SR9

34.6K 319 10
                                    


Larlen's Pov

I heard a knocking at my door. It was 8 am in the morning kagigising ko lang nagpuyat kase ako kaka nood ng kdrama. Kdrama is life! Hindi tuloy ako nakapag simba, pero di bale mamayang hapon nalang siguro.

Bumangon na ako habang kinukusot ko yung mata ko baka mamaya may muta pa pala ako. Pagbukas ko palang ng pinto bumungad na sa akin ang humalimuyak na si Reese. Bihis na bihis sya.

"Bakit"

"Ano kailangan mo?"

Pagkatapos ng nangyare sa amin parang wala lang sa kanya. Balik sa normal ang buhay. Sabagay sa kanya walang nawala sa akin lang. Pagkatapos kumain ng umagahan kahapon nagkulong lang ako sa kwarto kaya ngayon ko lang ulit nasilayan ang mukha ng hogeng nato.

"Samahan mo ko sa mall." tinaasan ko naman sya ng kilay.

"At bakit naman po?" naiirita syang tumingin sa akin.

"Don't ask me questions basta samahan mo ko. Maligo ka na within 15 minutes. Bilisan mo!" tinalikuran na nya ako after nyang sabihin yon.

Abnormal talaga yung Hogeng na iyon! Maka-utos wagas!

Naligo na ako within 15 minutestlad ng sabi ng hari. Nagsuot lang ako ng white shirt, pants at sneakers. Habang pababa sa hagdan tinignan ko naman sya na nakatulala.

"Hoy Tara na! Ng makauwi tayo ng maaga." napatitig naman sya sa akin bago tumayo.

Hinatak nya ako sa braso sabay kaladkad sa akin papunta sa sasakyan.

"Bakit ba madaling madali ka?" nagseatbelt na ako baka mamaya lumipad kaming dalawa sa bilis nyang magmaneho baka maging si Wonder Woman ako ng di oras.

"Mate date ako mamayang tanghali." he whispered.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. May date sya? Pero bakit ako yung kasama nya ngayon? Don't tell me isasama nya ako sa date nila. Madudurog ang damdamin ko kapag nangyare yon.

Hindi na ako umimik. Tahimik lang ako buong byahe namin papunta sa mall. Pagpasok namin sa mall dumiretso agad kami sa isang mamahalin na store.

"I don't know what should I give for her. It's our first date." bulong nya sa akin.

Edi dapat sya ang sinama mo hindi ako! Hindi naman ako ganito katanga para hindi malaman na ako papipiliin nya ng gift para sa babae nya.

"Dapat sya nalang sinama mo." tinignan nya ako ng masama.

"I want to suprise her. Sige na tulungan mo na ako pumili ng ireregalo ko sa kanya."

"Dapat kay Starlet ka nalang nagpasama mas may alam iyon kesa sa akin." nasasaktan ako.

Tumingin tingin ako sa mga items dito sa Gucci pinili ko yung mamahaling bag worth 15k. Tignan natin kung bilhin nya considering hindi pa sila at first date palang nila.

"Here I think magugustuhan nya ito." inabot ko na sa kanya yung bag.

"You think so? I hope she will like this." pumunta na sya sa may cashier para mabayad.

So handa syang magwaldasng malaki para sa babae na yon?

Tumalikod ako habang nagbabayad sya. Hindi ko kayang makita na masayang masaya sya habang nagbabayad para sa regalo nya sa first date nila ng probably soon to be girlfriend nya.

Pabalik na kami sa bahay. Nilibre nya lang ako ng mcfloat tapos hinatid na nya ako sa mansyon. Wow! Hindi manlang sya umoder kahit hamburger talagang float. Kapag sa akin napaka kuripot nya! Sabagay sino ba naman ako.

Akala ko may progress na sa amin dahil these past few days feeling ko kahit paanomay nararamdaman na sya sa akin but I was wrong feeling ko lang lahat pala iyon. Sana pati yung nangyare sa amin feeling ko nalang din. Ang sakit kasing makita na isang araw palang ang nakakaraan ng may nangyare sa amin may kikitain na agad syang iba.

Dumapa ako sa higaan ko para takpan yung mukha ko ng unan. I can still smell hi scent in my pillows.

"Uy!" napaangat yung ulo ko ng may nagsalita.

Nakita ko si Reese naka tayo malapit sa higaan ko. Hindi na kagulat gulat na bigla nalang syang sumusulpot sa kwarto ko.

"Thank you so much Lj. Nagustuhan nya yung gift ko sa kanya." nakangiting sinasabi nya.

Tumayo naman ako sa gilid ng higaan katapat nya.

"Kailan mo pa sya na kilala?"

"Nung party sya first dance ko hanggang sa nakita."

"Bakit sinundan mo pa ako nung gabi na yon?" nahinto sya saglit.

"Magagalit si Dad kapag nalaman nya na iba ang naghatid sa iyo pa-uwi." napasinghap naman ako dahil sa sinabi nya.

"I can explain myself, pero bakit ?" naguguluhan naman syang tumingin sa mata ko.

Nakikita kong naguguluhan sya. Pero mas naguguluha ang isip at puso ko.

"That night why?" yumuko sya.

"Sorry! About that night." nanggilid naman yung luha ko.

"Nagpadalosdalos ako." umiyak na ako sa harap nya.

"What about those kisses?"

"I'm sorry Lj." sorry lang ang naririnig kong sinasabi nya.

"Umalis ka na Reese." tinignan nya ako.

"I'm really sorry Lj. Kalimutan nalang natin iyon" sabi nya bago sya lumabas at pumunta sa kwarto nya.

Bakit lagi nalang sorry?

Talaga bang pinagsisihan nya lahat ng iyon?

Kalimutan? Hindi naman ganoon kadali iyon! Kung pwede lang bumili ng amnesia matagal na sana akong bumuli non Reese. Para pati nararamdaman ko para sayo makalimutan ko narin.

A/N
Lame update sinigit ko lang sya today sa pag-gawa ko ng report. Sorry natagal yung update super busy talag ako pero try ko talagang mag-update swear. Kapit lang kayo guys!

Thank you!!

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon