SR7

38.5K 355 1
                                    

Larlen

Nilagay ko na ang lahat na pwedeng ilagay para hindi mahalata yung tatlong kissmark na ginawa ni Reese. Mabuti nalang at nakalugay yung buhok ko kaya kahit paano may pang tabing ako sa shoulder blade ko.

"Guys ready na ba kayo?" tanong ni Starlet. Ang ganda talaga ni Starlet silang tatlo actually, hindi man magkamukha si Reese at Sunlie may hawig parin silang tatlo kay Tito Kier.

Biglang nag-init yung pisngi ko ng lumabas si Reese sa kotse. Ang gwapo talaga nitong hogeng na ito. Nagbaba ako ng tingin dahil nararamdaman kong nakatingin sya sa akin.

"Ang ganda mo Larlen." napaangat ako ng tingin kay Sunlie na nasa tabi ko.

"Thank you. Ikaw rin ang gwapo mo." tumawa naman sya ng mahina.

Napatingin kaming lahat kay Reese ng malakas nyang sinara yung pinto ng kotse. Binuksan nya yung bintana saka nilabas yung ulo nya.

"What are you waiting for guys? Tatayo lang ba kayo dyan?" naiinis nyang sabi.

Narinig kong mahinang tumawa si Starlet. Saka tumingin sa akin.

"Sungit ni Reese no? Kuyang kuya ang ugali haha." natawa rin ako sa kanya. Sinabi mo pa napaka bossing ng hogeng nayan! Manyak pa AF.

PAGKADATING namin sa school naghiwalay hiwalay na kami. Nagpunta si Starlet sa mga kaibigan nya kila Adele at Timothy. Sila Reese at Sunlie naman nagpunta sa mga ka teammate nila. At ako syempre hahanapin yung kuripot kong bestfriend.

"Hoy!" hiyaw ko sa kanya sabay kaway.

"Ang ganda mo talaga bes." sabi nya sabay paikot ng daliri nya sa nakakulot kong buhok.

"Nambola ka pa! Ikaw rin ang ganda mo." humagikgik kaming dalawa.

Nag-start na yung program. Sayaw dito sayaw doon ang mga ginagawa ng karamihan sa students samantala kaming dalawa ni Ria ay nakaupo lang sa bangko. As usual magbubutas ng banko. Ewan ko ba kung pangit or kung ano kami dahil walang nang-aaya sa amin na sumayaw. Maliban nalang kay Sunlie na lagi akong sinasayaw kapag malapit ng matapos yung party.

Pero hanggang nagyon hindi nya pa ako naisasayaw kaya heto ako. Nga nga!

"Bes umuwi nalang kaya tayo?" narinig kong tanong ni Ria habang nakalagay sa tiyan yung kamay nya.

Kumain lang kami ng kumain na dalawa kanina simula ng magumpisa ang sweet dance. Hanggang sa magbutas na kami ng banko ngayon.

"Pero wala naman tayong sasakyan. Sasabay lang ako kila Starlet pauwi eh." Tumingin tingin ako sa nagsasayaw. Nakita ko si Starlet na nakikipag sayaw sa sikat na basketball player sa school namin. Popular talaga sa school namin, pero napakahigpit sa kanya nila Tito Kier. Buti nga at hinayaan siyang magsayaw eh.

"9:30 pm pa lang naman marami rami pa siguro na nagdadaan nyang sa labas." nagdadalawang isip ako kung maglalakad ba kaming dalawa. Nakatakong kaya ako no! Palibhasa naka flat shoes lang sya.

Habang papalapit kami sa gate biglang sumulpot si Wendel the geek sa gilid namin.

"Uuwi na ba kayo girls?" mabait naman si Wendel pero sobrang mahiyain kaya hindi palasama sa tao.

"Yes! Wendel the geek." sagot ni Ria sabay bungisngis. Napayuko naman tuloy si Wendel dahil sa sinabi ni Ria. Pinalo ko naman si Ria sa braso.

"Yung bibig mo!"

"Okay lang. Uuwi na ba kayo?" tanong ni Wendel.

"Yes why?" ako

"Kung gusto nyo sumabay na kayo sa akin." nagkatinginan kaming dalawa ni Ria.

"For real?" bigla naman namula si Wendel.

"Kanina ko pa kase gustong umuwi. Naghahanap lang ako ng kasama dahil wala naman akong ginagawa sa loob."

"Bakit umattend ka pa?" mahaderang tanong ni Ria.

"Kung makapagsalita ka akala mong may ginawa karin sa loob eh nagbutas ka lang naman ng banko." natawa naman ako dahil sa hirit ni Wendel.

"Burn!" biglang natahimik si Ria dahil sa sinabi ni Wendel.

Nagpunta na kami sa parking lot. At sasakay na dapat ako sa fortuner ni Wendel ng may humiklat sa braso ko.

"LJ." nanlalaki ang mata ko ng nakita ko si Reese.

"Ako na ang bahala kay Lj." naguguluhan naman tumingin sa akin si Ria at Wendel. Umiling at ngumiti lang ako sa kanila.

Mabilis akong kinaladkad ni Reese paalis ng parking lot.

"Hoy saan ba tayo pupunta?" sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Bakit ka ba sasama sa lalaki na yon? Kilala mo ba yon ha?" sigaw nya sa mukha ko.

"Laway mo naman tumatalsik."biro ko sa kanya pero mas nainis pa sya lalo sa akin.

Napansin ko nalang na nasa labas na pala kami ng school at malapit na kami sa gate ng subdivision. Akala ko pa naman sasakay kami ng kotse non pala papalakarin nya lang ako. Edi sana nakisabay nalang ako kay Wendel! Iwas pawis pa!

"Hoy napapagod na ako! Ayy" napatili ako ng biglang na shoot yung takong ko sa may bakal ng kanal. Bumitaw naman sa akin si Reese.

Inangat ko yung paa ko para matanggal na yung takong sa bakal. After kong matanggal yon bigla nya akong binuhat na pa bridal style.

"Ang clumsy mo no?"

Napatili ulit ako hindi dahil nasulot na naman yung takong kundi dahil biglang diniinan nya yung hawak sa legs ko.

"Ano ba!"

"Nangigil na ako sayo! I'm so excited  to resume our sexy time." winked.

[A/n Pasensya na kapag lame yung mga updates. Busy kasi isinisingit ko lang yung pagupdate.

Keep Supporting my stories guys xoxo]

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon