[5]

209 13 19
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Five

F—Fuck! You’re hurtin’ me, know that?”

Kanina pa siya nagsasalita d’yan ng masasamang salita pero hindi ko na lang siya pinapansin. Kinuha ko ‘yung bulak at muling pinunasan ‘yung kamay niyang may sugat. Hindi naman gaanong malaki ang sugat pero kung makasigaw akala mo abot-bituka.

“Would you slow it down? Hoy, naririnig mo ba ‘ko?”

Hindi man lang siya marunong mag-please. Kahit man lang sana tumahimik siya habang ginagamot ko ‘tong sugat niya, ayos na sa ‘kin. Nakaupo kami sa isang sulok sa kuwarto, ‘yung kuwarto kung saan siya palaging nagpupunta. Nasa gilid ko lang ang medical kit box at ginagamot ang maliit na sugat sa kamay niya. Masakit masyado sa tenga ‘yung bibig niya. Magsasalita pa sana siya kaya’t diniin ko ang paglinis ng sugat.

“Ah!” Binawi niya ‘yung kamay niya sa akin. “—Are you deaf? Sinabi ko dahan-dahanin mo ‘di ba?!” malakas na sigaw niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Para talaga siyang bata umasta. Teka, hindi maliit na bata, isang malaking kulugo na ang asta ay bata. Hindi ko na pinatulan pa ‘yung sinabi niya para matapos na. Kinuha ko na ‘yung puting tela sa box at ginupit iyon na tama lang para matakpan ang sugat nitong isip batang kulugo.

“Akin na,” sabi ko sa kanya habang nakalahad ‘yung kamay ko at hinihintay na ibigay niya sa akin ‘yung kamay niya.

Para siyang takot na limang taong gulang at tinatago ‘yung sugat. “Ayoko.”

Natawa ako sa hitsura niya. Sa hitsura naming dalawa. Para akong nurse ng mga makukulit na batang dinadala sa clinic sa sugat dahil narin sa kakulitan nila.

“Ano’ng tinatawa-tawa mo d’yan?” pagtataka niya. Halatang mas naiinis na siya. “—Crazy. May sayad ka na ata, tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

Kung alam mo lang. Hindi na ako nagsalita at muling bumalik sa pagkuha sa kamay niya.

“Akin na.”

“Ayoko.”

“Akin na sabi e!”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit na sa kanya. Sinubukan kong agawin ang kamay niya pero bigla kaming napahiga. Magkalapit na ‘yung mukha namin sa isa’t isa. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko, parang kusa iyong namula kahit hindi ko naman ginusto.

Late nang rumehistro sa isipan ko kung anong posisyon namin. Nanginginig na pilit na napangiti ako sa kanya at mabilis na umalis sa pagkakaibabaw sa kanya. Umupo rin siya at parang nagulat sa nangyari. Magtatama pa sana ang paningin namin pero parehas kaming umiwas.

Ano ba ‘to.

Mahabang sandali ng katahimikan. Para basagin ang katahimikang iyon, ako na ang nagsimulang gumawa ng paraan. “Bakit ba kasi ayaw mong ibigay ‘yang kamay mo? Akala mo naman sasaktan ka,” paninisi ko sa kanya sa nangyari. “—Kamay mo,” sabi ko ulit na hindi tumitingin sa kanya.

Nang maramdaman kong nilagay na niya ‘yung kamay niya sa kamay ko, doon na ako napatingin. Marahan ko siyang binendahan pagkatapos ay ibinalik na sa medical kit lahat ng mga gamit. Tumayo na ako para takasan ang nakakahiyang katahimikan sa pagitan.

“S—Salamat.”

Hindi ko gaanong narinig ‘yung sinabi niya kaya napalingon ako. Nakatayo na siya paglingon ko pero umiwas siya ng tingin sa akin.

“Ano’ng sabi mo?” tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, parang nahihiyang bata. “W—Wala! Crazy deaf!” Pagkatapos ay dire-diretso na siyang lumabas ng kuwarto.

Nilapag ko na sa steel-tray ang mga gamot ni Arvin. Napasulyap ako sa aking wrist watch, alas-kwatro na ng hapon. Pinasadahan ko ng tingin ang kapirasong nota na iniwan ni Manang Pitring bago siya umalis. Kailangan ko na palang bumili ng mga gamot bukas.

Lumabas na ako ng maliit na silid na ‘yon at nagtungo sa harap ng kuwarto ni Arvin. Nakataas na ang kamay ko para kumatok nang bigla akong napahinto.

Naalala ko ‘yung nangyari kanina, na aksidenteng pumaibabaw ako sa kanya. Bigla ko na namang naramdaman ‘yung pamumula ng mukha ko. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok—bumukas ang pinto nang hindi inaasahan—nang buksan ni Arvin ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko na para bang nagulat nang makita siya. Nakita ko rin ang pag-iwas niya ng tingin sa akin na para bang parehas kami ng nasa isip. Tumango ako at ipinikit ang mga mata ko.

Julie Hernada Jimenez, ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? sinubukan kong sermunan ang sarili ko.

Nang makabuwelo ako, hinarap at sinalubong ko ang mga titig niya. “Oras na ng pag-inom ng gamot, sir,” prente kong sabi sa kanya.

Kinuha niya ang dalawang tableta ng gamot sa tray. Pinagmasdan ko kung paano niya ininom ‘yon nang ganoon lang kadali at hindi ako nahihirapan. Natulala ako nang ibalik niya baso sa steel-tray.

“T—Tapos na akong uminom. Umalis ka na, p’wede?” sabi niya bago niya ako pagsarahan ng pinto.

Naisip kong siya ang nagbukas ng pinto, ‘di ba? Ibig sabihin, lalabas siya. Pero, bakit sinara niya ulit ang pinto? Ang wirdo naman ng lalaking ‘yun. At isa pa, ano naman kayang pumasok sa kokote no’n? Ni hindi man lang niya ako pinahirapang ipainom sa kanya ang gamot.

Naisipan ko nalang na maglinis ng bahay. Pagkatapos kong maglinis, dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng hapunan ng rich-kulugong-master ng mga halimaw ang ugali at akala mo hindi tao kung makaasta na ang pangalan ay Arvin! Hinihingal ako sa pagbigkas sa pangalan niya. Asungot na ‘yon.

Binuksan ko ang ref at tumingin ng maaaring iluto. Maraming stock sa chiller, puro bacon at mga karne. Napagpasyahan kong magluto na lang ng beef macaroni soup. Nakaupo ako sa mesa at hinihintay na kumulo ang pinapalambot na karne nang marinig ko ang mabibigat na yabag sa hagdan.

“Hindi pa ba luto ang hapunan?” tanong niya. Sa oras na ‘yon, mabuti nalang at hindi ako binagabag nung nangyari kanina sa amin sa music room niya.

Pinigilan ko ang sarili kong mamula.

Tinapunan ko siya ng naniningkit na mga mata. “Kung sana luto na, nakahain na sa mesa.”

Nagkamot pa siya ng ulo na akala mo nayayamot. “Hey, hindi mo ba alam na hindi mo puwedeng gutumin ang pasyente mo?” Naglakad siya at umupo sa kabilang upuan ng mesa.

“Pasensya na po, sir.” Inirapan ko siya. “—Gusto mo bang kumain ng matigas na baka? Ten minutes, maluluto po ‘yan.”

“What? Ten minutes? God, I’m so hungry. Do you want me to die of hunger?”

Sampung minuto lang, hindi niya ba kayang maghintay? Kung itikom niya nalang kaya ang bibig niya para hindi siya magutom habang naghihintay.

Bigla, parang bata niyang hiniga ang mukha sa mesa. Nanahimik siya ng ilang sandali bago ko siya sinulyapan. Hindi siya gumagalaw, hindi rin humihinga. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ano’ng nangyayari sa kanya? Dahan-dahan akong tumingin para usisain siya. Kinabahan ako nang hindi man lang siya gumagalaw o nagsasalita.

“S—Sir Arvin?” Nagsimula na akong mag-panic. Tumayo ako sa upuan at mabilis na umikot ng mesa para mapuntahan siya. “—Sir ayos lang ba kayo?” Inalog-alog ko siya. Nanlamig ako sa nangyayari.

Nakita kong biglang sumilay sa kanyang labi ang mala-demonyong ngiti at nagdilat siya ng mga mata. Tumigil ako sa pagyugyog sa kanya at umatras.

“Ayaw mo palang mamatay ako sa gutom, e? Kung ganun, bilisan mo ang pagluluto.” Tumayo siya sa upuan at bigla nalang tumawa nang malakas. Hindi lang isang beses, sinundan pa niya iyon nang maraming tawa habang nakahawak siya sa tiyan niya at naglakad pataas ng hagdan.

Napabuga nalang ako ng hininga. Ano’ng nangyari dun? Nalipasan ng gutom? Bwisit.

***

PLEASE LEAVE A COMMENT/VOTE :) Thank you guys! :)

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now