SR19

23.4K 260 0
                                    

Larlen's Pov

Nakaupo ako dito sa couch malapit sa balcony naghihintay sa pagdating nya. So far naging maganda naman yung kinalabasan ng pagemcee ko sa event kanina. Hindi din umalis si Reese doon hanggat hindi pa tapos yung contest. Kaya kapag nakakaramdam ako ng pangangatog sa kaba tumitingin lang ako sa kanya pinapalakas nya ulit ako.

Napalabas naman ako sa balcony ng marinig kong may naghagis doon ng gamit. Pagkatingin ko sa gamit na nasa lapag ay bigla akong natawa.

Paano isang sports bag yung nandoon at yung nagmamay-ari naman ay tinatawid yung pagitan ng kwarto namin.

"Talagang tinototoo mo ha?" sabi ko sa kanya habang dinadampot yung bag nya.

"Bakit ang bigat?" binaba ko ulit yung bag ng hindi ko iyon mabuhat. Ngumisi naman sya sa akin.

Pinagpag nya yung kamay at yung shorts nya sabay kuha nya sa sports bag na dala nya.

Lumapit naman ako sa kanya habang naglalakad sya papalapit sa higaan ko.

"Ano ba mga laman nito?" turo ko sa bag na dala nya.

Ibinaba naman nya yung bag sa kama ko kaya sinamantala ko iyon para tignan yung lama non dahil ayaw nyang magsalita.

Nanlaki naman yung mga mata ko sa laman ng bag nya. Isang damakmak na mga damit na gulo gulo ang laman ng bag nya.

"Hindi mo manlang inayos yung gamit mo."

Binulos ko yung gamit nya sa kama ko para itupi ng maayos yung damit ng may biglang nahulog ng hindi ko inaakala. Bakit may dala syang ganito?

"Para saan to?" sabi ko sabay kuha sa anim na kahon na kulay blue.

"Pang aksyon" kumunot naman yung noo ko sa kanya.

Sinundan ko sya ng tingin habang umuupo sya sa couch sabay lagay ng kamay nya sa baba nya.

"Anong aksyon?"

"Aksyon sa kama." sabi nya sabay ngisi sa akin.

Kinuha ko agad yung anim na kahon para ihagis sa kanya. Walanghiyang hogeng na to! Hindi ata ako pagpapahingahin sa dami ng gagamitin nya sa aksyon! Wait! WTF Larlen!

"Bumalik kana sa kwarto mo Manyak!" dadamputin ko na sana yung damit nya para ihagis din sa kanya ng bigla syang tumakbo sabay talon at dagan sa akin.

"Uy ANO BA! ANG BIGAT MO"

Pumalagpalag pa ako sa ilalim nya, pero kinuha nya yung dalawa kong kamay sabay ipit nito sa kama. Ang aggresive nya ata ngayon?

"Wanna try some BDSM in our action tonight?" bigla naman akong namula dahil sa sinabi nya.

BDSM? ACTION? Gosh!

"Tigilan mo ako Reese! Maririnig tayo nila Tita Cindy mahiya ka nga!" umiwas naman ako pagkasabi ko sa kanya non.

Nakakahiya kapag may makarinig sa amin. Baka kung ano pa ang isipin nila.

"Okay huwag tayo dito sa bahay. Doon tayo sa labas." pagkasabi nya non, tumayo na sya kasama ako nakayakap yung mga paa ko sa bewang nya.

"AYYY" Yakap yakap nya ako kaya magkadikit kami ng todo.

"Shh! Marinig tayo ni Mommy."

"Paano ikaw binibigla mo ako." sabi ko sabay palo sa kanya.

"Sumunod ka sa akin. Pagkalabas ko itetext kita kung saan tayo magkikita." tumango ako sa kanya.

Lumakad na sya papunta sa pinto ng kwarto ko pero bigla rin syang tumakbo palapit sa akin.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon