[6]

216 14 20
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Six

Minarkahan ko ang kalendaryo na nasa dingding. Huminga ako nang malalim at ngumiti. Ikalawang linggo ko na bilang nurse kay Arvin at nalampasan ko ang ilang araw na halimaw niyang ugali. Hindi tulad ng ibang nurses na dumaan sa kanya, nagretiro kaagad at sumuko. Talagang ibahin niya ako, palaban yata ako.

Ibinaba ko ang pentel pen sa desk at lumabas na ng kuwarto.

Maaga akong nagising ngayon para bumili ng gamot ni Arvin. Medyo hindi pa pamilyar ang lugar na ito sa akin pero siguro naman hindi ako maliligaw.  Nilagay ko na sa bulsa ko ang listahan ng gamot at muling binilang ang lamang pera sa pitaka. Lumabas na ako ng kuwarto. Napansin kong nakabukas nang maliit ang pinto ni Arvin pero hindi ko nalang pinansin ‘yon. Baka naiwan niya lang na gan’on bago siya matulog.

Palapit na ako sa hagdan nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Arvin. Napalingon ako at nakita siya. Mukhang kagigising lang dahil wala paring damit pang-itaas at naka-boxer shorts lang—ang palagi niyang hitsura sa paggising. Magulo pa ang buhok at may panis pang laway sa gilid ng labi. Para talaga siyang bata.

“S—Saan ka pupunta?” tanong niya habang nakaturo sa akin. Parang nabigla siya nang makita akong nakapang-lakad ang suot na damit.

Kumunot ang noo ko. Ano na namang meron sa reaksyon nito at parang concern na aalis ako? Parang kahapon lang, tinawanan niya ako kahit wala namang kwenta ‘yung prank niya tapos ngayon parang concern siya kung saan ako pupunta.

“Aalis,” maikling sagot ko sa kanya.

“Saan nga?” Sa tono ng boses niya, para siyang nagalit. Tapos, parang may tiningnan siya sa akin. Nagtaka naman ako sa ginagawa niya. “—B-bahala ka nga! Umalis ka kung gusto mo!” Tapos sinara niya ‘yung pinto.

Sinapian ba siya? Napaka-wirdo talaga ng ugali niya. Imbis na bumati nalang sa akin ng ‘good morning’. Kung dumating nga talaga ang araw na babati siya sa akin ng gan’on at magiging mabait din na parang anghel ang ugali niya. Imposible.

Inabot din ako ng isang oras bago makauwi dala ang mga supot ng pinamiling gamot. Nadatnan ko ang sala na sobrang gulo at ang daming kalat na pagkain. May nakapasok bang hayop sa bahay na ‘to?

Inikot ko ang paningin ko at mayamaya lumabas sa kuwarto si Arvin kasama ang isang lalaki. Mukhang kaybigan niya. Siguradong sila ‘yung mga hayop na gumulo sa bahay na ‘to. Sandaling huminto si Arvin para tingnan ako bago nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Kulugo na ‘to!

Napailing nalang ako habang tinitingnan ang mga kalat. Sandaling oras lang ako nawala, ito na ang makikita ko? Ano pa kaya kung nagtagal ako? Siguradong sira na ang bahay na ‘to. Dahil nga sa daming kalat na balat ng pagkain, juice sa sahig na natapon pati mga gamit na nasa sahig, kinailangan kong iwasan iyon at nagmukha akong tanga. Parang naglalaro na bawal matapakan ang mga gamit sa sahig.

Biglang tumugtog ang speaker, sobrang lakas. Nakakabingi. Sinabayan pa ng tawa ni Arvin na mala-demonyo at kasama ng kaybigan niyang hindi man lang marunong bumati. Napapikit ako at huminga nang malalim. Julie, magtimpi ka.

At dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, naglakad ako palapit sa kanila at in-off ang speaker. Pinaningkitan ko ng mata si Arvin at tinapunan din ng tingin ang kaybigan niya. Sumusobra na sila.

“Alam niyo ba kung anong oras ako gumising para lang linisin ‘tong bahay?” Binagsak ko sa mesa ang mga gamot ni Arvin. “At ikaw!” Itinuro ko si Arvin, “—hindi ako katulong dito! Nurse mo ‘ko!” sermon ko sa kanya.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant