[8]

213 16 20
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Eight

Nag-ring na sa kabilang linya, hinintay kong sumagot si Manang Pitring.

“Hello? Arvin?”

Napatingin ako sa hawak kong telepono. Oo, kay Arvin nga ito at nasa loob ako ng kuwarto niya ngayon. Hawak ang kamay niya habang nahihimbing siya sa pagtulog.

Tinawagan ko si Manang Pitring, sinabi niya kasing dalawang araw lang siyang mawawala kaya bukas narito na siya. Gusto ko rin sanang ipaalam ang na may lagnat si Arvin.

“Ah, hindi po. Ako po ito, Manang,” sagot ko sa kanya.

“Julie?” Narinig ko ang paghinga niya, na parang sa wakas ay nakausap niya rin ako. “—Hija, kahapon ko pa sinusubukang tawagan ang numero ng telepono ni Arvin, pero sadyang mahina ang signal dito. Ipapaalam ko sana na hindi ako makakauwi bukas, ikukuwento ko nalang sa iyo ang dahilan sa ‘pag-uwi ko.”

“G-Ganun po ba? Sige po, hihintayin ko nalang po kayo.”

“Kamusta kayo riyan?” tanong ni manang.

Napatingin ako kay Arvin, sa magkahawak naming mga kamay. May lagnat si Arvin, pero kaya ko naman siyang alagaan. Mukhang may ilang bagay na pinagkakaabalahan si Manang, hindi magandang dumagdag pa kung sasabihin kong may sakit si Arvin. Siguradong mag-aalala siya.

Bumalik ang atensyon ko sa telepono. “Ayos lang po kami rito,” masigla kong sabi sa linya, hindi pinapahalata ang pag-aalala sa may sakit na si Arvin.

“Mabuti kung gan’on,” sabi ni manang. “Siya nga pala, bakit gamit mo ang telepono ni Arvin? Napakakakaiba naman na pinahawak niya sa iyo ‘yan.”

“Ah—K-kasi po, sinabi ko sa kanya na gusto ko po kayong makamusta. Pinapatanong niya rin kasi kung kailan ang uwi niyo.” Nakahinga ako ng maluwag matapos kong sabihin ‘yon. Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko.

“Talaga? Matagal-tagal ko naring hindi naririnig sa batang ‘yan ang pagkamusta sa akin.” Bakas sa tono ni Manang Pitring ang halong lungkot at saya.

Sa totoo lang, hindi naman talaga alam ni Arvin na tumawag ako. Ako lang talaga ang may gustong mangamusta kay Manang Pitring, bakit hindi ko nalang sinabi ‘yon?

“O, siya, mauuna na ako Julie. Mabuti talaga’t tumawag ka. Pakisabi narin kay Arvin na tatawag nalang ako kung kailan ako uuwi, ha? Uuwi narin siguro ako sa linggong ito. Mag-iingat kayo d’yan.”

“S-Salamat po, manang. Kayo rin po d’yan,” sabi ko naman bago naputol ang linya sa pagitan namin.

Matapos kong ibaba ang telepono, bumaling naman ang tingin ko sa natutulog na si Arvin. Bigla kong naalala ‘yung sinabi niya kanina.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now