Chapter 35: BAR

653 20 6
                                    

HALUUU! Naestimate ko na ‘to! ^_______^ Hanggang 45 chaptiees na lang siya. XD Ayon, share~

Tinan niyo yun! --------> ANGGANDA DIBAAA? GAWA YAN NG AKING BELOVED BUDDY NA SI JINHEETAL! Ganda diba? Hihi. :3

Sarreh pala sa title, wala akong maisip! >________< And and, sorry kung ang korni o ano, Hindi ako magaling sa ganito. Gaaah! >3<

O eto na, sana magustuhan niyo ‘to! :D 

Chapter 35: BAR

Maycee’s POV

“Tama na, may rason yan. Hindi naman ganyan si Brian, mahal ka niya” sabi sakin ni Davido. PInapatahan niya kasi ako. Asar kasi e, ayaw tumigil ng pesteng mga luha na ‘to…

Pinunasan ko ‘ton mga luha ko. “Ano ba yan, sobra na yang nerd na yan a. Siya lang kaya nakapagpaiyak sakin ng gan’to. Ako si Maycee Velasquez noh? Ako ang nagpapaiyak ng lalaki. Hindi ako ang pinapaiyak. Haha” sabi ko as I faked a laugh.

Pagod na ako. Pagod na ako umiyak… Ilang araw ko din pinipigilan ‘to e, hindi kasi ako weak… Pero akala ko lang pala yun…

“Tara Davido? Bar tayo!”

Yan kasi tambayan namin dati nung kasali pa ako sa FF…

Wala lang, gusto ko lang lunurin sarili ko sa alak… Para kahit sandal, malimutan ko ‘tong lahat…

Sa bar~

“Hi miss”

“Hello sexy”

 Ah, magisa na nga pala akong pumunta dito, pinauwe ko na si Davido… sabi ko gusto ko mapagisa… Anggaling noh? Mapag-isa ako sa bar, pwede ba yun? Hahahhaa.

Oo na, weird na kung weird, ang lakas naman kasi nitong alcohol na nainom ko… Hindi ko alam ang tawag e, basta sabi ko dun sa kung sinong tao na nagbibigay ng alak na ibigay sakin yung malakas magpatama… Hahaha.

“Ay sorry, Hi guys” sabi ko at hinila ko ung collar ng isa dun at hinalikan ko. Wala akong pake sa lecheng kiss kiss respect na yan ngayon, paltan lang nila lahat ng kisses na binigay ni nerd… Teka, anong nerd? Sino yun? Yun ba yung monster na sumisira sa buhay ko? Hahaha.

“Woooah” sabi naman ng mga kasama niya. “

“Gusto niyo rin? One at a time, ha?” sabi ko at hinalikan ko naman yung isa…

Pero may biglang humawak ng mahigpit sa braso ko.. “Shet, who the fuck are you?” Pero imbis na sumagot, hinila niya lang ako palabas ng bar…

“Hoy kung sino ka mang epal ka, wag ka ngang epal, ang ayos na e, nakakalimutan ko na yung lecheng nerd na nagpaibig sakin pero ginago lang ako e… taz bigla-bigla mo na lang hihilain? Gago ka e noh? Minsan minsan na lang ako… pfftt” Adik naman toh. Sino ba ‘to? Bigla na lang kasing hinawakan yung mukha ko at hinalikan ako… torridly pa ha? Pero ewan ko, I respond to his kisses, may something kasi sa mga halik niya e, unti-unti nagiging gentle na…

**

 “Ah shit, ang sakit ng ulo ko…” Teka, nasan ba ako? Pero… Shit. Alam ko ‘tong kwartong ‘to e…

“Yan kasi, painom-inom pa. Oh, kape” sabi ng may-ari ng kwartong ‘to…

Sino pa ba? Edi ang lecheng nerd na nagpaiyak sakin..

“Alis na ako” sabi ko at tumayo na ako. Paalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko… =______=”

“Maycee…”

“Renz, ano bang gusto mo? Break-up? O sige. Break na tayo. Dun ka na sa Allie mo, singit lang naman ako sa love story niyo diba? Ako kasi yung kontrabida. Ayan, single ka na, ligawan mo na si Allie.” Sabi ko at pinilit alisin yung kamay ni nerd pero… yinakap niya ako…

Shet. Eto na naman. Yakap niya lang parang gusto ko siyang yakapin ule… nanghihina na naman ako…

“Renz, please… wag mo na akong pahirapan… please…” sabi ko habang pinipilit kumalas sa yakap niya… pero mas lalo niya lang hinigpitan ito…

“Maycee… ikaw ang mahal ko, ilang beses ko na ba sinabi sayo yun. Ikaw nga. Ikaw lang.”

Shet, naiiyak na naman ako. Asar naman kasi ‘to e. “Wag kang magsinungaling, bad yan.” Sabi ko at pinilit na naman tumawa “Ok lang sakin, pramis. Dun ka na sa Allie mo” sabi ko at kumalas na ako sa yakap…

“Ayoko…”

“H-ha?”

“Hindi nga siya ang mahal ko. Ikaw.Kulit mo talaga noh?”  sabi niya at ginulo niya ang buhok ko…

“H-ha?”

“Ba’t ba kasi ang kulit girlfriend na magiging soon-to-be-wife ko? Sabing busy lang ako. Halika nga” sabi niya at hinila niya ako sa kama at pinaupo dun…

Humiga naman siya “Gangster ako dati… Nagrebelde ako kasi nga, namatay mga magulang ko… tapos nakilala ko ang iyakin sweet na babaeng si Allie… ayun, nagmahal si loko. Sobra. Pero hindi niya nakayanan ang ugali ko kaya nakipagbreak siya sa akin. At ayun, sobrang nasaktan ako… kaya pinilit kong alisin ang ugali kong yun at lumipat sa school natin ngayon, para ba mas madali makapagmove on… Sobrang natakot ako nun… ayoko na masaktan ule…” bigla siyang umupo at hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakatingin ng diretso sa mata ko, kitang-kita ko na sincere siya, “Pero wala e, pinagtritripan ata ako ng tadhana, napamahal ako sayo… at kung iniisip mo na nainlab ako sayo dahil nakita ko siya sayo o ano… Hindi” sabi niya then he chuckled “Sobrang magkaiba kayo, iyakin siya tapos matapang ka naman… Ewan ko nga kung bakit kita minahal e. Pero basta sabi ng puso natin, wala na tayong magagawa e…” pinunasan niya ang mga luha ko… Luha kong tumutulo dahil sa saya, “Ikaw. Ikaw ang mahal ko, at hindi kita iniiwasan, sadyang busy lang ako… Dinadalaw ko kasi si Allie…” bumitaw ako sa mga kamay niya at umiwas sa tingin niya, pero dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ko kaya naman napatingin ako sa kanya “Look, I’m not frustrated, hindi ako nalilito. Alam kong ikaw na ang mahal ko. Ikaw na ang laman ng puso ko. Hindi siya. Pero…

May sakit siya, Maycee… May cancer siya at wala siyang ibang makakapitan kundi ako… Kaya inaalagaan ko siya…”

Pinunasan niya ang mga luha ko “Syempre ayokong ipaalam yun sayo dahil alam kong masasaktan ka, at ayokong mangyari yun… Sorry kung hindi ko sinabi sayo, sorry kung hindi ako nakakapagtext sayo o ano… Sorry kung ang tanga ko… Sorry kung…”

“Ok lang noh? Syempre, kaibigan mo pa rin siya at malaki ang role niya sa buhay mo kaya mahalaga siya sayo…”

“Shit, sorry talaga. Ayokong iiyak ka ule dahil sakin ha? Ayokong makikipagbreak ka ule sakin, ha? Sobra kayang natakot ako ng sinabi mo yun.. Gusto mo iwasan ko na siya? Gusto mo…”

“Hindi hindi… ok lang… Sorry din, I didn’t trust you…”

“Kahit naman ako…”

At ayun, yinakap ko siya at gayon din naman siya…

Popularity + Intelligence = LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon