si Timothy dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata ng kanyang anak. Bagay na ayaw na ayaw niya.

Yun ang totoo, natataranta talaga siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Matagal na panahon nang nangyari yun. He misses her and their son pero masakit pa rin at hindi niya talaga kayang matanggap at hinding-hindi niya tatanggapin..

"Hey, don't cry. You know daddy don't want to see you sad." Pilit niyang pinasisigla ang kanyang boses.

Gusto niyang umuwi ng Pilipinas noon pa, pero hindi niya kaya dahil nandun lahat ng alaala niya, nilang mag-ama.

Pitong taon na ang nakaraan, sariwa pa rin ang lahat. Ano pa ba ang naghihintay sa kanya doon? Sakit ng trahedya lang ng kahapon.

"I want to go home! I want to see my mommy!" Nakasigaw nitong sabi. Oo, bratella ang anak niyang babae but he won't have her any other way.

"Tim? What is going on?" Malambing na sabi ng bagong dating na bisita. Si Ryelee kasunod nito si Dean. Narito ang mga ito dahil may usapan silang dito na magsisimula papuntang venue ng meeting.

"She wants to go home." Simple niyang sagot.

"What?! Right now?" Nagulat ang babae sa sinabi ni Siege. Napalingon siya kay Dean. Ngumiti naman ang lalaki sa kanya. "What did you tell her? You can't go back, right? May mga meeting ka pa, di ba, Dean?" May himig ng pagkataranta sa tinig nito, bago hinarap ang bata.

"Baby..." Pilit ang lambing na panimula ni Ryelee. "Your daddy can't go back home yet. He is way too busy here. There's too many important things to do." Sabi nito na umaasang makikinig ang bata sa kanya. At dahil kilala naman niya ang kalidad ng anak ni Siege ay sigurado siyang hindi nito papansinin ang sinasabi niya.

"No! I want to go home and I want to see my mommy!" Sigaw uli nito s matinis na boses. Matalim ang mga tingin ng bata sa kanya bago ito tumalikod sabay takbo paakyat sa hagdan. Siya namang baba ng ina ni Siege. Nagtataka ito at nakikitaan ng galit.  

"What is going on with my apo, Timothy?" Aristokratang tanong nito sa anak. Ayaw niyang pumupunta sa bahay ng anak ang babaeng ito, si Ryelee.

"Brynn want's to go home to the Philippines  Tita, he can't yet. There's too many important things to do here." Natatarantang paliwanag ni Ryelee sa ina ni Timothy.

"I didn't know my son is a woman now? Your voice had changed, hijo. Namatayan ka lang ng asawa naging babae ka na?" Sarkastikong puna ni Mrs. Scott. Natameme si Ryelee.

"Mom, cut her some slacks. It has been a long time ago." Saway niya sa ina. Sinupil ni Ryelee ang ngiti. Pakiramdam niya nanalo siya sa round na ito. But little did she know, hindi pa nag-uumpisa si Mrs. Scott.

"Alam mo, Timothy Siegfried, pinag-aral kita sa mamahaling eskwelahan para magkaroon ng laman yang utak mo at para magamit mo nang maayos. O baka naman ibang ulo na ang gumagana kaya hindi ka makapag-isip ng mabuti? Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong magkagulo tayo." Mataray nitong sabi ngunit matalas na nakatingin kay Ryelee.

"Mom, please. Let's not even go there." Tumahimik na lang ang kanyang ina ngunit matalas pa rin ang tingin kay Ryelee.

"Wag ako, Timoteo. Yang babaeng yan ang pagsabihan mo. Wag siyang pumapapel sa apo ko na parang siya ang ina. Feeling ina sa anak mo, hindi naman kayang magpakaina sa sarili niyang anak." Tumalikod na ang ina at bumalik sa taas at pasigaw na nagsalita.

"Brynn, get packing. If your dad is not going home, we are!" Napabungtong-hininga na lang si Siege sa deklarasyon ng ina. Wala na siyang nagawa.






-------------
💖~Ms J~💖

**DISCLAIMER**

This story is the writer's original idea/creation, please be kind and be respectful and let's enjoy the story.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CCTO on all media used.

Since You've Been Gone
First Published: November 12, 2017
©️2019 All right reserved

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now