Chapter 34: Busy daw...

639 19 6
                                    

SARREH NATAGALAN SI UD! Galing ako sa Puerto and tinamad ako magUD. Hihi. :3 Okok, here goes, sana magustuhan niyo! ^_________^

Chapter 34: Busy daw…

Maycee’s POV

“Hoy bespren! Nakahalumbaba ka nanaman, kanina lang abot-langit ngiti mo ah?” sabi ni Davido pagdating ko sa bahay. Kakalipat niya lang ngayon.

“Eh sa ganun e” sabi ko at dumiretso na ako sa kwarto ko.

“Sungit ng bespren ko ah” sabi niya ng hinabol niya ako at ginulo pa ung buhok ko…

“Sorry ka na lang” sabi ko at dumiretso sa kama habang nakatingin sa ceiling…

“Haaay” sabi naman ni Davido at umupo sa kama “Ano bang problema?”

“Wala, BV lang”

“E bakit nga? SI Brian mo na naman?”

“Sino pa ba?”

Napakamot ng ulo si Davido “Kakabati niyo lang ha? Tsaka… kakasimula niyo lang. Nag-away na agad kayo?”

“Hindi naman away… ano lang kasi... may babae kanina na may sugat sa braso… tapos binuhat pa ni nerd na parang may sugat sa paa at dinala pa sa ospital, tapos may pa ‘I miss you’ at chever na kabaklaan pa silang nalalaman… Taz kung nakita mo yung mukha ni nerd kanina, sobrang nag-alala… Basta…”

“Sus, mga babae talaga…” Hindi pa ako tapos e. =____=++

“Kung makababae ka ah, pusong babae ka naman ah”

“Loko. Malay mo, pinsan niya lang o kaya naman dating bespren…”

“O kaya naman ex-girlfriend” sabi ko. Iba lang kasi yung feeling ko dun sa Allie na yun e…

“Intayin mo na lang siyang ipaliwanag sayo kung sino yun, okaaaaay?” sabi niya at tumayo na siya at ginulo na naman buhok ko. Ano ako? Tuta?

“Opo”

“Tara nga, meryenda tayo. Ikain mo na lang yang selos mo na yan”

“Mabuti pa nga”

**

Next Daaay~

“Good Morning, class” sabi ni prof at sinimulan niya ng tawagin ang mga estyudante…

“Velasquez?”

“Present”

“Villareal?”

“Hi sir!”

“Ok, sino ule ang absent?”

“Brian, sir” sabay sabay naming sabi.

Magthree-three days na kaming hindi masyadong naguusap ni nerd. Pag may pasok kasi palagi siyang late at maagang umuuwi, lagi niyang sinasabi na may gagawin siya at busy kaya hindi niya ako maihahatid. Kapag namang tatanungin ko siya kung ano yun, para bang lagi niyang hindi masabi… Magtetext ako, hindi siya magrereply at kapag tatanungin ko sa kanya sa personal kung bakit, sasabihin niyang wala siyang load…

Feeling ko lang ba or talagang…

Our relationship is slowly falling apart…

Kahit kakasimula pa lang namin…

“Sir, sorry I’m late” sabi ng nerd na biglang pumasok…

“This is your last warning, Mr. Thompson. Go to your seat”

At ayun, umupo na siya sa tabi ko… Wala man lang Good Morning o Hi… Basta nakinig na lang siya…

Haaay…

Pagsapit ng dismissal, hindi ko na kinaya… sinundan ko na siya, gusto ko lang malaman kung bakit siya busy lately… Ako pa rin naman ang girlfriend niya diba?

Napadpad siya sa… ospital? Pero hindi pa siya pumasok, pumunta siya sa may likod nito at umupo sa may bench duon… Ah, andito nga pala ako sa may likod ng puno…

Sumandal siya at nakatingin lang sa taas, kita sa mukha niya ang… pagkalungkot?

