Chapter 42: Paano?

Magsimula sa umpisa
                                    

*CLICK*

Nagulat kami sa cam… Haha, nasa photo chever pa nga pala kami. Nawala sa isip ko bigla e. XD

Pagkaprint out ng pictures…

First picture: Pareho kaming nakasmile. Pareho din kaming napasmile. Wala lang, ancute kasi ng boyfriend ko. Teka, yun din kaya iniisip niya?

Second picture: Eto yung napatingin kami sa isa’t isa…

Third picture: Ah, eto yung nakatongue-out ako taz bigla niya akong hinalikan…

Fourth picture: Wala lang ‘to. Hihi, dejoke. Eto yung kikiss ko sana yung cheeks niya. Haha, itsura namin, parehong nagulat…

Fifth picture: Eto? Wala lang din. Dejoke. Eto yung kiss na… Basta! Alam niyo na yan! Haha, ang weird kong gf, I know…

Tumingin siya sakin kaya naman napatingin din ako sa kanya…

Ngumiti lang siya…

Pero… may iba sa mga ngiti niyang yun e…

**

Next day at school~

Nasan na ba kasi yung boyfriend ko? Haha, feel na feel e. Dismissal kasi taz ihahatid niya daw ako pero… NASAN SIYAA?!

Umikot ako sa school and… Nakita ko si Dave na may kausap. Kala ko nga si Renz e, kamukha kasi…

Aalis na muna ako, kain muna ako sa may cafeteria at makausap si Cheyz, namiss ko yun e. Boys talk ata e. Tsaka, hahanapin ko pa si Renz…

 “Bespren at karibal ni insan, Dave right?”

Insan? Pinsan niya si Renz?

Tumango lang si Davido, “Marc Austin, pinsan niya”

(PLAY A SAD SONG~ Para mas feel niyo. Hindi kasi marunong magsulat ng drama si otor)

Aish, ba’t ba ako nanunuod? Bad yan, Maycee… pero para akong napako yung mga paa ko sa kinatatayuan ko nang marinig ko yung sumunod na sinabi ng insan ni Brian…

“Aalis si Brian…”

A-aalis?

“Pupunta siyang California, kaya nga ako nandito para sunduin siya e. Nang malaman niya yun, sobrang naglasing siya… Akala ko yun lang yung rason, pero hindi pala… dahil pala nakipagbreak sa kanya si Maycee… sabi niya pa nga sakin na mabuti na lang daw na nakipagbreak si Maycee sa kanya, kasi balak niya din naman makipagbreak at ayaw niya ng saktan pa si Maycee, para bang madali nang makapagmove-on si Maycee at makalimutan agad si Brian…”

“O yan na pala siya e… O kayo na magusap, may date pa ako. Bye folks” sabi ng insan niya…

“Kelan ka aalis?”

“Next week na…”

“Alam niya na ba?”

“Hindi pa… Hindi ko pa kayang sabihin… Ayoko siyang saktan…”

“Pero pre, sasaktan mo din siya… baka nga mas lalo pa siyang masaktan kapag nalaman niya na tinago mo sa kanya e, matatag si Maycee at mahal na mahal ka nun, hindi naman yun susuko agad e…”

“Alam ko… Pero kailangan talaga… ako na lang inaasahan sa family business namin… sobrang halaga nun…”

“So magtratrabaho ka dun?”

“Tatapusin ko muna yung college ko tapos magtratrabaho pa ako… Matatagalan ako duon…”

“Kelan mo balak sabihin?”

“Hindi ko pa alam… pero kapag sinabi ko sa kanya, makikipaghiwalay na rin ako… Ayoko siyang mahirapan at malungkot sa mahabang panahon… gusto ko habang wala ako, masaya siya…”

 “Sa tingin mo ba sasaya siya? Pre, kilala ko bespren ko, Malabo mangyari yun…”

“Kaya nga hihiwalayan ko siya, para magalit siya sakin at mas madali niya akong makalimutan… pero.. hindi pa ngayon… hindi ko pa kaya…”

“Ba’t mo ‘to sinasabi sakin?”

“Kasi alam kong aalagaan mo siya… mamahalin…”

“Pero…”

“Hindi ko siya binibigay sayo… Gusto ko lang na alagaan mo siya”

Hindi ko na kinaya, umalis na ako... Ayoko nang marinig na mahal niya ako… pero aalis siya…

Wala akong pakialam kung ilang tao na ang nakabangga ko palabas ng university, kung ilang tao ang nakakita ng uhog ko, Paki ba nila? E sa ayaw tumigil ng mga luha ko e…

Aalis siya…

California…

More than a year…

Makikipaghiwalay siya sakin… Ganun na lang yun? Sa dinami-dami nang pagsubok na pinagdaanan namin, ngayon pa siya susuko? Pwede namang Long Distance Relationship ah? Kaya ko yun… Mahal ko e…

Sa bahay~

Eto ako, nakahiga, yakap yakap si Brainee…

“Brainee, aalis daw si daddy mo… iiwanan tayo… Ang bad niya noh?” sabi ko at nagsimula na namang magtubig ‘tong mga mata ko. Shemay naman oh.

Pinunasan ko agad yung mata ko at nahagip naman ng mga ito yung diary ko…

‘Hi Diary,

                Long time no write ah. Sorry ha? Masyadong umikot ang mundo ko kay Renz, sa lalakeng sobrang minahal ko… na aalis na next month… Ang sakit, Diary. Sobrang sakit. Sobrang dami na naming napagdaanan taz… ganun na lang? Pero ano nga naman magagawa ko? Mahalaga sa kanya yung family business nila at siya na lang ang nagaasikaso nun.. Makakabuti din sa kanya ang mag-aral dun. Pero… pwede namang magLDR diba? Kaya naman namin yun diba? Sabi niya mahal niya ako, sabi niya soon-to-be-wife niya ako. Mahal ko siya, diary. Mahal na mahal. Kaya naman namin diba? H-hindi ko lang kasi maimagine ang araw-araw na wala siya, na walang nagtetext lagi, walang nerd na sweet na naghahatid sa kin, walang nagsasabing mahal niya ako at mahal ko daw siya (totoo naman), wala nang mangaasar sakin taz pagkatapos akong kulitin lalambingin ako, wala nang magyaya sakin magdate, wala nang…

Wala na…

Nagbreakdown na ako…

Nabitawan ko yung ballpen ko at diary at napatakip na lang sa mukha…

Wala nang nerd… Wala nang Renz…

Ang sakit isipin… Paano pa kaya kung mangyayari na? Kakakayanin ko ba nang wala siya?

Hihintayin ko ba siya? Hihintayin niya din ba ako o makakahanap na lang ng iba?

Parang kahapon lang, ngayon lang, ang saya namin…

Pero pano bukas o sa makalawa? Or next week…

Popularity + Intelligence = LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon