[14.2] Public Chapter

205 15 12
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Fourteen (Part 2)

Manuod ng movies, makinig sa mga paborito naming music ng mga banda, tumugtog at mag-pillow fight—umaga hanggang gabi, pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw, ginamit namin ang oras na magkasama. Minsan, kailangan mo rin ng sandaling kasiyahan sa buhay, pagtigil ng oras para damhin ang saya na alam mong hindi panghabangbuhay..

Maayos na ang lagay ni Arvin simula nung isang araw na biglaang sumakit ang ulo niya. Nakahinga na kami nang maluwag. Pero, nanatiling tahimik si Manang Pitring. Hindi masyadong nagsasalita ‘di tulad ng dati. Nakakapagtaka nga e, pero hindi ko pa siya nakakausap masyado dahil kasama ko palagi si Arvin.

“Gusto mo bang maglakad-lakad? Magpahangin? Maganda ang panahon ngayon,” sabi ko sa nakahigang si Arvin na nasa tabi ko lang. Ilang minuto na kami sa ganitong puwesto at tahimik lang na pinagmamasdan ang mga bituin sa kisame niya. Nakahiga ako sa mga braso niya, habang ang isang kamay niya naman ay nakapatong sa noo niya—hindi na kami naiilang sa ganitong puwesto. Parang normal na sa pagiging malapit namin.

Naisip ko lang, matagal-tagal narin simula nung huli kaming lumabas ng bahay. Palagi nalang kasi kaming nasa loob, ginagawa ang mga bagay na palagi naming ginagawa, paulit-ulit, kaya naisip kong magpahangin. Paniguradong makakatulong din iyon kay Arvin.

“Okay lang?” tanong ko.

“Good idea,” sagot niya naman. Binuksan niya lang ang ilaw at tinulungan ko siyang iayos ang mga kurtina. Pinasok na ng liwanag ang kanina lang ay madilim na kwarto niya, nawala ang makikinang na glow in the dark stars sa kisame niya.

Maganda ang kulay kahel na langit, bagay na bagay para makapaglakad-lakad kami ni Arvin. Malamig ang hanging dumadampi sa balat ko. Mabuti nga’t huminto rin ang pagbuhos ng ulan kahapon, tuyo narin ang mga sahig sa labas.

Nang makalabas na kami ng bahay, preskong hangin ang nalanghap ko. Maganda sa pakiramdam, parang sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang ulit ako nakalabas at nakalanghap ng magandang simoy ng hangin.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad, habang nagkukuwentuhan sa ilang mga paborito naming bagay. Napansin ko, ngayon lang namin natanong sa isa’t isa ang mga hilig namin, bukod sa musika at paboritong mga banda.

“Paborito mong kulay?” tanong niya.

“Pink. Ikaw?” sagot ko naman.

“Blue.” Tumingin siya sa taas, nag-iisip ng isusunod niyang tanong. Ganun kasi ang napag-usapan namin, siya ang mauunang magtatanong at pagkatapos kong sagutin ibabalik ko sa kanya ang tanong. Napagmasdan ko ang mukha ni Arvin, matangos, sakto lang ang kulay ng balat niya at maganda ang kulay ng tsokolateng buhok niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya nang magsalita na siya. “Do you think there’s a reason why we both met?” Bigla na lang naging seryoso ang tanong niya.

.

Napaisip ako dahil hindi ko puwedeng sabihin iyon. “Lahat naman ng nangyayari, may dahilan.”

“At lahat ng dapat mangyari, hindi dapat pigilan. You can’t run from destiny. It will always get things in their course line.” Makahulugan ang sagot niya, tama siya.

Nakarating kami sa playground, walang masyadong mga taong naroon. Bakante ang swing kaya doon ang naisipan naming sakyan. Nagpalipas kami ng oras doon, pinagmamasdan ang langit. Itinuloy rin namin ang laro namin kaninang tanungan ng mga hilig, hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi. Malapit narin kasing lumubog ang araw.

Sa paglalakad namin, nakasalubong namin ang lalaking pamilyar sa paningin ko. Ah, hindi lang pala ako, kilala siya ni Arvin. Saka lang rumehistro sa isipan ko ang mukha niya nang pagmasdan ko siyang mabuti.

“Fred,” bati ni Arvin sa kanya. Oo, siya pala ang kaybigan ni Arvin, natatandaan ko na. Ang lalaking kasama ni Arvin noong bumili ako ng mga gamot niya at pagbalik ko gulo-gulo na ang bahay.

Hindi man lang bumati ang kaybigan ni Arvin, si Fred. May kasama siyang dalawang lalaki sa likuran niya, hindi sila pamilyar sa ‘kin, ngayon ko lang sila nakita. “Marami ka na atang nami-missed na gimmick natin,” umiling-iling pa siya na parang naiinis. “Sorry to say, but you’re no longer a part of us,” maangas na sabi ni Fred pagkatapos ay may sinabi siyang pabulong sa dalawang kasama niya na tumawa pagkatapos.

Muli siyang humarap sa ‘min, nakangisi na. “Hindi ko alam kung ano’ng pumasok diyan sa kokote mo. Simula nang mapasama ka d’yan sa ignorante at walang kwenta mong nurse, parang nalimutan mo nang may mga kaybigan ka pa!” Tinanggal niya ang pagkakabulsa ng mga kamay niya at binalingan ako ng tingin pagkatapos ay kay Arvin. “Kilala pa ba kita? Kilala ka pa ba namin?”

Nakaramdam ako ng insulto sa sinabi niya. Ignorante at walang kwenta ako? Nag-init ang tenga ko sa sinabi niya.

Naramdaman ko ang pagsisimula ng tensyon sa pagitan nila, ang matatalim na titigan nila sa isa’t isa. Hahawakan ko na sana si Arvin para hilahin nang bigla pang magsalita si Fred.

“Baka naman in love ka na…” Tiningnan ako ni Fred mula ulo hanggang paa. “Sa—“ Bago pa man siya makapagsalita, isang mabilis na suntok ang tumama sa mukha niya dahilan para tumumba siya.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Tumayo si Fred para gantihan si Arvin, nagtagumpay siya pero hindi tumumba si Arvin. Bago pa man nila masuntok muli ang isa’t isa, pumagitna na ako. Tumigil silang dalawa nang makita nila akong nakaharang.

“Tama na!” sigaw ko.

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Arvin. Lumapit ako sa kanya at pinilit siyang tumalikod. Itinulak ko siya para maglakad na, para hindi na matuloy pa ang away nila ni Fred. Kahit gusto ko pa sanang sagutin ang lalaking ‘yon, hindi ko naman kayang makita si Arvin na mabugbog. At saka kung hindi ko pa siya nilayo sa mga kaybigan niyang ‘yon, siguradong magkakaroon pa ng malaking away. Kaybigan ba talaga sila?

Tahimik kaming naglakad, walang umiimik sa ‘min. Nakita kong may dugo ang pisngi ni Arvin, siguro sumayad ‘yung matulis na singsing ni Fred sa mukha niya nang suntukin siya no’n. Biglang gumalaw ang kamay ni Arvin, dahan-dahan hanggang sa sakupin niya ang buong kamay ko.

Magkahawak ang mga kamay namin na naglakad. Walang salita, walang imik. Isa ito sa natutunan ko sa tuwing magkasama kami ni Arvin, kahit na walang magsalita sa pagitan namin at tanging katahimikan lang ang namamayani, parang mga kaluluwa lang namin ang nag-uusap. Kami lang ang may kakaibang koneksyong tulad no’n.

“Salamat,” narinig kong mahinang sabi niya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, kung para saan ang ‘salamat’ na ‘yon. Kung para saan man ‘yon, sigurado akong may dahilan siya kung bakit niya nasabi ‘yon.

Kumalas siya sa pagkakahawak sa kamay namin at may kinuha siya sa bulsa niya. Nilabas niya ang headset, inilagay ang isang earphone sa tenga niya at sa ‘kin naman ang kabila. May pinindot siya kaya may narinig akong musika. Medyo 80’s ang tugtugan, mga makalumang sayawan. Nagsimula si Arvin sa paggalaw ng kanyang ulo, nakangiti siya habang masayang pinakikinggan ang tugtog. Pagkatapos noon ay sumunod naman ang kanyang paa sa pagsayaw, mga kamay hanggang sa mapatawa na lang ako sa ginagawa niyang pagsayaw. Mabuti nalang talaga at walang tao sa daan na makakita sa kanya.

Hinila niya ang mga kamay ko na ikinagulat ko at para kaming batang nagsasayaw sa gitna ng kalsada. Wala akong magawa kundi ang sabayan ang paggalaw niya. Hinahabol naming pareha ang paghinga namin matapos ang nakakapagod na sayaw. At pareho kaming tumawa sa ginawa namin.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now