Chapter 22: Ako nga pala si Baklang Dave...

791 25 13
                                    

I would like to apologize! Hindi ako marunong sa sakit sakit chever. XD Ifeel niyo na lang. :>

Chapter 22: Ako nga pala si Baklang Dave..

Dave’s POV

Bakit ako absent? May sakit kasi ako.. Labnat. Haha, dahil kay Maycee, sumosobra na kakornihan at kabaklaan ko.

Masakit kasi e..

Sobra..

Ayoko namang sumingit sa lab story nila kasi..

Nagmamahalan sila..

Masaya sila sa isa’t isa..

Masaya si Maycee..

E kapag ako kasama niya..

Ganun din ba siya kasaya?

Oo, nakita ko sila nung magtapat sila sa isa’t isa.. Shet lang yun. Pano nangyare yun? O eto, flashback..

Dapat magaabsent ako ngayon para magimpake at ayusin yung mga kailangan ko para sa univ.. Pero dahil natapos ko agad ‘to, naisipan kong pumasok at humabol sa next period.. Syempre, para makita si Maycee.. Haha, ang bakla ko..

Dumaan ako sa likod ng school, masita pa ako ni Manong guard e..

*Insert song here, Lul.. sad song or instrumental.. siguro pede ang I wish ng 1D or something more slow, basta kayo na bahala! Hihi*

Pero imbis na magtuloy-tuloy ako papuntang room.. Napatigil ako..

Bakit? Nakita ko lang naman sina Maycee at Brian na magkayakap.

Sana ako na lang kayakap niya..

Agad  namang tinulak ni Maycee si Brian..

“Ano Renz? Ha? Yayakapin mo ako?! Papaasahin mo nanaman ako?! Tapos aalis ka, tapos babalik ka ng may sandamakmak na babae?! Thankyou sa pasalubong ha? THANKYOU! Akala ko pa naman may something tayo? Kala ko..” hindi niya na natuloy.. Umiyak na siya.. Tinakapan niya na lang ung mukha niya at umupo..

Sana ako na lang iniiyakan niya..

Eto namang si Brian, lumuhod.. inalis ung kamay ni Maycee sa mukha niya at pinunasan ang mga luha niya..

Sana ako na lang nagpupunas ng mga luha niya..

 “Mahal kita, alam mo ba yun?” sabi ni Brian ng nakangiti..

Shet. Shet lang.. Ayan na nga ba e.. Mahal niya si Maycee..

“G*go, matagal na akong nagmamahal sayo noh? Ang late mo, outdated” sabi niya ng natatawa-tawa.. kita sa mga mata’t  ngiti niya na masaya siya..

At mahal din siya ni Maycee..

“Wag ka nga magmura..”

“Wag ka din manigarilyo..”

“Bakit? Girlfriend ba kia para pagbawalan mo ako?”

Bigla nawala ang mga ngiti ni Maycee..

“Sht, di pede ‘to. May girlfriend ka..” sabi niya sabay tayo at paalis na sana..

“Maycee..”

“Ano?”

“Wala akong girlfriend.. sino ba? Si Tiara? Sus, business partner ko lang yun..”

“E ano ung ‘I love you’, ung lagi kayong magkasama, ung..”

“Wag ka na nga magselos, ikaw nga mahal ko”

Popularity + Intelligence = LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon