SR6

41.4K 389 3
                                    


Larlen

Dumaan ang sabado at linggo. Sa loob ng lumipas na dalawang araw na iyon. Nag-iba ata ang ihip ng mundo ni Reese. Lagi syang nasa kwarto ko para magpaturo.

Mind you ang bait nya habang tinuturuan ko sya, tahimik sya habang nagdi-discuss ako pero hindi parin mawawala ang pagkapilyo nya. Minsan naglilikot yung kamay nya sa hita ko minsan sa braso. Hindi ko nalang pinansin, nagustuhan ko rin naman. WHAT? Joke lang di ko talaga nagustuhan.

Last day na ng examination ngayon. Hindi kami natuloy ni Ria na bumili isusuot namin sa acquaintance because of Reese, he always demanded that we should study first later nalang raw yung pagbili ng damit. Palibhasa aasa lang naman sya sa ibibigay ni Tita Cindy na pambili.

"Larlen hanap na tayo ng dress na isusuot natin sa party ngayon." inayos ko na yung gamit ko.

Katatapos lang ng last exam namin. Kaya ngayon namin napag-isipan na bumili ng isusuot sa party. Kinuha ko yung wallet ko sa bag habang papalabas kami ng school. Mukhang di aabot yung pera ko.

"Hindi na siguro ako bibili ng sandals kukulangin na yung ipon ko." tumango tango sya sa akin.

Di bale na manghihiram nalang ako ng sandals kay Starlet mahilig kasing bumili ng mga bagong gamit iyon eh. Nagpunta na kami sa tiangge malapit sa school. Ang daming damit rito at ang mumura pa!

"Tignan mo to Larlen siguradong bagay sayo." itinaaas naman yung dress sa harap sabay tapat sa akin.

"Oo nga ang ganda hindi halatang sa tiangge na bili."

Nagbayad naman ako. Binili ko yung damit na tinuro ni Ria sa akin, kaya ngayon yung kanya naman ang hinanap namin. Ilang tingin lang sa mga tindahan nakapili narin syang isusuot  nya sa party.

"Hindi narin ako bibili ng sandals. Hihiram nalang siguro kay ate." napangiti naman ako sa kanya.

"Gaya gaya ka talaga." tinulaktulak naman nya ako.

"Syempre para parehas tayo." I giggled.

Nag miyerda lang kaming dalawa sa gilid kung saan may nagtitinda ng fishball, kwek kwek at iba pa. Pagkatapos namin kumain napagdesisyunan namin na umuwi na.

Naglalakad ako papasok ng gate ng subdivision namin ng may humintong kotse sa gilid ko.

"Hindi mo man lang sinabi na hindi ka sasabay Lj." nahimigan ko ang galit sa tono ng salita nya. Pero kinilig ako sa Lj nya.

"Isang linggo narin naman na hindi tayo sabay umuuwi ah?" inirapan nya lang ako sabay labas ng kotse at tulak sa akin pasakay doon.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sasama ka sa akin bumili ng damit ko sa party." sumimangot naman ako sa kanya.

"Bakit kailangan pa akong kasama?" umirap ulit sya sa akin.

"Syempre ikaw ang tagabit bit ko ng bibilhin ko."

Oo nga naman gagawin mo na naman akong CHAPERON MO!

"Baka naman isinama mo na naman yung girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.

Last time kasi na nagpasama sya sa akin sa mall. Buntot lang nila ako nung jowa nya para mamili ng gift nya para sa chuchusary nila.

"Don't worry she's sitting beside me." nanlaki naman mata ko sa sinabi nya.

"Ano?" he smirked.

"Wala talo bingi!"

"Narinig ko kaya! Pinapalinaw ko lang sayo." I know na mumula na ako.

"I'm just kidding you know." sinimangutan ko naman sya. Hogeng talaga!

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon