Chapter 1

440 12 7
                                    

***
Nakatingin ang binata sa papalayong rebulto ng tao. He can't see her face but he's familiar with her. Hindi niya lang masyadong maaninag but he's so sure na malapit lang ito sa kaniya o kaya ay nakilala niya na ito.

Napabangon si Martelle mula sa pagkakatulog. Pumasok sa isip niya ang kaniyang napanaginipan. That was odd. After how many years, ngayon na lang niya ulit naalala ang kaniyang napanaginipan.

Bumangon na ito at napatingin sa orasan. Five o'clock na. Naligo na siya at inayos ang sarili.

Martelle is known for being cold. He doesn't want noisy people. Ayaw niya na may iistorbo sa kaniya kapag naglalaro siya. Ayaw niya na may manggugulat sa kaniya at sa lahat ayaw niya ng matitinis na boses ng mga babae. Para sa kaniya, nakakairita ito at masakit sa tenga.

Nang matapos itong kumain ay inihatid na siya ng kaniyang driver sa school na pinapasukan nito. He sighed habang nakatingin sa labas. He can see his reflection in the window. Maputla siya at walang buhay ang mga mata nito. Meron siyang mga kaibigan pero bilang lang.

Today is their P.E at hindi siya nasisiyahan tuwing P.E time nila. Hindi siya pwedeng maglaro katulad ng mga kaklase nila, he can't even dance kahit na dalawang minuto lang. He doesn't know the reason why basta ang alam niya, mabilis siyang mapagod and his heartbeats, they're not normal. For him, he is not normal, he will never be one.

Nakarating na sila sa school. Nagpaalam lang ito at dumiretso na sa kaniyang room. Doon ay naabutan niya ang kaniyang mga kaklase na nagtatawanan. Ang iba ay nagsisikantahan. May bumati sa kaniya at simpleng tango lang ang kaniyang isinagot dito.

"YAH! SUBUKAN MONG I-UPLOAD 'YAN AT HUMANDA KA SA 'KIN!"

Napatingin siya sa babaeng tumili. He's amused dahil hindi halata sa mukha ng babae na kaya nitong tumili ng gano'ng kalakas. But whatever, he finds her irritating lalo na sa matinis nitong boses.

Aliza Concepcion. The name of the girl who ruins his day. Great.

As lunch passed by, mag-isa pa rin ito sa room nila. Niyaya siya ng kaniyang kaibigan na sumama sa kanila pero tinanggihan niya. Maingay sa canteen at ayaw niya doon. Hindi siya masyadong makakibo kapag maraming tao at maingay. Para siyang nahihirapang huminga and his heartbeats, pakiramdam niya nabagal ito.

Napatingin siya sa pinto nang may pumasok dito. At hindi siya nagkakamali nang marinig niya ang pamilyar na boses. Si Aliza na nakikipag-kwentuhan sa kaniyang kaibigan.

"Ang gwapo ni Mingyu! Grabe nakita mo 'yung teaser photo nila? Kyah! Hindi ako maka-move on do'n!"

Napailing siya sa tinis ng boses ng kaibigan nito. Magkaibigan nga sila, parehong matinis ang boses. Naglagay na lang ito ng earphone at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kumain ay tumayo na siya at lumabas para itapon ang pinagkainan. Napalingon siya sa gilid niya nang may naramdaman siyang hangin dito. Pagtingin niya naman ay wala kaya itinapon niya na ang pinagkainan niya.

"Ay sorry!" Napatingin ito kay Aliza na nag-peace sign sa kaniya. Sabay silang nagtapon at hindi sinasadyang nalaglagan ng plastic na kutsara ang kamay ni Martelle.

"Sorry talaga. Para kasing may kumiliti sa akin kaya hindi kita nakita. Sorry!" Ngumiti ito na dahilan kaya siya napatulala. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Napalunok ito at nag-iwas ng tingin.

"It's alright." Tipid nitong sagot at mabilis na umalis. Nakahinga siya ng maluwag ng bumalik sa dati ang hearbeats niya.

What happened to me? That's so strange. Hindi naman ako tumakbo o napagod pero ang bilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

***
A/n:

Hi! This story is dedicated to my friend! Hello there kung mababasa mo 'to, alam kong kinikilig ka haha! Request granted at sa isa pang makakabasa nito, peace kasi isinali ulit kita haha! So this is a short story because I wanted to finish this story at feeling ko kapag 40 chaps ito hindi ko siya kayang tapusin. Enjoy reading~

#Heartbeats
@eifell_smith

Heartbeats Where stories live. Discover now