SR16

28.9K 304 8
                                    

Larlen's Pov

Magkahawak kaming kamay habang papunta sa malayong bahagi ng dalampasigan, may mga waterlily nagilid ng dagat dito. Pero may mga bahayan pa naman sa gawing taas ng dalampasigan.

Mabuti nalang at hapon na ngayon. Pagkatapos ng sinabi nya kagabi, kinausap na nga nya si Victoria. Nalaman ko yon  dahil pagkagising ko kaninang umaga nakita ko syang simangot habang dala yung gamit nya. Ihahatid na sya pabalik ng Manila. Tinanong ko kaninang umaga si Reese kung nagtanong ba yung mga kabargada nya kung bakit umalis si Victoria ang sabi nya hindi naman daw.

Hindi ko mapigilang hindi ma-guilty. Kasalanan ko bang maging masaya dahil wala na sila?

"Ang layo na ng narating natin."sabi ko sa kanyang habang nakatitig sa mga kamay namin.

Gosh! Hindi ko akalain na minsan rin palang matutupad yung matagal kong ng pangarap.  Ang sarap pala sa pakiramdam.

"May pupuntahan tayo." sabi nya sabay hila sa akin dahil hindi ko alam na nahinto na pala ako sa kakatitig sa kamay namin.

"Saan naman tayo pupunta?" tinignan nya lang ako saglit bago ngumiti.

"Basta mamaya malalaman mo." nagpakaladkad nalang ako sa kanya.

Malay ko ba naman sa lugar na ito. Sa pagkakaalam ko kase madalas sila ng mga barkada nya pumunta dito sa resthouse nila Ryan kaya siguradong alam nya yung lugar na ito.

NAGLAKAD pa kami ng ilang minuto bago kami nakarating sa nakapagpalaglag ng panga ko.

"Gosh!" sabi ko sabay hawak sa bibig ko.

Tinulaktulak nya pa ako dahil hindi na ako gumagalaw ng ilang minuto sa kinakatayuan ko.

Masyado akong natulala sa ambiance. May mga christmas lights na nakapaligid sa mga puno ng buko tapos may lantern din na nakasabit sa taas. May nakalatag na kumot sa may gitna na may mga unan sa gilid at mga pagkain sa kabilang gilid.

Wala na akong masabi pa! Hindi ko akalain na yung dati kong pinapangarap naging totoo na. Mabuti nalang pala at naisipan nila na bukas nalang ng madaling araw bumyahe pauwi. Dahil baka hindi nangyari ito kung umuwi na kami kanina.

"Magsalita ka naman baka mamaya inatake ka na pala sa puso." hinampas ko naman sya sa braso.

"Epal ka! Dinarama ko pa yung pagkabigla ko dahil first time no!" ngumuso naman sya.

"Bakit yung unang ano natin hindi ka naman ganyan." namula naman ako sa kanya.

"Hindi mo lang alam  napa-ginipan ko pa kaya yon." pagamin ko. Pasaway na bibig!

Nakakahiya talaga minsan itong bibig ko walang preno.

"Talaga? Ano nangyare sa panaginip mo?" natatawa nyang tanong.

"Wala!" lumapit na ako sa may kumot sabay upo doon.

Iiwas ako sa tanong nya baka mabuking pa ako sa kahalayan ng panaginip ko.

"Ano nga kase?" hindi parin pala sya titigil.

"Wala nga kase."

"Meron eh! Ano ba kase yung panaginip mo? Ikaw ba nakapatong sa akin?" nabigla naman ako sa sinabi nya kaya naitulak ko sya.

"HINDI AH!" ngumisi naman sya sa akin.

"Sus! Kunwari ka pa!"

"OO NA NGA! MATIGIL KA LANG!" napayuko ako after kong sabihin yon! Nakakahiya!

"Talaga?" tinignan ko naman sya ng masama.

"Bingi ka ba? Kailangan pang ulitin?" tumawa naman sya ng malakas.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon