[11]

233 17 22
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Eleven

Binilugan ko ang ang huling numero ng buwan.

Isang buwan na ako bilang personal home nurse ni Arvin. Parang hindi parin totoo dahil akala ko, nung araw na umalis ako rito, game over na. Pero sa bawat game, may chances ‘di ba? At si Arvin ang nagbigay ng chance sa akin na manatili rito. Ang weird nga sa feeling e. Ang daming umalis na nurse sa kanya pero bakit ako pinigilan niya?

Pinunasan ko ang kamay ko matapos kong hugasan ang mga plato. Si Manang Pitring naman, nakaupo sa mesa habang nagkakape. Umupo narin ako sa upuan sa tapat niya. Tanghaling tapat, walang masyadong ginagawa sa mga ganitong oras.

“Hija, kumakanta ka ba?” pagsisimula ni Manang Pitring ng usapan.

Napangiti ako at sinadyang ayusin ang tono sa lalamunan. “Kung hindi niyo po natatanong, pinanlalaban ako sa public campus namin sa mga singing contest,” buong pagmamalaki kong sabi kay Manang Pitring.

“Talaga? Ang ganda kasi ng boses mo, malinis at maayos. Puwede bang parinig naman ng kanta mo?”

Medyo nahiya naman ako sa sinabi ni Manang Pitring kaya ngingiti-ngiti lang ako sa kanya. Hinawakan ko ang lalamunan ko, “Part din po kasi ng training sa nursing ang paggamit ng tamang level ng boses sa pakikipag-usap sa pasyente.” Umayos ako ng upo at nginitian si Manang Pitring. “—Sigurado po ba kayong gusto niyong marinig ang boses ko?”

Tumango siya, suot parin ang palagi niyang maamong ngiti.

“Okay.” Humawak ako sa tiyan ko at tumayo.

[Song: There You’ll Be]

When I think back

On these times

And the dreams

We left behind

I'll be glad 'cause

I was blessed to get

To have you in my life

When I look back

On these days

I'll look and see your face

You were right there for me

Napatigil ako sa pagkanta nang marinig kong may tumutugtog na gitara. Sabay kaming napatingin ni Manang Pitring sa papalapit na si Arvin, bitbit ang gitara habang tinutugtog ang kantang inaawit ko.

“Bakit ka tumigil?” tanong ni Arvin nang makalapit na siya.

“Ah—W-Wala.” Napahalukipkip ako, hindi pinahalatang kumakanta ako… bago siya dumating.

Pero alam kong narinig niya ako kaya nakatitig lang siya sa ‘kin.

Ngumiti siya sa akin, muling tinugtog ang tono ng kinakanta ko. Napatingin ako kay Manang Pitring, tumango siya na nagsasabing ituloy ko lang.

Binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Arvin, nakangiti lang siya habang naghihintay na kumanta ako. Naramdaman ko na namang nag-iinit ang pisngi ko.

Muli akong humawak sa tiyan ko at nagsimulang umawit.

In my dreams

I'll always see you soar

Above the sky

In my heart

There will always be a place

For you for all my life

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now