[SPECIAL CHAPTER]

365 27 24
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

 

Special Chapter

4 years later…

In-off ko na ang laptop at humiga sa kama ko. Tiningnan ko lang ang kisame ng ilang segundo bago sumagi sa aking isipan ang araw na ‘yon. Palagi nang sumasagi sa isipan ko ang nakaraan at sa tingin ko hindi iyon mawawala hanggang hindi ko nakikita ang taong iniwan ko kasama ng aking pangako.

“Ang tanga-tanga mo! Bakit kasi hindi mo man lang siya pinuntahan kahit huling pagkakataon man lang! Ang tanga-tanga mo!” Idiniin ko ang mukha ko sa unan na nasa tabi ko lang, pagkatapos ay tinanggal iyon at napabuga ng hangin.

Apat na taon na ang nakalilipas, dama ko parin ang napakalaking patlang sa sarili ko na alam kong hindi mapupunan hanggang hindi ko nakikitang buhay siya. Si Arvin. Apat na taon kong sinisisi ang sarili ko kung bakit naging duwag ako para aminin sa mama ni Arvin ang nararamdaman ko para sa anak niya, kung bakit hindi ko man lang nagawang makita si Arvin sa huling pagkakataon bago siya lumipad sa ibang bansa sa operasyon niya.

Pakiramdam ko sobrang sama ko dahil hindi ko man lang natupad ang pangako namin sa isa’t isa. Bumitiw ako dahil alam kong wala akong laban. Bumitiw ako dahil mismong mama na ni Arvin ang nagpaalis sa ‘kin at alam kong dapat akong sumunod.

Hindi ko alam kung bakit ako nagsisisi, kung bakit sinisisi ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit malungkot ako hanggang ngayon, kung bakit alam kong may kulang sa ‘kin. Pero paano ba ipaglalaban ang nararamdaman mo kung wala ka namang karapatan?

Nangako ako sa kanya na hindi ako aalis sa tabi niya hanggang sa oras ng operasyon niya, na hihintayin ko siya bago ako umalis bilang nurse niya. Pero lahat iyon nawala. Hindi ko nagawa ang pangakong iyon.

Wala na akong naging balita kay Arvin, kahit pa subukan kong tawagan ang numero ng bahay nila. Sinusubukan ko ring kontakin ang number ni Manang Pitring pero hindi ko rin siya magawang makausap. Hindi ko alam kung kamusta na siya, kung galit ba siya sa ‘kin o kung makikilala pa niya ako. Natatakot akong malaman…

Nag-ayos na ako ng sarili matapos ang mahabang sandaling pag-iisip. Minsan talaga, nakaraan ang mismong dumadalaw hangga’t alam mong hindi mo sila kayang bitiwan. Pagkatapos kong isuot ang uniporme ko at makapag-ayos ng mga gamit, lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag ko.

“Hi ate!” bati sa ‘kin ni Celine sabay yakap pagkababa ko palang ng hagdan.

“Good morning, baby.” Hinalikan ko naman siya sa pisngi.

Malaki na sila Chichoy at Celine at natutuwa ako dahil kasama ko sila habang lumalaki. Ako na ang nagpapaaral sa kanila simula nang maging head nurse ako sa isang international hospital. Nakapag-ipon din ako ng pera para makabili ng bahay dito sa ‘ming private subdivision. Binilhan ko rin si Papa ng sarili niyang motor, simula pa kasi nun pangarap na niya ang magkaroon ng isa. Si Mama naman, hilig ang pagluluto kaya naman ginawa ko talagang chef’s cooking room ang disenyo ng kusina namin. Malaki na ang nagbago, marami nang nangyari sa nakalipas na apat na taon.

Ginugol ko ang dalawang taon para muling mag-aral ng next degree ko sa kursong nursing. Pagkatapos kong maka-graduate, nag-take ako ng board exam at pumasa. Hindi ko nga akalaing magiging mabilis lang ang pagtanggap sa ‘kin ng trabaho. Hindi naman gaanong mahirap ang trabaho ko, bukod sa pagsu-supervise ng teams ng mga newly nurses, mahal ko ang trabaho ko na mas nagpapagaan sa bawat araw ko.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now