SR3

46.8K 436 4
                                    


Larlen

Tulala akong bumababa galing sa kwarto ko after ng nangyari sa may study room. Ayoko man makaharap si Reese pero kailangan dahil malalaman na hindi ako kumain ng hapunan kapag hindi ako bumaba. Hindi parin ako maka get over sa ginawa ni Reese. Dinilaan at hinalikan nya yung pisngi omo!

"Larlen are you okay?." narinig kong tanong ni Sunlie.

Nagulat ako sa tanong nya. Kanina pa pala ako tulala hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala parin ako sa sarili after ng nangyari.

Tumingin ako kay Reese na masama ang tingin kay Sunlie. Hindi rin naman nagtagal sakin nya na binaling yung tingin nya pero kung kanina galit sya ngayon naman nangaasar yung itsura nya. Nangaasara ka pang hinayupak na manyakis ka!

"I'm okay Sunlie." sabi ko sabay upo sa harap nilang dalawa bali magkatabi sila sa kabilang side.

"Nasan si N.a?."

"Sinundo nung mommy nya may pupuntahan ata?." tumango ako kay Sunlie.

Kanina pa ako di mapakali dahil may nararamdaman akong paa na humihimas sa binti ko. Tinitignan ko nman si Reese tahimik lang syang kumakain. Hmp! pa Demure pa to.

"Hmm? Sunlie pwedeng magtanong?." Tinignan nya ako bago sumagot.

"Yes ano yun?."

"Kayo na ba ni N.a?."

Nagulat ako ng sabay silang nasamid ni Reese. Mabalis namang nakabawi si Reese sabay tapak sa may paa ko.

"Ouch !." bigla akong napatayo sa upuan ko dahil sa ginawa nya.

"Why Larlen?." nakita kong lalapitan na sana ako ni Sunlie ng mabilis ako hinatak ni Reese.

"The phone is ringing ikaw na sumagot Sunlie." narinig ko pang sabi ni Reese bago ako hatakin papasok sa kwarto nya.

Mabilis akong kumalas sa hawak nya.

"ANO BA REESE?." sigaw ko sa kanya.

"BAKIT BA LAHAT NALANG GUSTO MO MALAMAN KAY SUNLIE?." nabigla ako sa pagsigaw nya.

Ano ba pinaglalaban nito?.

"WHAT?"

Ginulo nya yung buhok nya saka pumunta sa harap ng closet nya.

"Tell me Reese are you jealous?." miski ako nabigla sa sinabi kaya hindi na ako magtataka kung malaglag ni Reese yung hawak nya.

Silence. Lumipas ang ilang minuto nanatili parin sya sa harap ng closet nya.

Tumalikod ako dahil di ko alam kung ano gagawin ko. Nagulat ako ng hawakan nya yung braso ko sabay hatak sa akin papalabas ng bahay nila.

"Saan ba tayo pupunta Reese gabi na oh?. "

Hindi nya ako pinakinggan sa halip hinatak nya pa ako lalo sabay tulak sa akin para sumakay sa sasakyan nya.

"Just shut up Larlen okay?" sinunod ko lang sya.

Habang bumabyahe tahimik lang kaming dalawa. Walang gustong magsalita parang nakakamatay kapag nagsalita ka. And to my suprise sa NBS kami pumunta.

"Ano ginagawa natin dito.?"

Tinitigan nya ako ng parang hindi makapaniwala.

"Bibili tayo ng cake baka may tinda sila."

"Pilosopo! Bakit nga tayo nandito?." kinukulit ko na sya habang sinusundan sya sa paghahanap ng libro.

"Oh! Gotcha." I see him smirked.

I laughed. Ang gwapo nya shettt!

"Don't tell me Mag-aaral kana ngayon?."

"Yes! At ikaw tuturuan mo ako ng kahit minsan mahigitan ko manlang si Sunlie sayo."

I see anger in his eyes....

What happen to him? Nakikipag kumpitensya ba sya sa kambal nya?

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon