[4]

222 14 12
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Four

“Mabait na bata si Arvin noong hindi pa namin nadidiskubre ang sakit niya. Malayong malayo siya sa Arvin ngayon. Isa siyang masiglang binata dalawang taon na ang nakalilipas. Marami siyang babaeng tagahanga, at marami pa nga siyang mga kaybigang bumibisita rito. Lumaki sa layaw si Arvin, lahat ng gusto niya nakukuha niya at alam kong masaya naman siya roon.

Pero, lahat iyon nagbago. Nawalan na ng gana si Arvin na mabuhay pagkatapos niyang malaman ang sakit niya. Naging tahimik at magagalitin na siya. Akala ko nga, babalik ulit siya sa dati matapos ang unang operasyon niya, pero hindi parin pala. Nabanggit ko na sa iyo ang tungkol sa operasyon niya, hindi ba? Limang buwan pa ang hihintayin sa susunod niyang operasyon. Kung malalagpasan niya man iyon, gagaling siya… at kung hindi, ayoko pang isipin ang bagay na iyon.

Kaya kinailangan namin ng taga-alaga niya, dahil kakailanganin niya ng gamot upang malunasan ang ilang epekto ng kanser niya. Masakit para sa akin na makita si Arvin na nahihirapan lalo na sa mga panahong nasasaktan siya dulot ng kanyang sakit.”

“Nasaan po ba ang mga magulang niya?”

“Maagang namatay ang papa niya, sigurado akong sa paglipas ng taon ay ala-ala na lang para kay Arvin ang kanyang ama. Limang taon siya nang mawala si Arthur, ang ama niya, at ang kanya mama naman ang nagmana ng kanilang kumpanya sa ibang bansa. Miminsan lang umuwi ang kanyang mama sa isang taon, at kung minsan pa nga’y hindi ito umuuwi at tumatawag lang.

 Lumaki si Arvin na hindi kasama ang mga magulang niya at tanging ako lang ang kasama niya. Pero, ipinaramdam ko parin kay Arvin na mahal siya ng mama niya at palagi kong pinapaalala sa kanya na lahat naman ng ginagawa ng kanyang mama ay para rin sa kanya.

Malungkot ang buhay ni Arvin, lalo pa’t alam naman natin na mahirap na wala ang magulang sa pamilya. Pero malakas si Arvin, hindi siya umiiyak kahit na alam ko kung gaano siya kalungkot. Wala siyang nakuhang emosyonal na suporta sa kanyang mga magulang.”

Napabuga ako ng hangin nang makalabas ako ng pinto sa silid ng mga gamot ni Arvin. Dala ko uli ang steel-tray kung saan nakalagay ang isang baso ng tubig at dalawang tableta ng gamot. Lumipas na ang ilang araw ko bilang personal nurse ni Arvin, sadyang kay bilis lang ng oras. Pero nanatili paring malamig ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi nga siya marunong gumamit ng tamang salita kapag kausap niya ako. Pero ang maganda lang, iniinom niya naman ang gamot sa tamang oras.

 Naiisip ko nga kung totoo ba ang sinabi ni Manang Pitring na dati siyang mabait at masiglang tao.

Pagkatapat ko sa pintuan niya, narinig ko ang pagkabasag ng ilang bagay. Nanlaki ang mga mata ko at pinihit kaagad ang doorknob nang hindi kumakatok. Bumungad sa akin ang basag na family picture frame ni Arvin kasama ng kanyang pamilya. Bata pa siya sa lumang litrato.

“S—Sir Arvin! Ano bang nangyayari sa inyo?” Napalunok ako nang makita ang galit na galit niyang mga titig sa basag na salamin sa sahig. Nakita ko ring dumudugo ang kamao niyang nakasarado. Nanginginig siya pero wala akong nakitang luha sa mga mata niya. Pagkatapos noon ay lumakad siya palabas ng silid na hindi man lang ako pinansin.

Kumuha ako ng walis at dustpan saka nilinisan ang ilang basag na piraso ng salamin. Sa aksidenteng paghawak ko ng kapiraso para ilagay sa dustpan, nasugatan ang kamay ko. Sinubukan kong sipsipin ang dugo para mapigilan ang pagdurugo. Lumabas ako na linis na ang kanyang kuwarto. Isinara ko iyon at nagtungo sa ibaba dala ang tray ng gamot niya.

Iniisip ko na baka sigawan niya lang ako o sabihan nang masasakit na salita kung ibibigay ko sa kanya ang gamot. Pero nilakasan ko ang loob ko, kailangan na niyang inumin ang gamot ngayong umaga.

Wala si Manang Pitring ng dalawang araw dahil tumawag ang anak niya at kailangan niyang umuwi. SInabi niyang ikukuwento niya na lang sa akin ang nangyari ‘pag-uwi niya. Ngayon, ako lang at si Arvin ang nandito sa bahay.

Alam ko kung nasaan si Arvin kaya doon agad ako nagpunta. Nakita ko siya sa silid na iyon, pero hindi niya hawak ang gitara. Nakatayo lang siya at hindi gumagalaw. Sinubukan kong pihitin ang doorknob, nakapagtatakang bukas ‘yon. Pumasok na ako sa loob.

“Sir Arvin, kailangan niyo nang inumin ang gamot niyo.” Naglakad ako palapit sa kanya. Laking gulat ko nang kuhanin niya sa akin ang steel-tray at ihagis iyon sa dingding. Napapikit ako sa ingay na ginawa no’n.

Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso at marahas na isinandal sa dingding. Nakita ko ang magkasalubong niyang mga kilay na nagpapatunay lang na labis siyang galit. “Bakit ko iinumin ‘yang mga gamot na ‘yan?!”

“Nasasaktan ako! Bitiwan mo ‘ko! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?!”

“Wala kang karapatan na tanungin ako kung ano’ng nangyayari sa ‘kin! Personal nurse lang kita!” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay padabog siyang lumabas ng silid niya. Mabilis akong tumakbo para habulin siya.

Hinarangan ko siya. Alam kong mas lalo siyang nainis pero hindi ako natinag. Nilabanan ko rin siya sa titig niya. Pero sa huli, natalo rin ako. Tumango ako at binigyan siya ng daan. Napansin ko na tumutulo sa sahig ang dugo sa kamao niya.

“D—Dugo!” Naituro ko ang kamay niya. Lumapit ako at mabilis na hinawakan ang kamay niya.

Inagaw niya sa akin ang kamay niya na parang bata. “Get off me, you silly bitch!”

“Ano’ng sabi mo?” Nilagay ko ang kamay ko sa aking bewang at dinuro siya.

“I said you’re annoying!” Pagkatapos no’n muli na siyang naglakad at binuksan ang screen door.

Akala mo Amerikano kung makapag-ingles! Naiintindihan ko ‘no!

Hindi parin ako sumuko at hinabol siya. Hindi ko hahayaang makaalis siyang dumudugo ang kamay niya. Bilang personal nurse niya, duty ko na kailangang maayos ang lagay ng aking pasyente. Tumakbo ako at tinalon siya. Kumapit ako sa leeg niya. At dahil mas matangkad siya sa akin, para akong bata na nakasabit sa likod niya.

“Are—you! Ugh!” nasasakal na sabi niya.

“Hindi ako bibitaw habang hindi mo ipapangakong hahayaan mo akong gamutin ‘yang sugat sa kamay mo!” sigaw ko sa tenga niya.

 Naramdaman kong kinakalas niya ang kamay ko. “Get—off me!”

“Hindi ako bibitaw! Mangako ka!”

Alam kong sakal na sakal na siya dahil namumula na ang mukha niya. “F—Fine! Fine!”

Nanalo ako!

***

Please leave a feedback/comment and/or vote after reading! Thank you so much! :)

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt