SR24

20.3K 267 1
                                    

Larlen's Pov

Naestatwa ako ng magtama ang tingin namin sa isa't isa. Hindi ko malaman pero na ngangatog ang aking katawan sa hindi malaman na dahilan. Nakatingin sa akin ang mga mata nya ng bigla akong kinalabutan dahil wala akong makitang galit doon kung hindi yung tingin nya parin sa akin ilang taon na ang nakalipas.

Posible bang mahal nya parin ako?

Gusto kong tumakbo para yakapin sya pero hindi ko alam kung paano gawin. Nanggigilid yung luha ko, hindi ko talaga maiitatanggi na miss na miss ko na talaga sya.

Nakatitig parin kami sa isa't isa ng bigla syang ngumiti. Hindi ko na mapigilan na ngumiti at lumakad papunta sa kanya ng may mauna sa akin na makalapit sa kanya.

"Sorry. Ang tagal ko ba?"

Napatingin naman ako sa babaeng nasa harap ko. Sya yung babaeng nasa gilid ko kanina ah? Tinigan ko ulit sila. May ano sa kanila ni Reese?

"It's okay let's go?" kumapit na sa braso nya yung babae.

Tumalikod sila sa akin. Tumalikod sya na parang wala lang na nandito ako sa harap nya. Sino nga ba naman ako? Yung babaeng nang iwan sa lang kanya.

Dapat naging handa na ako sa mga maaring pagbabago pero hindi parin ako handa mas lalo kung biglaan. Biglaan na makita sya. Biglaan na makitang may iba na sya.

I compose myself. Naiiyak man ngumiti ako ng mapait sa sarili ko. Hindi dapat ako magpa apekto, kung masaya sya sa buhay dapat ako din maging masaya sa kanya at ano pa nga ba dapat ituloy ko din ang agos ng buhay ko.

Pagkapasok ko sa loob ng arena dumiretso ako agad sa private comfort room ng backstage. Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko sa harap. Dapat mas galingan ko ang trabaho ngayon mas lalo at nandoon si Reese.

Ayaw kong ng magpaimpokrita pero umaasa ako na walang something sa kanilang dalawa nung babaeng kasama nya kanina. Umaasa na ako parin.

Pero kapag naiisip ko ang dahilan ng paglayo ko kanya hindi ko maiwasan na mabigo sa pag-asa na matuloy yung pinapangarap ko. Hindi ko maatim na nagawa ng mga magulang ko iyon sa kanila. Kung iisipin hindi na dapat nila ako inampon pa, sa kabila ng nagawa nila Mama at Papa sa kanila.

Naalala ko tuloy kung gaanong pagkabigo yung naramdaman ko nung nalaman ko ang totoo. Na naagrabyado nila Mama at papa sila Tita Kier. Muntik ng mapagsamantalahan ni Papa si Tita Cindy at may mga nagawang masama si Mama sa kanila. Hindi ko mapigilan na ako ang masaktan sa mga ginawa sa kanila ng mga magulang ko.

"Miss  Larlen Joy are you ready?" tumingin ako sa pinto.

Ngumiti at tumango ako sa kanya. Heto na at haharap na ako sa pangarap ko. Pati sa lalaking sa pangarap ko.

Paglabas ko palang ng stage may ilang humihiyaw na akong naririnig at malakas na hiyawan. Tinignan ko yung lalaking kasama ko ngayon sa stage at ngumiti sa kanya.

"LarYan" may narinig pa ako sa gawing kaliwa ko na sumigaw nayon.

Sa loob ng nagdaang panahon marami na talagang nagbago. At kasama ko sa mga panahon na iyon si Ryan. Lagi syang nandyan sa tabi ko kahit nagsimula na syang mag-artista, kaya kahit hindi naman ako artista katulad nya nasama ako sa kasikatan nya dahil gumawa na yung mga fans nya ng fanclub ng love team daw namin kuno.

"Good evening Binibini. You're so extraordinary beautiful tonight." sabi nya na nagpahiyaw sa mga fans dito sa Arena.

"Thank you. Ryan."

Nahihiya man ako sa mga hiyawan dahil sa sinabi nya. Nagproceed na ako sa pagho-host nitong pageant. Habang nagseseryoso ako sa pagsasalita sa harap hindi ko alam kung bakit tumataas yung balahibo ko at hindi ako mapakali. Yung tipong alam mo na may nakatitig sayo pero hindi mo malaman kung nasaan.

"Okay ka lang?" narinig kong bulong sa akin ni Ryan sa gilid ko.

"I'm fine don't worry." tumayo na ako ng tuwid para tawagin ang susunod na kandidata ng may biglang matamaan ang mata ko na nakatitig sa akin.

Napakurap pa ako ng ilang beses bago sya tignan ng mataman. Katapat ko sya sa malayong distansya nakalagay yung kamay nya sa chin at nakatitig sya ng malalim sa akin. Gosh! Hindi naman ako iyong lumalaban pero bakit ganito itong puso ko. Mas kinakabahan pa ata ako sa mga lumalaban.


SA WAKAS natapos din ang kalbaryo ko sa loob ng Arena. Mas kinakabahan pa ata ako sa mga pumasok sa top 3 kanina at sa question and answer portion nila.

Napahawak ako dito sa poste sa gilid ng parking lot. Mabuti nalang at pinasunod ko itong sasakyan ko dahil ayoko ng sumakay sa limo na provided para sa mga officials and host ng pageant. Paniguradong sa after party ang punta ng mga iba,hindi ko na ata kayang pumunta sa party dahil simula pa kanina nagkasakit na ata ako sa puso ng makita ko sya. Hindi na naalis yung bilis ng tibok ng puso ko, ikaw ba naman yung hindi alisan ng titig ng mahal mo hindi kaya maging abnormal talaga pag-palpitate ng puso mo.

Ng maalala ko yung paraan na naman ng pagtitig nya sa akin. Para na naman akong high school na kinikilig dito. Napapatalon talon pa ako sa kilig at suntok sa hangin. Kung may makakita man sa akin dito na pa-parazzi baka may kumalat na bukas ng kabaliwan ko dito sa parking lot. Napatalon ulit ako ng biglang na shoot yung takong ko sa lubak dito malapit na sana akong mabuwal ng biglang may yumakap ng mahigpit sa bewang ko.

"Careful" he whispered and then kiss my left ear.

Napapihit ako ng tingin sa kanya. Gosh! Akala ko wala ng aabnormal pa sa puso ko pero meron pa pala.

Nakakapit sya sa mga bewang ko, nasa likod ko sya at ako naman ay nakasandal sa likod nya.

"It's been a long years Lj. No more running and never scape in my arms again. We only need to do is just loving." he whispered again between our lips before he kissed me in my lips with an ultimate passion. May lasang alak yung mga labi nya pero masarap parin hihi.

He hungrily kissed me and do I. Hindi ko na muna iisipin ang mga agam agam ko sa buhay lulubusin ko muna yung moment na ito.

Pumihit na ako talaga paharap sa kanya sabay lagay ng mga kamay ko leeg nya at hatak sa batok nya para laliman ang halikan namin.

Ganito talaga siguro kapag matagal kang nangulila ayaw mo na syang pakawalan pa. Lumalim pa lalo ang halikan namin at hindi ko na namalayan na nasa sasakyan na pala kami.

Humiwalay muna ako sa kanya para tignan kung nasaang sasakyan kami. Hindi ko kotse ito pero siguro sa kanya naman ito at mas nakakahiya kapag may nakahuli sa spg session namin dito kung hindi naman pala sa kanya ito.

Hinalikan nya muna ako sa leeg sabay kagat dito at hila ng kaunti. Natawa pa sya ng makita yung marka ng gawa nya.

"Umalis na tayo dito." sabi nya sabay ayos at paandar ng sasakyan nya.

"Pero yung kotse ko, hindi ka ba galit sa akin? hindi ka ba magtatanong kung bakit ako umalis? Tapos bakit ganyan ka parang wa-" napahinto ako ng ilagay nya yung index finger nya sa labi ko.

"No more worries just savor the moment my love." sabi nya sabay kuha sa kamay ko at halik dito.

Gosh! Namumula na naman ako panigurado sa kilig nito.

"Okay" sabi ko sabay kagat sa labi ko at tingin sa labas ng bintana.


Jusko Lord pigilan nyo po ako at baka tumalon ako dito sa kotse sa sobrang kakiligan.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon