Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali

Start from the beginning
                                    

Pero yun nga malimit kami tinutukso sa barkada lalo na pagwala yung girlfriend nya.

At... hindi ko maikakaila sa sarili ko na mahal ko pa rin sya.

plus, tuloy pa rin ako sa pagpapanggap na may acute amnesia. ^___^

Today, I am on my way papunta sa tambayan.

Alice texted me. Bibisitahin namin yung orphanage na sinusuportahan ng parents namin. 20th Anniversary kasi nito.

Since hindi makakapunta ang parents namin, kami na lang daw yung pumunta don.

Sa wakas. Nakarating na rin.

*tok tok tok*

"Hello Ysabel, pasok." sabi ni Krissy na pinagbuksan ako ng pintuan.

"Hi." infairness ha, paganda ng paganda si Krissy. Feeling ko tuloy lumelevel ang ganda ko kay Krissy kasi parehas kami'ng ex ni Jelo. Hahaha! Kapal ko.

Pumasok na ako sa loob. Nakita ko kagad yung boys na nasa living room.

Kiel, Mark at Andrew ---> Nasa harap ng computer.

Jiyo at Yanx ---> Magkakandong sa sofa (yung pangisang tao lang) at naglalandian. Yikes! PDA, Yanx?

Rob ---> May kausap sa phone

Jelo at Geoff ---> Naglalaro ng NBA2K12

"Upo ka." offer sakin ni Krissy.

Napatingin naman sakin si Jelo at Geoff. Dun kasi umupo si Krissy sa tabi ni Geoff.

At ang inoffer nya sakin na upuan eh katabi ni Jelo kaya ipinatong ko nalang yung bag ko don.

Baka kasi tukksuhin kami ng barkada pagtumabi ako sakanya.

Pumunta ako sa kusina.

"Ysabel! Gusto mo tumulong?" sabi ni Irene.

Andito si Irene, Jasper, Alice, Minji at Mey.

"Ah. Hindi na. Wala ako'ng talent." yon na lang ang sabi ko. Tinatamad ako eh.

Umupo ako dun sa stool na malapit sa harap kabilang side ng lababo.

"Ano'ng  pineprepare nyo?" -- Ako, at kinuha ang isa'ng slice ng cucumber na nasa platito at syempre, kinain ko ito.

"Ah. Sandwiches. Actually patapos na kami. Iniintay na lang namin mabake yung last batch ng cupcakes nila Minji at Mey." -- Alice

"Ya. We'll wait for it to cool down then put icing. Then we can go na right?" -- Minji

"Ah. Sorry pala late na ako nakapunta."

"Ayos lang yun no." -- Irene habang naglilinis ng mga utensils.

"Hindi ayos. Ang lungkot ni Jelo eh. Haha. Joke lang Ysabel." -- Jasper. Basag talaga ako sa kahit sino'ng katropa ni Jelo. Sabi ko sainyo eh. Lagi ako'ng inaasar nung mga yun. Mapasino pa sakanila.

"Ngee." yung na lang yung nasabi ko.

"Pero Teh, kayo na ulit?" --- Alice at bigla'ng humarap sakin at nilagay sa isang bag yung malaking tupperware.

"Ano ba yun? Haha. Di ko nga matandaan na naging kami." -.- Ako na sinungaling.

"Pwede pa naman yon. Mahal ka pa non. Si Jelo pa. Ikaw lang ang babae na sineryoso at minahal non."

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kung ano. Hindi kasi ako pwede ngumiti at baka sabihin pa nila na wala naman talaga ako'ng amnesia.

Pero kinikilig talaga ako. Promise. Kunin nyo naman kahit konti. Di ko na kaya. Pula'ng pula na pisngi ko dito.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now