Ewan ko pero bigla na lang gumalaw ang paa ko papunta sa kanya…

“Renz…” sabi ko nang nakatingin sa kanya ng diretso…

“M-maycee?” sabi niya, halata sa mukha niya ang pagkagulat…

“Porket ba busy ka, hindi mo na ako kilala?” hindi na siya sumagot, nag-iba lang siya ng posisyon ng upo. Bali ngayon, nakarest yung mga elbows niya sa may thigh niya at kita mo sa magkahawak niyang kamay na… kinakabhan siya? Hindi ko naman makita ng maayos yung mukha niya kasi nakatungo siya

“Renz, magpaliwanag ka naman o. Bakit hindi mo na ako maihatid, ni hindi ka mag-Good Morning sakin, Para ngang lagi kang umiiwas sa akin e, simpleng text o tawag din, hindi mo magawa? Renz, ano ba kasing nangyayari?” sabi ko, punong-puno ung boses ko nang pagmamakaawa… Ayoko ng ganito, yung hindi kami naguusap o ano… Ayoko…

“Wala…”

“Dahil ba yun sa Allie na yun? May karapatan naman ako malaman kung sino yung mga babae sa mundo mo diba? Sino ba yun? Pinsan mo? Bestfriend? O…” saglit akong napatigil at nagipon ng lakas para matuloy ang mga sinasabi ko “O ex mo? May dapat ba akong ikaselos, ha Renz?”

“Wala…”

“E sino nga kasi yun?! Naman Renz o, sasabihin mo lang naman sakin kung sino yun, ganun ba kahirap yun, ha?! Alam mo bang nahihirapan na ako dito? Bilang girlfriend mo, nagseselos ako! Makita mo ba naman sa harap mo na may kayakapan at may ibang buhat yung boyfriend mo?!” napatigil ako at tumingin sa taas, paiyak na kasi ako… Paiyak na naman…

“Renz, ako ang girlfriend mo diba? Mahal mo naman ako dba? Hindi pa naman nasisira ‘tong relasyon natin diba? Please naman, Renz…  kakasimula pa lang natin, ganito na… Sumagot ka naman o… Sino ba kasi yun?”

Bigla siyang tumayo “Ugh!” sigaw niya, at kung iniisip niyong magkaharap kami ngayon, hindi… nakatalikod siya sa akin…

“She’s Allie Hernandez, my first love, my first girlfriend, and my first heartbreak…” and with that, he left… leaving me, crying…

Dave’s POV

Gago talaga yang Brian na yan. Pinaiyak na naman si Maycee… At oo, sinundan ko sila… sobrang nag-aalala na ako kay Maycee… Lagi na lang siyang nagpipigil ng iyak at pinipilit ngumiti kahit sobrang lungkot niya. Kapag naman nakita niya si Renz o ano, parang bubuhos na yung mga luha niya… At ako, wala akong ibang magawa kundi icomfort o patawanin siya…

At kung akala niyo pupuntahan ko si Maycee ngayon at yayakapin siya, hindi… Sinundan ko si Brian at…

Sinuntok siya…

“Gago!”

“Alam ko… Ah, thankyou nga pala sa suntok, kailangan ko yun…”

“Tarantado…”

“Oo, tanga pa kamo? Pagdating sa ibang bagay, ang talino ko… pero ngayon, sobrang gulong-gulo si gago. Fuckshit lang…”

Oo, nagulat ako… kala ko susuntukin niya din ako o ano…

“Alam kong hindi ako masyadong matalino pero pagdating sa ganito, hindi ako kasing-tanga mo… Bumalik yung first love mo? At ngayon nalilito ka… Well, choose the second one. Hindi dahil bespren ko si Maycee, pinagtatanggol ko siya… Sinasabi ko na dapat piliin mo yung pangalawa kasi hindi ka naman mahuhulog sa pangalawa kung mahal mo talaga yung una e… Pero ok lang, bumalik ka sa una mo, akin na lang si Maycee…” sabi ko at binulsa ko na yung kamay ko at nagsimula nang maglakad papunta kay Mayz, kelangan niya ng maiiyakan, at yun lang naman ang role ko diba?

**

Kung hindi niyo naintindihan si Dave, eto yun…

If you love two people at the same time, choose the second one, because if you really loved the first one you wouldnt have fallen for the second

Popularity + Intelligence = LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon