SR13

30.4K 318 3
                                    

Larlen's Pov

Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilan na hindi mamula kapag naalala ko yung sinabi at ginawa nya sa akin.

"Magkaiba kayo. Your body is mine ako lang dapat ang pwede tumingin at humawak dyan wala ng iba pa."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hinakawan nya ako sa braso ko para bumaba at mapailalim sa hampas ng alon ng dagat. Bigla nya akong hinalikan sa labi ng madiin yung tipong wala akong malalasahan na alat ng tubig ng dagat dahil tanging tamis lang ng halik na ang nalalasahan ko.

"Hoy! Sasama ka ba?" napatingin naman ako kay Starlet na nasa harap ng pinto ng kwarto ko.

"Oo wait lang." kinuha ko na yung sling bag ko na nasa loob ng backpack ko. Panyo, polbo, suklay, at wallet lang naman ang laman nito.

Pagkalabas ko ng pinto naabutan kong nakasimangot si Starlet sa akin.

"Wala manlang kulay yang Labi mo?" sumimangot naman ako.

"Meron kaya!" inirapan naman nya ako.

"Halika nga rito lagyan natin ng kisap yang labi mo. Hindi yung si Reese lang lagi ang gusto mong maglagay ng kisap dyan." nanlaki naman mga mata ko sa kanya.  Hinila naman nya ako habang nilalagyan ng lipstick yung labi ko

Ngumisi sya sa akin. Kinakabahan ako baka mamaya alam na nya lahat ng nangyayari sa amin ni Reese. Bakit marami ba Larlen?

"Don't worry hindi ko sasabihin kila Dad kung ano man ang score sa inyong dalawa." sabi nya sabay labas ng lipstick sa bag nya.

"Paanong?"

"Nakita ko kayo kanina. Saka matagal ko ng napapansin na parang may nag-iba sa inyong dalawa." tumawa naman sya. "Remember noong tinanong ko kayo after acquaintance? Ang blooming mo after that day, kaya I pressumed may nangyari." Bigla akong nanghina sa sinabi nya.

"Nangyari?" nangangatog na mga tuhod ko.

"Oo like nanliligaw sya sayo?" tumango tango naman ako sa kanya.

"Bakit may iba pa bang nangyari?" mabilis naman akong umiling sa kanya.

"Wala! Abay Wala. Halika na nga baka iwan na nila tayo." hinila ko na syang tumatawa tawa pa.

Pagkababa namin naabutan namin silang mga nakahanda na. Hindi nagtagal sumakay narin kami sa van. Umupo ako malapit sa bintana nasa likod ko sila Reese at Alien. Wala pa akong katabi dito dahil sa harap sumakay si Starlet. Hinanap ko naman kung nadala ko ba yung earphones ko ayaw kong marinig yung boses ni Alien nakakarindi.

"Tabi tayo ah?" napatingin naman ako kay Ryan na tumabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang saka sa inyong Van naman ito." tumawa naman sya sa akin.

"Sasakay ka ba sa rides mamaya?" tumango tango ako sa kanya.

Nabaling naman yung atensyon nya kay Sunlie na nasa kabilang gilid nya.

Tumingin ako sa bintana malapit ng mag-gabi. Eto raw yung magandang oras para magpunta sa Perya sa bayan. Mas lalo at may contest na gaganapin. Narinig ko nga kanina na after namin pumunta sa Perya nagaaya sila na manuod ng beauty contest nitong lugar. Siguradong maghahanap lang naman sila ng maganda.

Yuyuko na dapat ako ng mapansin kong may nakatingin sa akin. Pagangat ng mata ko nakita ko si Reese na nakatingin sa akin sa may salamin ng bintana. Diba kapag tumingin ka sa bintana nakikita mo yung sarili mo kapag nakasara iyon.

Hindi ko maalis yung tingin ko, sya pala yung katapat ko akala ko si Alien yung nasa may tabi nya bintana. Tulad ko favorite place nya rin sa sasakyan ay nasa tabi ng bintana kaya nga madalas kaming mag-away sa pwesto noon. Bigla naman ako napaiwas ng tingin ng hinarap ni Alien yung mukha ni Reese sa kanya. Baka mamaya kung ano pa gawin nila.

Secret Roommate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon