SR17

25.5K 291 2
                                    

Larlen’s Pov

Gumulong gulong ako dito sa kama ko habang inaalala yung nangyari kagabi. Hindi parin ako makaget over dahil lubos talaga yung kasiyahan ko dahil sa sinabi nya.

“You love me the most?”

“Hmm?” tumango tango sya habang nagkakamot sa batok nya.

Napakagat naman ako sa labi ko. Hindi ko mapigilang mangisay sa kilig dahil sa sinabi nya. Imagine sa tagal mong umaasa na magkagusto rin sayo yung taong gusto mo, tapos malalaman mo na gusto ka rin pala nya! Heaven sa pakiramdam.

Hinawakan nya yung kamay ko na nasa hita ko sabay lagay sa pisngi nya. Tumingin sya sa akin sabay tagilid ng mga mukha nya. Pumikit na agad ako kasi alam ko na ang mangyayari susunod dito. Hahalikan nya ako. Pero bakit parang walang pang dumadamping labi sa labi ko?

Nagmulat ako ng mata at nakita kong nakanguso si Reese habang nakapikit. Natatawa ako sa itsura nya.

“Ang cute mo!” sabi ko sa kanya dahil nahuli ko syang nakanguso pero pinipigilan nyang tumawa.

Kahit parang nakakainsulto na pinaasa nya lang ako kung hahalikan nya ba ako mas nanaig parin yung saya ng makita ko syang nakanguso.

"Ikaw nalang kumiss sa akin." sabi nya.

"Bakit kailangan pang ako?" umiiling kong tanong.

"Syempre ladies dapat." sabi naman nya sabay nguso ulit.

"Ayoko nga dapat ikaw mauna kumiss kase ikaw lalaki."sabi sabay irap sa kanya.

"Ganon? Akala ko ba dapat always ladies first pero sa kiss bawal?" nagpapaawang sabi nya. Ako naman ang ngumuso sa kanya ngayon.

"Dapat magpapa hard to get pa ako eh!" sabi ko sabay palo sa braso nya.

"Wag ka ng magpa- hard to get, alam ko naman na gusto mo ng kiss ko!" sabi nya sabay ngisi.

"Wow ha? Yabang." kainis to bakit nya alam?. Tatayo na dapat ako ng bigla nya akong hinila pahiga at patong sa akin. Ngumisi muna sya sa akin bago lumapat ang mga labi nya sa lips ko. Iba talaga sa pakiramdam kapag hinahalikan ka ng taong gusto mo iba sa feeling, Nakakapanghina.


Reese's Pov

Ang sarap nya talagang halikan. Kahit wala syang alam sa paghalik halatang feel na feel nya ang mga halik ko.

Ilalayo ko na dapat ang labi ko ng bigla nyang hatakin yung batok ko papalapit ulit para maglapat yung lips namin.Napangisi ako nagpapa hard to get pa kase alam ko naman gusto nya ito.

Alam kong ilang taon ang nasayang sa kakatago at hindi ko maamin amin na pagtingin ko sa kanya.It is not that easy na aminin na mahal ko sya. Maraming kailangang isipin at isaalang alang at una na doon ang sasabihin nila Mom and Dad. Tinuring na nilang parang tunay na anak si Lj tapos malalaman nilang ginagapang ko na pala sya. Natatakot ako sa sasabihin nila, mas lalo ng ibang tao na kung ano ano ang iisipin kapag nalaman na kami na tapos nakatira pa kami sa iisang bahay. Pero ngayon wala na muna akong pakealam doon ang mas mahalaga na amin ko narin sa kanya ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya.

Naghiwalay ang mga labi namin ng makatanggap ako ng text galing kila Ryan. Isa pa tong epal na to may balak pa atang ahasin ako at agawin si Lj sa akin. Humiwalay ako ng konti sa kanya pero nakapatong parin ako sa kanya nararamdan ko parin yung bilis ng paghinga nya same as mine.

"Pinapabalik na nila tayo." tumango sya sa akin habang naka kagat sa labi nya.

"Huwag mong kagatin yan." sabi ko sabay tayo at alalay din sa kanya tumayo.

"Uuwi na raw tayo?" tumango tango ako sa kanya sabay hawak sa kamay nya.

"Hold my hand very tight." sabi ko sa kanya.

"Why?" ngumisi naman ako sa kanya.

"Tatakbo tayo at kakalimutan lahat ng nangyari na hindi maganda sa ating dalawa. Magsisimula tayo na tayong dalawa lang." tumango tango sya sa akin.

"No more Alien na?" natawa naman ako sa kanya but I still compose myself.

"Yes. No more Alien, dahil sa simula pa lang wala lang naman talaga sya." inilapit ko sya sa akin para halikan sa noo.

"Ako lang?" ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw lang Larlen Joy. I love you." niyakap naman nya ako gamit yung isa nyang kamay.

"I love you too Moonreese Miguel." napangiti ako sa kanya sabay hatak sa kanya para tumakbo.

"Ayyy! Yung mga pagkain." sabi nya habang nakatingin sa pinangalingan namin.

"May kukuha nyang dyan. Wag ka ng tumingin doon eyes on me." narinig ko syang tumawa.

"Eyes on my way." sabi nya habang natatawa.

Tumigil naman ako sa pagtakbo kaya bumunggo sya sa likod ko.

"I'm your guide in your way okay? Ako bahala sayo hindi kita papabayaan." ngumiti sya sa akin ng matamis. Sabay lapit tinignan ko naman sya ng seryoso.

"Why?" umiling iling lang sya.

"Halika ka na baka hinahanap na nila tayo." sya naman ngayon ang nauunang lumakad habang hatak hatak ako.

Akala ko pa naman hahalikan nya ako. Shit ako ata itong mahilig sa halik nya.

Larlen's Pov

Binuksan ko yung tv sa para madivert naman itong kilig ko. Pero parang walang nangyari dahil yung nangyari lang kagabi ang naalala ko. Mabuti nga at ng nagquiz kami kanina may naisagot ako at hindi 'Reese' lang ang naisulat ko.

Napatingin naman ako sa balcony ng may kumalabog galing doon. Hindi rin nagtagal pumasok na galing doon si Reese may dala syang bag.

"Bakit may bag ka?" tanong ko sa kanya.

"Pakopya ng assignment magkamukha lang naman assignment natin sa Math." umiling iling ako sa kanya.

"No, tuturuan nalang kita masama yung lagi ka nalang natututo na mangopya." ibinaba nya sa gilid ng kama ko yung bag nya.

"Whatever you say basta kasama kita." napangiti naman ako sa kanya.

Ang sarap pala nyang magmahal nakakainlove lalo. Nagsimula na kaming mag-aral para sa assignment naming dalawa. Hindi nya maiwasan na maglambing at manginis habang itunuturuan ko sya. Nagpumilit din syang dito nalang matulog sa kwarto ko, syempre pumayag ako sino ba naman ako para tumanggi.

"Para saan ang probability?" nagulat naman ako ng bigla syang nagtanong sa pinag-aralan namin.

"Huh?" napatingin naman ako sa kanya, pero iniwas ko din dahil nakatitig sya sa akin habang nakaunan sa mga braso nya nakatagilid paharap sa akin.

"Do you know that there's a probability that something I love will happen this night?" naguguluhan ako tumingin sa kanya.

"Ano yon?" inilapit naman nya yung tenga nya sa akin sabay bulong.

"Two letters, the first letter is started with letter L and the other is started with letter M."

Napaisip naman ako sa sinabi nya.

"Ano ba yon?" narinig ko naman syang tumawa.

"May Ahhh Ehhh Ihhh Ohhhh silang dalawa" namula naman ako ng maisip kung ano yung sinasabi nya.

"Tigilan mo nga ako!" sabi ko sabay talikod sa kanya. "Bumalik ka nalang sa kwarto mo." niyakap nya lang ako,

"Joke lang naman ang sexy mo kase dyan sa nighties mo."

"Ano namamanyak ka?" narinig ko naman syang tumawa pero ilang saglit lang naramdaman ko yung halik nya sa batok ko.

"Oo pero kaya ko namang magpigil. Pero kapag gusto mo why not simulan na natin ngayon." pinalo ko yung braso nya na nakayakap sa akin.

Minsan nakakatukso ding patulan kamanyakan nito.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon