[9]

222 18 13
                                    

There You'll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Nine

Tiningnan ako ni Arvin mula ulo hanggang paa saka gumuhit sa kanyang labi ang ngiti. Parang ngiti ng pang-iinsulto. Tiningnan ko naman ang sarili ko, wala namang problema o dumi sa damit ko. Nasa labas na kami ngayon ng bahay at kasalukuyang kino-contact ni Arvin si Kuya Roger, ang driver nila. Hindi ko akalaing may kotse pala sila sa garahe, hindi ko pa kasi napapasok 'yun.

"Ganyan ka ba talaga manamit?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? May problema ba? Nagsisimula ka na naman ng away?" pagtataray ko sa kanya.

"Jologs."

Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong jologs ka d'yan! At saka pasalamat ka nga pumayag ako na samahan ka sa park. Jologs mo mukha mo." Nag-cross arms ako at iniwasan siya ng tingin.

Hindi kaya may maitim na balak sa 'kin itong lalaki na 'to? Pupunta kami sa park ngayon, siguradong maraming rides doon. Baka itulak niya ako 'pag nasa itaas na kami ng ferris wheel, o kaya habang umaandar ang roller coaster. Baka doon niya ako patayin para hindi na ako makabalik pa rito! Napakagat ako sa labi. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?

Tumunog ang cell phone ni Arvin at nakita ko ang pagkainis sa mukha niya. "Fvck."

"Bakit?"  tanong ko.

"May sakit si Kuya Roger."

Maglalakad na sana siya papasok ng bahay nang sumigaw ako. "Sandali!" Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "—Hindi na tayo tutuloy?" tanong ko.

"What do you think?" Pakiramdam ko bumalik na naman ang pagiging monster slash kulugong mayaman.

Sumigaw ulit ako. "Arvin!" Hawak na niya ang hawakan ng screen door at handa ng buksan ang pinto para pumasok. Teka, may naisip ako. "Mag-commute tayo!"

Tingin ko mas nainis pa siya sa sinabi ko. "Are you crazy?" Itinuro niya pa ang sarili niya, "—me?"

"Bakit? Ano'ng masama kung magco-commute... tayo? Hindi ka ba sanay?"

"Kung sanay ako, I shouldn't have called Kuya Roger to go here and drive for us. And I'm not that cheap to go on buses, jeepneys and tricycles." Iniwasan niya ako ng tingin bago buksan ang screen door at pumasok sa loob.

Akala ko pa naman nag-iba na siya. Bakit ba ako nalulungkot na hindi matutuloy ang pagpunta namin sa park ngayon? Ideya niya naman 'yun. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot.

"Sige! Bahala ka d'yan!" sigaw ko. Gusto ko pa sanang sumigaw ng malakas. Nakakainis siya. Pinagbihis niya ako ng ganito tapos hindi naman pala matutuloy.

Mabagal akong naglakad palapit sa screen door nang bigla iyong magbukas. Si Arvin.

Nakatayo kami sa bus, wala na kasing bakanteng upuan. Mabuti nalang at pumayag din itong maarteng kulugong mayaman slash monster na 'to. Sinulyapan ko siya pero iniwasan niya lang ako ng tingin. Pero kahit nagsisimula na naman ang pagiging demonyo niya, masaya parin ako dahil lalabas kaming magkasama.

Sana, kahit ngayong araw lang, maging mabait si Arvin.

Habang umaandar ang sasakyan, muli kong sinulyapan si Arvin. Napansin kong namumutla siya at pinapawisan. Dinama ko ng palad ang leeg niya, malamig siya.

"Arvin, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"I'm dizzy. I feel like puking."

Nasapo ko ang bibig ko. Binawi ko ang tingin ko sa kanya at sumigaw sa manong driver. "Kuya! Pakitigil po ang bus! Please! Lalabas kami ng kasama ko!"

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