Epilogue

32.1K 487 112
                                    

Larlen's Pov

Tinignan ko ang mansion na napapaligiran ng magagandang halaman sa gilid nito. Namumutiktik sa mga magandang bulaklak ang garden. Napalingon ako kay Reese ng niligay nya yung kamay nya sa likod ko. Sabay akay sa akin papasok sa bahay nila, kung saan ako tumira sa loob ng maraming taon at iniwan ko pitong taon na ang lumipas.

"Natatakot ako Reese. Baka galit sila sa akin." sabi ko sa kanya. Bumitaw naman sya sa bewang ko sabay hawak at intertwin sa kamay naming dalawa.

"Trust me. Hindi sila kahit kailanman nagalit sa iyo." kumiti sya sa akin. Gumaan naman yung pakiramdam ko dahil sa pag-assure nya sa akin.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Kagabi habang naguusap kami sa mga nangyari sa buhay namin sa nagdaang taon binanggit nya na kailangan na raw malaman nila Tita Cindy ang tungkol sa amin. Natatakot man pero ayaw ko ng pangunahan ng takot kaya heto ako ngayon kasama sya papasok sa bahay nila.

Biglang nawala lahat ng takot ko ng maabutan ko silang lahat na nakahilera at may banner pang dala.

'Welcome back Lerlen.'

Iyon ang nakasulat sa banner nilang taban. Naiiyak ako dahil akala ko nagalit sila sa akin dahil bigla ko nalang silang iniwan ng walang pasabi. Akala ko nagalit sila dahil hindi ako marunong tumingin ng utang na loob pero heto sila sinasalubong parin ako sa kabila ng nagawa ko.

Tumakbo palapit sa akin si tita Cindy at kasunod nya si tito Kier sa likod nya.

"Miss na miss ka namin Larlen anak." yakap nya sa akin na umiiyak din. Sumunod naman na yumakap sa amin si tito Kier.

Niyakap ko silang dalawa pabalik. At umiyak sa mga bisig nila.

"Sorry po Tita Cindy Tito Kier." hingi kong paumanhin sa kanila.

Hinawakan naman ni Tita Cindy yung mukha ko.

"No. Wala kang kasalan kami ang may kasalan ng itago namin sayo ang katotohan sa mga magulang mo." umiiyak na sabi nya.

"Pero matagal na iyon matagal na namin silang napatawad. At huwag mo sanang isipin na galit kami sa iyo dahil hinding hindi kami sayo nagalit." sabi naman ni tito Kier.

Tinignan ko silang dalawa at niyakap ng  mahigpit parehas. Parehas na mahal na mahal ko sila, at nagpapasalamat ako dahil kahit may nagawa pang masama sa kanila ang mga magulang ko hindi sila nagdalawang isip na kunin ako at alagaan na parang totoong anak.

"Mahal ka namin anak." sabay nilang sabi.

"Malapit nyo na talagang syang maging anak pero not as my sibling but soon she will become your daughter in law." napatingin kaming lahat kay Reese.

Nagulat ako dahil ang sabi nya sa akin hindi namin bibiglain sila Tita Cindy.

"Reese." kinuha naman ako ni Reese mula sa mga magulang nya at akbay sa akin.

"Mom and Dad I want you to meet my girlfriend and soon to be my wife." napabaling ako sa kanya.

Naiwang nakanganga sila Sunlie pwera lang kila Tita Cindy at Tito Kier. Si Starlet ay nakangiti sa amin alam kong matagal na nyang alam ang tungkol sa amin ni Reese. Pero bakit parang may alam din sila Tita Cindy.

"Bata palang kayo may pakiramdam na kaming mangyayari ito pagdating ng panahon." tita Cindy.

"Hindi ka naman sa amin magmamakaawa na huwag syang ampunin ng tuluyan kung wala kang kakaibang naramdaman para sa kanya diba?" tanong ni Tito Kier kay Reese.

Tumingin naman sa akin si Reese at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Yes Dad. Noon pa man may sarili ng pag-iisip ang katawan ko sa lahat ng bagay about sa kanya na kahit ako noong panahon nayon ay naguguluhan."  nakatulala ako sa kanya. Kulang tumalon ako dito sa kilig.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon